A/N:Welcome back, @MrsSuzy! Thank you kay @QuelaiDublas sa walang sawang support.. I stand corrected. Mula Innocent Love <3 pala magkasama na kami.. Sorry!
______________________________________
STARRING 14RICH & FAMOUS
Pagdating namin sa resort ay naandoon na ang ilang co-models ni Franz. Naandoon na rin si Miss Mye, ang naka-assign na maging assistant niya. Hindi man lang ako inalalayan ng loko nang bumaba kami ng sasakyan niya.
"Steph, dalhin na ninyo itong mga gamit ko sa cottage." Utos niya sa akin. Ngayon ko lang naisip, uwian nga pala kami. Bakit ba ang dami ko pa ring dala na gamit naming dalawa? Sana ay mas magaan itong bitbit ko ngayon.
Mabuti na lang at sinalubong kami ni Miss Mye. Tinulungan niya akong dalhin ang mga gamit. Siya ang nagbitbit ng mga de-hanger ni Franz. Ako ang may dala ng make-up kit at ilang pares ng sapatos. Yes! Tama ang basa ninyo. Make-up kit. Maselan kasi ang lolo ninyo. Gusto niya ay may sarili siyang mga gamit sa mukha. Habang si Kuya driver naman ang may buhat ng maleta niya at bag ko.
Si Franz? Ayun at nakikipagkwentuhan na sa mga lalaking models. Kung hindi ko lang talaga siya gusto, malamang ay iniitsa ko na lang itong mga gamit niya! Pero hindi eh. Gusto ko siya kaya tiniis ko na lang.
"Ang layo ba?" Nakangiting sabi ni Miss Mye. Kilala na niya ako dahil kahit hindi naman ako isama ni Franz, lagi akong nakabuntot sa kanya."Oo nga po eh, Miss Mye."
"Steph, pwede bang huwag mo na ako i-opo? At Ate Mye na lang itawag mo sa akin?" Tanong niya sa akin."Ok." Sagot ko naman.
Ang ganda naman sa resort na ito! Parang paraiso! Sa paglakad ko, bumaon iyong paa ko sa masyadong malambot na buhanginan kaya muntik na akong madapa.
"STEPH!" Napatili si Ate Mye.
Napaluhod lang ako at nagtalsikan ang mga gamit ni Franz. Nakuha ko tuloy ang attention ng lahat. Whew! Kung pwede lang kainin na ako ng buhangin ngayon.
"Let me help you." Napaawang ang mga labi ko ng makitang nakatayo sa harap ko at inalalayan akong makatayo ng sikat na si William Sy.Natulala na lang ako dahil sa kagwapuhan ng half-Filipino at half-british model na ito. Grabe ang kanyang blue eyes! Parang mata ni Kent na boyfriend ni Barbie.
Napangiti naman siya sa nakitang itsura ko. Gad! Ang wafu! Para tuloy akong nakukuryente ng tulungan niya akong tumayo. Hindi niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang nahihiyang bumawi noon sa kanya."T-thank you!" Pasasalamat ko. Tumungo kami para pulutin ang mga make-up ni Franz na kumalat. Nagkahalakhakan kami ng magkauntugan pa kami sa pagpulot.
Dali-dali akong binalikan ni Ate mye. "Ok ka lang , Steph?" Nag-aalalang tanong niya. Natigilan siya ng makitang nasa harap ko ang napaka-gwapong barizilian model na may accent pang magtagalog na si William Sy.
"A-ayos lang ako, Ate. Mauna ka na po. Susunod po ako."
"Ok." Sagot ni Ate Mye. Ngumiti siya sa amin ni William at tumalikod na.
"You're Steph, right? I'm William." Pakilala niya nang makatayo na kami. Awe! Nasa kamay niya ang make-up kit ni Franz. Nakakahiya at pinagbibitbit ko siya.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...