Starring 62

9.4K 186 47
                                    

A/N:

Hindi sana ako mag-uupdate kasi may sakit si Tope ko, pero para kay @tipitipitin ay nagupdate ako. I was so touched with her message. Thank you girl! Sana sa message board ko mo isinulat.. Hihi! Demanding ba? Anyways, please continue VOTING & giving your COMMENTS. 15 COMMENTS and 20 VOTES = UPDATE. Thanks!

________________________________________

STARRING 62

CONFESSION

Halos 30 minutes lang ata kaming nagbyahe pero hindi ko namalayang nakatulog ako. Siguro dahil sa sobrang buhos ng emotions kanina at kaba. Nagising na lang ako ng huminto na kami at may humaplos sa pisngi ko.

"Steph, gising na. Naandito na tayo." Kinusot-kusot ko pa ang aking mata at natagpuan na si Franz ay nakangiti habang nakatitig sa akin.

Tumingin ako sa labas ng kotse. "Nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanya. Ang nakikita ko kasi ay parang isang restaurant na may malawak na garden.

Hinaplos ni Franz ang braso ko. "Secret muna." Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil nakuha pa niyang kumindat.

May parang inaabot siya sa bag niyang nasa may paanan ko. Tulalang nakatitig lang ako sa kanya. Kasi naman sobrang lapit niya sa akin ngayong nakayuko siya.

"Para saan iyan?" Tanong ko sa kanya nang mula sa bulsa ng bag niya ay may inilabas siyang scarf.

Nakahinga ako ng maluwag nang umayos na siya ng upo sa driver's seat. Pinanuod ko lang siya habang tinitiklop-tiklop ang panyo. Napalunok ako ng lumapit siya sa akin at tanggalin ang seatbelt ko. Ang bango naman kasi ng buhok niya. Grabe!

Nagsimula na namang tumambol ang puso ko ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at iharap sa kanya. "Do you trust me, Steph?" Tanong niya.

"Yes!" Walang alinlangan na sagot ko. How can I not trust him? Hindi ba't kasama ang magtiwala ka sa tao kapag mahal mo ito? Syempre naman malaki ang tiwala ko kay Franz.

Ngumiti siya ng malapad na halos mawala na ang singkit niyang mga mata. Iyan ang pinakapaborito ko kay Franz, ang kanyang chinito at expressive eyes.

"Then wear this." Sabi niya. Hindi na ako nakasagot ng italikod niya ako sa kanya at lagyan ng piring ang aking mga mata.

"Dito ka lang at tutulungan kitang lumabas." Bilin pa niya sa akin.

Napatawa ako. "Are you serious? Syempre dito lang ako. Wala nga akong makita eh." Sabi ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kotse at maya-maya'y ang pag-click ng pintuan sa tabi ko. Bumukas na ata iyon. "Don't let go of my hand, Steph." Malambing na sabi pa niya.

"S-sige." Nabubulol na sagot ko habang inaalalayan niya ako pababa ng kotse. Hawak niya ang magkabilang kamay ko. Kinakabahan kasi ako kung ano ba itong pakulo ni Franz. Baka mamaya ay madapa pa ako nito eh.

Pakiramdam ko, pumunta si Franz sa likod ko at inalalayan akong maglakad sa magkabilang siko. Ang liliit ng hakbang ko kasi baka madapa ako. "Franz, malayo pa ba?" Naiinip na tanong ko.

"Konti na lang." Sagot niya sa may likod ko. Tama nga ako. Nasa likod ko nga siya nakapuwesto.

Kinapa ko ang pinaghintuan namin at naramdaman kong nasa harap na ako ng isang lamesa. "Dahan-dahan sa pagupo." Sabi sa akin ni Franz. Mabuti na lang at inalalayan niya ako sa may likod at hinawakan sa bewang ko, kung hindi ay napasalampak ako. Bigla kasing parang naging jelly ang tuhod ko sa hawak niya sa akin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon