Starring 75

8.3K 151 34
                                    

A/N:

WARNING: Medyo SPG! Sorry!

This is n iPad update. Walang bold, walang italics. Please bear with me. Wala pa din kami internet connection eh. Please lang po cooperate. Thanks!

30 VOTES & 30 COMMENTS= UPDATE po.

________________________________________________

STARRING 75

FOR GOOD

"Steph, tumahan ka nga." Awat sa akin ni Von. Pinuntahan ko pa talaga siya sa practice niya para lang umiyak. Ang bigat kasi ng dibdib ko. Hindi naman ako tinatanong ni Von. Basta pinatatahan niya lang ako.

Kinapalan ko na ang mukha ko. Kahit na dapat ay kumakanta na siya ngayon, hindi ko na inisip. Hindi na ako nahiya na guluhin ang practice nila at si Syd na nga muna ang umaawit para lang matuloy ang practice.

"Von, ang sakit eh." Reklamo ko. Tulo na pati uhog ko sa polo shirt niyang apple green pero hindi ako nahihiya. Basta ang alam ko lang, kailangan ko ng kayakap para maramdaman kong hindi ako nagiisa.

Hinaplos niya ang likod ko. Lalo tuloy bumuhos ang luha ko. Mas mabuti na rin para lumuwag ang dibdib ko. Walang reklamo namang pinatahan lang ako ng pinatahan ni Von. Hindi siya nagrereklamo kahit lukutin ko ang damit niya. Sobrang bait talaga ni Von.

'Alam mo kasi Steph, may isang babae akong noon ko pa napapansin. Pero dahil sa gusto din siya ng kaibigan ko, nagparaya ako. Ginawa ko ang lahat para mapalayo ang damdamin niya.'

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Franz. Ang alam ko, kami lang talaga ni Von ang kaibigan niya. Kung ako iyong babae, eh di si Von iyong lalaking nagmamahal din sa akin na pinagparayaan niya? Talagang kumpirmado na ako ay dating girlfriend niya.

Paano kaya nakakayanan ni Von ang pagpipigil sa tuwing lumalapit ako sa kanya kung may pagtingin pala siya sa akin? Nakakahanga si Von! Hindi lahat ay tulad niyang wagas magmahal kung ganoon.

"Ah Von.. Ang sabi ni Dei at Franz naging boyfriend daw kita? Totoo ba?" Tanong ko habang tumatahan na. Kailangan ko kasing malaman dahil gusto kong mabuo ang mga piraso ng pagkatao ko na hindi ko matandaan.

Namilog ang mata ni Von. Halatang nagulat siya sa tanong ko. Hanggang sa nag-sink in na din ata ang tanong ko sa utak niya. "Oo. Totoo." Sagot niya na may bahid ng lungkot.

Napapikit ako ng mariin. Totoo pala talaga! Mula na kay Von kaya hindi na ako dapat magduda. "Totoo din ba iyong sinabi niyang minahal mo ako?" Sabi ko pa. Gusto ko lang ding makasiguro na tama ang pagkakaalam ni Dei.

"Totoo din iyon. Walang nagbago. Mula noon, hanggang ngayon, mahal pa rin kita." Matapang na amin niya.

"Paano mo nakayanan na ikinasal ako sa kaibigan mo kung mahal mo ako?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ako makapaniwala na may lalaki pa palang dalisay magmahal tulad ni Von.

"Steph, mahirap pero kinaya ko. Halos gumuho ang mundo ko. Doon ko lang narealize na hindi porke't mahal kita, ay dapat na mahalin mo din ako. Dahil ang pagmamahal ay ibinibigay ng bukal sa puso. Hindi pwedeng ipilit. Walang inaantay na kapalit." Sabi niya na bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon