STARRING 31
ALIPIN
"Tita Zyrah.." Nagulat na sabi rin ni Franz.
Kinakabahan ako dahil baka kung anong isipin ng Mama ni Von. Nakita niya kaming galing sa loob ng ladies' restroom. Hindi ko malaman kung ngingiti ako o tutungo para hindi magtagpo ang paningin namin ni Tita. Alam kong wala akong ginagawang masama, pero I can't help but be affected.
Natatakot pa ako kay Tita dahil alam kong alam niya kung anong nangyari sa relasyon namin ni Von. Alam kong alam niya na nasaktan ko ng labis si Von. Malamang ay galit siya sa akin, sa amin ni Franz. Kaya nga hindi sila pumunta sa kasal namin hindi ba?
Ngumiti si Tita sa amin. "May shoot ka daw dito, Iho?" Nabigla ako na iba ang tinanong ni Tita. Hindi ba niya itatanong kung bakit kami galing sa loob ng cr ng babae? Hindi niya ba kami sisitahin?
Napakamot ng ulo si Franz. Alam kong tulad ko, nahihiya din siya kay Tita. Siyempre kasi nasaktan namin ang anak nila, si Von. "O-opo. Beer commercial po, Tita Zyrah." Magalang at nabubulol na sagot pa ni Franz.
Tumango-tango si Tita. "Good. Ipagpatuloy mo iyan. Goodluck sa future endevours mo." Nakangitipang sabi ni Tita sa kanya. Ako naman ay nakikiramdam. Baka naman sa akin galit si Tita? Kasi hindi niya ako kinakausap.
"Tita.." Pagkuha ko ng pansin niya.
Saka lang siya bumaling sa akin ng nakangiti. "Magpupunta lang ako sa powder room. Antayin mo ako at kakamustahin pa kita. Bumalik ka na sa shooting, Franz. Ako na ang bahala sa asawa mo." At nakangiti pa ring pumasok na si Tita sa restroom. Medyo awkward pa ang feeling ko ng bigkasin ni Tita ang salitang asawa.
"Ok ka lang ba kung iwan kita kay Tita Zyrah?" Nag-aalalang bulong ni Franz sa akin.
Lumingon muna ako sa restroom na pinasukan ni Tita bago sumagot kay Franz. "Oo. Siguro naman, hindi niya ako biglang sasakalin. Hindi naman brutal na tao si Tita, hindi ba?" Sagot ko kay Franz.
"Franz! Galit na si Direk!" Sigaw sa kanya ng assistant niyang si Ate Evie na nakasilip lang sa pintuan ng studio one.
Kahit mukhang nag-aalala pa rin ay walang nagawa si Franz kundi iwan na ako. Nadedelay ang shooting nila dahil sa amin. Nakakahiya sa mga staff, crew at models na katrabaho niya.
Nang makaalis si Franz ay siyang labas naman ni Tita sa powder room. "Doon tayo." At niyaya ako ni Tita sa isang office dito sa Lao Building.
Iginala ko ang paningin ko. Puro litrato nilang tatlo nina Tito Zeon at Von ang nakasabit sa wall. "Office namin ito dito kapag may mga promoters na kailangang kausapin kaming mga Lee." Paliwanag ni Tita kahit hindi ko naman hinihingi.
Great! May sarili silang office dito sa Lao Building? Halatang malaking pera ang naiakyat nilang mga Lee sa management ng Lao. Ang balita ko pa nga, kaya lumaki ng 75% ang assets ng mga Lao ay dahil sa napasikat nila ang mag-asawang Zeon at Zyrah Lee.
"Upo ka." Tinap ni Tita ang lugar sa tabi niya dito sa couch.
Sumunod naman ako sa kanya. Naiilang ako na nakaupo ako ngayon sa tabi niya. After ng break-up namin ni Von ay ngayon ko lang ulit siya nakaharap. Kaya ang kalabog ng dibdib ko ay talagang hindi pangkaraniwan.
"Steph, I'm sorry kung hindi kami nakapunta sa kasal ninyo ni Franz. I hope you understand." Panimula ni Tita habang nakatitig sa aking mga mata at malumanay ang boses.
"Naiintindihan ko po, Tita." Nahihiyang sagot ko.
"Kumusta ang buhay may asawa?"
"Nag-aadjust pa po. Actually po, para lang po kaming roommates ni Franz at hindi mag-asawa."
"Steph, can I ask you this? Minahal mo ba si Von, ang anak ko?" Seryosong tanong niya. Napalunok tuloy ako sa naging tanong ni Tita.
Napatungo ako. "Ang totoo po, mahal ko pa rin po siya hanggang ngayon. Kaya lang, sumuko na po siya sa akin. Hindi na daw po niya ako makakayanang intayin." Malungkot na amin ko.
"Steph, may asawa ka na kasi. Ang mas magandang gawin mo ay pagbutihin mo ang marriage ninyo ni Franz. Let it work. Hindi ba't noong mga bata pa kayo ay si Franz naman talaga ang gusto mo?"
"Opo. Pero noon po iyon."
"Iha, pag-aralan mong buhayin ulit ang pagmamahal mo kay Franz. Hindi masamang hindi mo subukan. Kapain mo sa puso mo. Baka ang matagal mong pagmamahal sa kanya ay natabunan lang pala panumandaling pagmamahal mo sa anak ko. At ngayong ayan na ang pagkakataon mo, pag-aralan mo talaga sa puso mo kung wala na ba talaga ang feelings mo kay Franz." Mahabang sabi ni Tita. Napatingin ako sa kanya. Feeling ko, pinagtatabuyan ako ni Tita palayo sa anak niya.
"Hindi sa hindi na kita gusto para sa anak ko, Steph. Pero kasi, iba na ang sitwasyon ninyo ngayon. Pakiusap ko lang, kung talagang mahal mo si Von, layuan mo muna siya. Hayaan mo siyang gamutin niya ang puso niya. Natatakot ako para sa kanya, Steph. Ayaw niyang kumain, matulog, makipag-usap sa iba, at magtrabaho ng mawala ka. Ayokong ganoon siya. Hindi healthy ang ganoong pagmamahal. Dapat ay mas mahal pa rin niya kahit paano ang sarili niya kesa sa iba." Pinisil ni Tita ang kamay ko.
"Naiintindihan mo naman ako, hindi ba? Gusto kong lumayo ka muna para matagpuan niya ulit ang sarili niya. Mas mabuti pang maranasan na niya ang ganitong sakit ngayong bata pa siya, para pagdumating ang araw ay mas matatag na siya." Dagdag pa ni Tita.
"Opo. Naiintindihan ko po." Malungkot na sagot ko.
"Subukan mong ibaling ang pagmamahal mo sa asawa mo. Baka hindi mo lang alam, pero mahal mo pa rin pala siya. Nabubulagan ka lang ng sobrang pagpapakita ni Von ng pagmamahal sa iyo. Pero kung taon na ang lumipas at ganun pa din ang pagmamahal mo sa anak ko, kahit naandiyan si Franz sa tabi mo, doon ako maniniwala na siya na talaga ang mahal mo." Nakangiti pang sabi ni Tita.
"Aalis na po ako." Paalam ko kay Tita Zyrah.
"Huwag kang magtatampo sa akin ha?" Nakangiting sabi ni Tita habang hinahatid ako sa bukana ng pintuan.
"Opo. Sige po." At nagpaalam na ako habang malungkot na naglalakad pabalik ng Studio One.
Kailangan kong mayakap si Franz. Kailangan ko ng isang karamay. Parang lahat kasi ng tao sa paligid ko ay itinataboy ako sa kanya. Sinasabi na I have to make this marriage work. Pero paano ko naman ito mapapag-work kung napilitan lang naman ako?
Pagpasok ko ng studio ay mukhang break na nila. Nakaupo si Franz habang nasa harap niya si Wiliam at kausap siya.
"Girlfriend mo na pala si Steph? Paano na si Fatima? Hindi mo na ba siya mahal?" Tanong ni William sa kanya. Hindi nila ako napansin. Nakatalikod kasi si William sa akin at nahaharangan niya ako mula kay Franz.
Kahit papaano ay medyo narelieved ako. Ang akala ko hindi matatapos ang araw na ito ay magkakabasagan ng mukha ang dalawang ito eh. Kanina kasi parang hindi na sila close tulad ng dati. At lalo na ng makausap ko si William at narinig kong galit siya kay Franz.
Hindi ako kumilos kasi gusto kong marinig ang sagot niya. This past few days puro kami ni Von ang napapagusapan naming dalawa. Hindi ko man lang natatanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Fatima.
"Mahal ko pa din si Fatima. Kaso anong magagawa ko, ayaw na sa akin ng kapatid mo? Matagal din akong minahal ni Steph dati, tingin ko siya ang makakatulong sa akin na kalimutan si Fat." Napapikit ako ng mariin sa sagot ni Franz.
Mahal pa rin niya si Fatima. Si Von suko na sa akin. Sino nang nagmamahal sa akin ngayon? Kawawa naman pala ako kung ganoon. Saan nga ba tutungo ang kasalang ito? Parang wala namang patutunguhan. Dahil sa puso namin ni Franz, may kanya-kanya kaming mahal.
"Mas nauna akong minahal ni Steph kesa kay Von. Alam mo bang ginawa niyang ang lahat dati para lang mapansin ko siya? Umabot pa iyan sa halos magpakababa siya para lang mahalin ko." Dagdag pa ni Franz. Para namang nasaktan ang pride ko. Bakit kailangan pa niyang ibisto iyong dati? Matagal na iyon eh.
"Wow! Talaga? Pero maganda naman si Steph ah? Bakit hindi mo siya nagustuhan?" Narinig ko pang tanong ni William.
Halos pigil ang hininga ko. Inaabangan ko ang isasagot niya. Noon ko pa rin kasi tanong, 'bakit nga ba hindi ako magustuhan ni Franz? May mga admirers naman ako. Patunay na hindi ako pangit.'
"Ang kapatid mo ang maganda." Sagot ni Franz. Ouch! Aminado naman ako doon. Napangiti si Franz na parang nangangarap pa. "Hindi ko siya type noon pa man. Gustong-gusto ko lang siyang inaalila, inuutusan, kinakatulong. Pero...."
Hindi ko narinig ang iba pa niyang sasabihin kasi bigla akong tinapik ni Troy. "Steph!" Tawag sa akin ni Troy sabay akbay sa akin.
Napalingon tuloy sa gawi ko si William. Pati si Franz ay nanglalaki ang matang napatingin sa akin. Marahil ay hindi niya akalain na maririnig ko ang sinabi niyang, gustong-gusto ko lang siyang inaalila, inuutusan, kinakatulong. Ganoon pa rin ba ang tingin sa akin ni Franz hanggang ngayon? Ang gawin akong katulong ngayong magasawa na kami? Kaya pala hanggang ngayon kung makapag-utos siya at ang ang pagiging bossy niya ay ganoon pa din.
Lumayo ako ng konti kay Troy pero ngumiti ako ng ubod ng tamis. Ang pagiging alila ko pala ang hindi niya makalimutan sa akin ha.. Well..
"Bakit, Troy?" Tanong ko in a very flirty tone.
"Sama ka sa amin mamaya magbabar kami ng co-models namin ni Franz." Yaya ni Troy sa akin. Kakamot-kamot pa na parang nahihiyang magyaya.
"Hindi siya pwede." Singit naman ni Franz na lumapit na sa amin.
Napakunot ang noo ni Troy. Marahil ay hindi niya mainitindihan kung bakit ganito makialam si Franz sa akin. "Girlfriend mo?" Hindi nakatiis na tanong ni Troy.
"Oo." Sagot ni Franz pero sinabayan ko.
"Oo. Girl friend. Babaeng kaibigan." Sagot ko ng hindi tumitingin kay Franz.
Ramdam kong napatingin si Franz sa sagot ko. Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa kanya. After all, alipin pa rin pala ang natatandaan niya sa akin. Hindi ba pwedeng isipin niya na ginawa ko lang naman iyon para sa kanya noon dahil mahal ko siya? At i-describe na lang niya ako sa iba bilang mabuting kaibigan niya na laging handang tumulong?
