A/N:
As promised, eto na. Vote at comment na kasi agad para mabilis. Anyways, thanks sa mga votes. Salamat sa mga comments nina : @mjvelasco, @Paul_Samboa, @boxster0207, @efrencilla, @koria3021, @annz29, @rehyuma, @oishiangela, @aiapots_ventulove, @KyungBaeSuk, @miaka_love, @dhione, @RaRaDee, @MrsSuzy, @jhasmincute12, at @SummerFlinn.
Magcomment din po ang mga nagvovote para mabasa ko ang names ninyo. Ang hirap po kasing hanapin kung sino-sino ang mga nagvovote. Pero gayun pa man, maraming salamat po.
30 VOTES & 20 COMMENTS = UPDATE!
_____________________________________
STARRING 68
KILIG OVERLOAD
Nakauwi na ako sa bahay. Ang family ko ang sumundo sa akin sa hospital, pero sasakyan ni Franz ang ginamit namin. Medyo naiirita nga ako kanina dahil nasa hiwalay na sasakyan si Von. Hindi na kasi kasya sa kotse ni Franz. Gusto ko nga sanang umangkas kay Von pero ayaw ng parents ko. Lalo pa akong nainis ng makita ko ang ngisi ni Franz ng sa kotse niya ako sumakay. Asar talaga!
Pauwi na sana si Von pagdating namin sa bahay kanina kaso pinigilan ni Papa para dito kumain. Pss.. Buti nga! Iyon din kasi ang gusto ko. Muntik pang umupo sa tabi ko si Franz pero hinatak ko si Von na siya ang umupo sa tabi ko. Hindi naman nakaangal si Franz na kurimaw.
Pero nang makita kong parang nawalan ng gana si Franz, dahil sa tabi siya ni Dale napapwesto ay nakunsensya naman ako. Hindi ko rin kasi maintindihan sa sarili ko kung bakit inis na inis ako kay Franz paminsan-minsan. Marahil ay dahil sa hindi na siya nahiya kay Von kapag nilalambing niya ako sa harap ng huli.
Ang kurimaw pa ang nagbuhat sa akin papunta sa kwarto ko. Si Von naman ay nagpaalam na dahil may gig pa sila ngayong gabi. Sayang at hindi ako pwedeng sumama sa kanya dahil sa cast ko para mapanuod siya.
Ayokong makausap si Franz kaya binuksan ko ang iPad ko. Magfefacebook na lang ako. Naaasar na naman ako sa pagmumukha ng kasama ko eh.
"Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka rin ako kung bakit hindi ito sinisita nina Mama kahit na alas-diyes na ng gabi ay nasa loob pa ng kwarto ko. Dalaga pa rin ako at hindi tamang may ginagabing lalaki sa room ko.
"Itinataboy mo ba ako?" Nakakunot ang noong tanong niya. Nakasandal lang siya sa tukador ko sa may paanan ng kama habang nakapamulsa.
Kung titingnan mo siya, gwapo talaga! Kaya sikat ito eh. Pero iyong ugali niya ang ayoko sa kanya. Mabait naman siya sa akin ngayon, pero minsan, may ginagawa siyang nakakairita. Tulad na lang ng pagiging possessive niya kahit wala siya sa lugar. Hindi ba't ang sabi ni Vanity eh si Von ang katipan ko? Eh bakit kung umasta siya eh parang akala mo, may karapatan siya sa akin?
Inis ako sa pag-apak niya sa ego ni Von kanina kaya pinararamdam ko na kay Franz ang asar ko sa kanya. "Oo. Gusto ko ng magpahinga." Nakairap na sabi ko pa.
"Ang harsh mo naman sa akin. Pero kay Von ang bait mo." Reklamo niya habang ngumunguso. Umupo siya sa tabi ng kama ko. Tinitigan ako gamit ang malungkot niyang mata. Lumambot tuloy ang expression ko. May something kasi sa kanya na nakakaawa.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...