A/N:
Please pray for my fast recovery. Hindi ako makapasok. Walang kita.. hayys!
_________________________________________
STARRING 28
BIPOLAR?
"Bakit ba ito lasing?" Narinig kong tanong ni Franz kay Syd. Naramdaman ko pa ang mainit na katawan niya sa tabi ko.
Oh no! Naandito si Franz! Tiyak na masesrmonan ako nito. Sino ba kasing kumontak pa sa kanya? Nakakainis pero nakakatuwa na rin at least, safe na ako kasi may mag-uuwi na sa akin... ang asawa ko.
Tutal buking na rin naman ako kaya no choice na ako kundi batiin siya. "Hi, Franz!" Humahagikhik na bati ko. Iniayos ako ni Franz ng upo kasi nakasubsob na kami ni Dei sa lamesa. Lasing na lasing na kami. Pagtingin ko, nasa private room na kami ng bar? Ah lumipat nga pala kami ng mga Colours dito para hindi sila pagkaguluhan ng fans.
Ang bad ni Franz! Sinimangutan lang ako. Pero nakaakbay pa rin naman siya sa akin, what a caring husband?!
"Heartbroken? Tinatawagan ko si Von pero hindi ko makontact. Kaya ikaw ang naisipan naming tawagan ni Pooch." Narinig kong paliwanag ni Syd. Hindi ko na sila matingnan. Naduduling na ako sa lasing kaya ipinikit ko na lang ang mata ko.
"Hey! Are you ok?" Tinatapiktapik pa ni Franz ng mahina ang pisngi ko. Hindi ako makasagot. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya.
"Ang mabuti pa, iuwi mo na siya. Tinawagan ko na ang kapatid nitong kaibigan niya at susunduin na daw ito." Sabi pa ni Syd kay Franz. Alam naman kasi nila na magkapitbahay lang kaming tatlo nila Von kaya pinapahatid na ako. Ang hindi nila alam, iisa na kami ng bahay na inuuwian ni Franz.
"Bro, on the way na daw si Manager. Halika na, Syd, andito na naman si Franz." Narinig kong boses ni Pooch.
"Sige. Pero Franz, ok lang ba na iwan na namin kayo? Paki antay lang ung sundo nitong kaibigan ni Steph. Pwede ba?" Boses ni Syd. Ang bait talaga ng bandmates ni Von sa akin. After all, I used to be Von's girlfriend di ba? Sayang nga lang at used to be na ngayon.
"Oo, Pare. Sige na. Ako na bahala dito sa dalawa." Pagpayag naman ni Franz.
Tinapik ako sa balikat ni Syd. Hindi ako nagmulat pero ngumiti ako. "Steph, una na kami. Si Franz na bahala sa inyo." Narinig ko pang paalam ni Syd sa akin.
Tumango lang ako. Hindi ko kayang imulat mga talukap ng mata ko. Ang bigat kasi. Gusto ko na lang matulog. Itong dibdib ni Franz, ang sarap pang gawing unan.
"Franz, ingatan mo si Steph. Alam mo namang mahal na mahal iyan ni Von." Narinig ko pang bilin ni Pooch. Hindi maiwasang hindi bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Mahal daw ako ni Von? Eh bakit natitiis niya ako ng ganito? Si Von na hindi man lang ako naisip kumustahin. Kahit ata mamatay ako ngayon eh hindi niya malalaman.
"Oo, ako na bahala." Sagot ni Franz. Naramdaman ko pang parang kinumutan niya ako ng jacket niya habang akbay ako. Alam kong kanya kasi naamoy ko ang pabango niya eh.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...