"Ahh. Kaya pala over protective ka, Dude." Nakangiting sabi ni Troy kay Franz.
Lumapit na din sa amin si William. "Ang akala ko ba girlfriend ka?" Nagtatakang tanong niya. Narinig niya marahil ang usapan.
Ngumiti ako ng ubod ng tamis din kay William. "Girl friend. Mali ka pala ng intindi sa sinabi ko eh. Friend na girl." Sagot ko sa kanya. Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko, pero pakialam ko?
Lalong nagliwanag ang mukha ni Troy. "So sasama ka ba, Steph?" Kulit pa niya.
Sinulyapan ko si Franz. "Oo sasama ako." Sagot kong nakangiting bumaling kay Troy at inirapan lang si Franz.
Iniharap ako ni Franz sa kanya. "Anong sasama ka?" Halos hindi lumabas sa bibig niya ang sinasabi niya dahil nakatiim bagang pa siya ng sinabi iyan.
Pinanglakihan ko siya ng mata. "Nagrerest day din ang mga katulong, Franz." Pang-aasar ko pa.
Kumunot ang noo niya. "Anong katulong?" Naguguluhang tanong niya.
"Katulong. Iyong alipin, alila, utusan.. etc." Nakangising sabi ko.
"Narinig mo ang usapan namin?"
"Yes!" Nakuha ko pang ngumiti ng matamis.
"Paano iyan, sasama pala si Steph. Sasama ka din ba?" Tanong ni Ayvee. Lumapit na rin ang ibang mga babaeng models.
Tumingin muna sa akin si Franz pero nakangising umiwas ako ng tingin sa kanya. "Oo." Napipilitang naisagot niya.
"Hindi ko maintindihan. Kasasabi lang ni Franz na magnobyo kayo tapos dinedeny mo." Bulong ni William sa akin at hinila ako ng konti, mga isang hakbang paatras para hindi marinig ng mga kaharap namin.
"Huwag ka ng makialam. Saka ang mabuti pa, tulungan mo na lang magkabalikan ang kapatid mo at si Franz." Bulong ko kay William.
"Ang gulo! Hindi ko maintindihan." Reklamo ni William sa tenga ko.
"Hindi ba't inamin naman ni Franz na mahal niya pa si Fatima? Pagbatiin mo na lang sila." Balik bulong ko.
"Oi, Stephanie." Hinatak ako ni Franz palayo sa bulungan namin ni William. Epal talaga kahit kailan!
"Bakit ba?" Singhal ko sa kanya.
Hinila niya ako pasiksik sa kanya. Iyong mga kausap amin kanina ay tinawag na ng mga assistant nila at nireretouch na.
"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nakikipag flirt?" Naiinis na tanong niya.
Ngumisi ako muli. Ang galing ko talagang magpanggap na hindi naapektuhan. "Bakit? Wala na bang karapatan si Inday na makipagflirt kay Dudong kapag restday niya?" Pangaasar ko pa.
"READY!" Sigaw ni Direk.
Napailing si Franz kasi balik shoot na sila. "Ano bang nangyayari sa iyo? Mag-uusap tayo mamaya ah." Galit na sabi niya.
"Oo na! Pagusapan natin iyong swedo ko na hindi mo ibinigay simula noong mga bata pa tayo. Bayad sa mga pang-aalipin mo sa akin." Seryosong sabi ko at tinalalikuran na siya para pumunta sa likod ng mga ilaw at camera.
Hindi na nga maganda ang araw ko. Tinuldukan ni Von ang relasyon namin. Pinalayo ako ni Tita sa anak niya. Tapos maririnig ko pa si Franz na ipinagyayabang ang pagmamalupit niya sa akin dati? Wow great!
**
SA BAR:
Dumiretso kami sa Infinity Bar ng makuha nila ang mga talent fees nila sa natapos na shooting. Iba talaga kapag modelo, ang bilis ng pera. Sa sasakyan namin ni Franz sumakay sina Ayvee at Dianne.
