A/N:
Sorry wala pa po kami net. Nag-data lang ako sa iPad. This is an iPad update. Salamat sa inyong lahat saka ko na kayo iisa-isahin kapag may net na kami.
35 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE.
________________________________________
STARRING 74
REVELATION
"Franz, alam mo bagay kayo ni Fatima." Sabi ko habang nakatingin sa bintana ng kotse. Hindi ko alam bakit iyon ang nabuksan kong topic. Out of the blue eh gusto ko na lang pag-usapan iyon.
"Si Fatima? No way!" Sagot niyang medyo napalakas kaya napatingin ako sa
"Kung hindi si Fatima, sino sa tingin mo ang bagay sa iyo? Si Kyla?" Kulit ko pa sa kanya.
Naalala ko kasi iyong halikan nilang dalawa sa classroom noong isang araw. Si Kyla nga ang humalik pero hindi ko naman nakitang nanglaban man lang siya.
Naisuklay niya ang isang kamay sa buhok niya. "Wala! Wala akong ibang gustong babae. Isa lang ang gusto ko." Sabi niya sa akin. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela na parang naiinis.
"Walang iba? Sino ba ang sinasabi mong nagiisang gusto mo?" Tanong ko pa sa kanya habang nakakunot ang noo. Iniisip ko kasing mabuti kung may gusto ba siyang iba. Ang pagkakatanda ko, wala naman siyang niligawan noon.
Medyo nagulat ako ng bigla niyang iliko ang kotse niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ito ang daan papunta sa subdivision namin.
Sinilip ko pa sina Von sa rearview mirror at nakita kong nawala na sa likod namin ang kanyang sasakyan. Saan ba kami pupunta ni Franz?
Hindi sumagot si Franz. Bagkus ay nagmaneho lang siya. Ako naman ay hindi na nangulit. Kababati lang namin, kahit na wala kaming sorihan sa isa't-isa, kaya ayokong magkainisan muna kami.
Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto kami sa isang park ng isang exclusive subdivision. Bumaba si Franz at pinagbukas ako ng pinto. Nahihiya man ay lumabas na rin ako.
Paglabas ko ay dinama ko ang malakas na hangin. Idinipa ko ang mga kamay ko at marahang pumikit. Sa sobrang gulo kanina sa harap ng resto ay parang gusto ko lang makahinga ng ayos. Damahin ang hanging malayang humahampas sa akin.
"Steph, doon tayo." Tawag niya sa akin kaya idinilat ko ang aking mga mata at sinundan siya na umupo sa swing.
Natatandaan ko ang lugar na ito. Dito kami nagfamily day noong grade 2 ako. Magkasama kami ni Franz noon habang ang parents namin ay kasali sa mga ball games na pang magulang. Naghahabulan kaming dalawa noon dito ng accidentally ay mabangga ko si Von.
Si Von na kasama ng mga magulang niya dahil bagong lipat pa lang sa school namin. Doon namin nalaman na sa kanila pala iyong malaking mansion, as in mansyon talaga, na pinapagawa sa tabi ng bahay namin.
Sa maghapong iyon ay naging close agad namin si Von. Mabait kasi siyang kalaro. Lalo na sa akin kasi madalas siyang magparaya para lang hindi ako maging taya. Nagkasundo pa sila noon lalo ni Franz kasi parehas silang ingliserong bata.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...