Sa lamesa ay katabi ko si Troy sa kanan at si William sa kaliwa. Katabi ni William si Dianne na katabi si Franz sa kabila. Sa harap namin ay si Franz sa tapat ko at si Ayvee sa tabi ni Troy. Nakaka-dalawang bote na ako ng alak at parang naririnig ko pa ang bilin ni Franz kagabi na huwag na daw akong maglalasing ulit. Mukha niya!
Kanina pa masama ang titig niya sa akin, pero hindi ko pinapansin. Wala akong pakialam kahit umapoy pa ang titig niya. Ang alam ko lang ay galit ako sa kanya.
"Teka, ang daya! Kami lang tatlo nina William at Steph ang nalalasing. Ang mabuti pa, magpaikot na lang tayo ng baso para pantay-pantay ang inom natin." Suggestion ni Troy. Marahil ay napansin niya na nakaka-2 bote na kami ng beer, samantalang itong mga nasa harap namin ay halos hindi maubos ang isa. Straw ata ang kailangan nila eh.
"Go! Whoow!" Tili ni Ayvee. Malakas din ang tugtugan dito sa Infinity Bar. Naandito kami sa private room para hindi sila pagkaguluhan. Hirap na hirap na nga kaming makapasok kanina eh.
Pinaikot na ni Troy ang tagay. Pagkatapos niya ay ako at binottoms up ko ang baso. Kasunod ko ay si William, then sina Dianne, Franz at si Ayvee ang huli. Nakatatlong ikot pa ang tagayan. Si Troy ay napapasandal na sa balikat ko at mukhang inaantok na kaya ako na ang nag-tanggera.
Tinagayan ko ang sarili ko at iinumin ko na sana ng biglang hablutin ni Franz ang baso ko at inumin. "Ano ba?" Naiinis na reklamo ko. Para sa akin iyon eh.
"Tama ka na ng inom." Pagbabawal niya sa akin. Hindi na nahiyang magbawal sa harap nitong mga co-models niya! Pss..
Nagsalubong ang kilay ko. Naweweirduhan naman sa kanya iyong mga co-models niyang babae. "Ang daya naman. Ayaw ng patagayin si Steph." Reklamo ni Ayvee.
"Magdadrive ka pa. Ikaw ang magdadrive kaya huwag ka ng uminom." Sabi niya sa akin na ikinasimangot ko. Gusto ko kasing malasing eh.
Tinagayan ko ulit ang sarili ko. Walang makapagbabawal sa akin. Hindi ko siya amo para utusan niya ako kung ano ang pwede at hindi ko pwedeng gawin.
Pero ng iinumin ko na, inagaw na naman sa akin ni Franz. "Whoow!" Nasabi ni Ayvee at Dianne.
"Ang daya kay Steph iyon eh." Reklamo ni William na halatang may amats na.
"Oo nga. Kay Steph iyon eh!" Pakikiayon ni Troy.
Napangisi ako. "Ang dami kong kakampi." Pang-aasar ko.
Naningkit lalo ang mga mata ni Franz sa akin. "Tama ka na nga kasi. Sinabi nang magmamaneho ka pa pauwi natin." Halos maglabas na siya ng apoy sa ilong sa pagsaway sa akin.
Napatingin si Dianne sa amin ni Franz. "Pauwi ninyo? Malapit ba subdivision ninyo sa isa't-isa?" Tanong niya sa amin ni Franz.
"Iisa kami ng inuuwian." Sagot ni Franz na wala sa sarili na ata.
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Franz. "ANO??" Halos sabay-sabay na tanong nila. Patay na! Mabubuking na atang mag-asawa kami. Ang daldal naman kasi nitong si Franz kasi! Kainis. Paano na ito?
________________________________________________
A/N:
Ang sipag kong mag-update kahit na ang tamad ninyong magVOTE & COMMENT. VOTE & COMMENT naman kayo please? Sige na po. Pampalubag loob sa pagtatype ko habang nakahiga sa kama dahil tocino pa rin ang sugat ko sa tuhod. Whew! Ang chakit!
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...