A/N:
May gimik ako later kaya maaga akong magpopost. Sana magusthan ninyo. STRIKE VOTE & COMMENT please?
__________________________________________
STARRING 19
ENDING MY PUPPY LOVE
"Bakit ka naiyak?" Naandito ngayon sa bahay namin si Von. Wala silang gig ngayon kaya dito siya tumatambay.
Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa aking mga mata. "Von.." At yumakap na lang ako sa kanya. Hinaplos niya naman ang likod ko, kaya pakiramdam ko, lalo tuloy akong naiiyak.
"Tahan na." Alo pa niya sa akin. Mabuti na lamang at naandito kami sa bench sa likod ng aming bahay. Kung hindi ay magtataka si Mama kung bakit ako iyak ng iyak.
Ibinuhos ko na ang lahat ng luha ko. Halos magsara na ang aking mga mata kakaiyak. Pero sadyang mabigat ang dibdib ko kaya hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Nang halos kulang-kulang isang oras na akong umiiyak ay saka lang ako unti-unti tumahan.
"Ok ka na ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Von. Para naman akong nakokonsensya kasi binasa ko na lang ang dibdib ng damit na suot niya ng aking mga luha.
Tumango lang ako. Pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng lakas ko ng dahil sa kakaiyak ko kanina. Para akong baterya na nadrain na.
"Ano bang problema?" Tanong sa akin ni Von.
Napalunok muna ako. Pakiramdam ko kasi pati lalamunan ko ay natuyo dahil sa sobrang pagluha kanina. "Von, si Franz at Fatima.... sila na." Napakagat labi na naman ako. Pakiramdam ko ay muli na naman akong bubukalan ng mga luha.
Inakbayan ako ni Von at isiniksik sa kanya. Kahit papaano ay naginhawaan ako. May kakayanan kasi siya na pagaanin ang kalooban ko at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa na haharap sa mga problema.
"Ganoon ba? Paano mo nalaman?" Halos bulong niya sa akin. Nakasiksik ako sa dibdib niya, akbay pa din, at nakapatong ang baba sa ulo ko.
"N-narinig k-kong pinapakilala niya si Fatima sa mga k-kaklase namin bilang girlfriend niya noong uwian." Humihikbi na naman ako habang nagsasalita. "Akala ko ay tanggap ko na talaga. Pero hindi pa rin pala. Halos kasing sakit ng gupitin ang puso ko at ilubog sa kalamansi sa sakit." Dagdag ko pa.
Hinawakan ni Von ang mga pisngi ko para magtama ang paningin namin. "Mabuti na nga at nangyari na ito. At least, alam mo na hindi talaga kayo para sa isa't-isa ni Franz, Steph. Biruin mo, 15 years ka nang naghihintay na mapansin ka niya. Kung hindi pa nangyari ito, malamang umabot ka na sa pagtanda." Seryosong sabi niya sa akin.
"Pero ang sakit talaga, Von. Pakiramdam ko, ayaw ko ng mabuhay." Pagtatapat ko sa kanya.
Napailing na lang si Von na parang sumusuko na sa pagtulong sa akin para malinawan ang utak ko. Bakas din ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko na ako ng dahilan ng kalungkutan niya.
Napabuga siya ng hangin bago nagsalita. "Steph, move-on ka na. Naandito naman ako para sa iyo. Huwag mo nang dagdagan pa ang 15 years mong pagpapakatang@ sa kanya. I'm sorry at hindi nagbunga ayon sa kagustuhan mo ang pagpapanggap natin. Hindi natin napagselos si Franz. Bagkus ay napatunayan natin na may iba nga talaga siyang gusto." Sabi pa niya.
Alam kong brutal ang pagkakasabi niya, pero wala siyang magawa. Kasi gusto lang talaga akong gisingin ni Von sa kahibangan ko. Kaya sana nga ay matauhan na ako.
AFTER 2 MONTHS:
Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nang maging kami ni Von, at maging sina Franz at Fatima. Mabuti na lang at naandito si Von para umaktong nobyo ko, kaya may nagpapagaan ng kalooban ko. Ang lahat ng paghihirap na iyan ni Von ay sadyang naappreciate ko.
Bilang ganti sa kabutihan niyang pagdamay sa akin palagi, kahit na nasasaktan pa din ako sa tuwing may balita kina Franz at Fatima, ay hindi ko na ipinapahalata kay Von. Ayoko namang mawalan siya ng pag-asa na kaya niya akong tulungang makalimot. Kasi halata na talagang ibinibigay niya ang kanyang best effort para lang mabaling ang attention ko sa kanya. Hindi naman siya mahirap magustuhan, pero sadyang si Franz ay lihim ko pa ring minamahal.
Isinama ako ngayon ni Von dito sa party ni Sir Lance Lao. Birthday niya kasi at inimbita ni Sir ang lahat ng taong malalapit sa kanya. Syempre naandito ang mga magulang ni Von dahil hindi lang sila kaibigan ni Sir, mga talents din niya kasi ang mag-asawang Lee.
"Steph, sayaw tayo." Naglahad pa ng kamay sa akin si Von para tumayo ako at sumayaw kami sa gitna ng dance floor.
Naka-above the knee pink cocktail dress ako. Habang si Von naman ay nakapink na long sleeves sa loob ng coat na suot niya. He was perfectly handsome! Napakaswerte ko at ako ang date niya.
Maraming mga anak ng kaibigan ni Sir sa alta-sosyudad ang nasusulyapan kong kilig na kilig na nakatitig sa kanya. May mga desperada pang nakikipagkilala kahit na kasama na niya ako. Mga papansing babae na akala nila ay pagtutuunan sila ng pansin ng isang Von Lee. Well sad to say, tanging nasa akin lang ang buong attention niya.
"Bakit ka ba nakasimangot?" Tanong niya habang sumasayaw kaming dalawa.
"Naiinis kasi ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa iyo." Sagot ko habang nagkakandahaba ang aking nguso. May karapatan naman akong magselos, hindi ba? Kahit ako ay fake girlfriend lang, at least, ako pa din ang girlfriend. Ako ang may karapatan.
Napangisi si Von sa sagot ko. "Hey! Ano ka ba? Hindi ka pa ba nasanay? Talaga namang pinagkakaguluhan ang iyong STAR boyfriend." Natatawa pang sabi niya. "Ouch!" Daing pa niya ng binigyan ko siya ng pinong kurot sa braso habang nakangisi pa din.
"Yabang mo!" Mas lalong nalukot ang mga kilay ko sa sinabi niya.
Idinikit ni Von ang katawan niya lalo sa akin habang sumasayaw. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong. "Steph, kahit magpapansin sila, tanging ikaw lang ang nakikita ko." Kinilabutan pa ako sa init ng kanyang hininga sa aking tenga.
Napapikit ako ng mariin sa halos pagdampi ng labi niya sa tenga ko. Para itong may dalang kuryente sa buong katawan ko. Kinikilig ako! Ikaw ba naman ang magkaroon ng ganito ka-sweet na boyfriend, kahit pa fake lang, ay kikiligin ka talaga. Habang tumatagal ay ramdam kong nadedevelop na ako sa kanya.
"Von..." Tawag ko sa kanya. Medyo inilayo ko ng konti ang mukha ko sa dibdib niya. Tumingala ako ng konti dahil di hamak na mas mataas siya sa akin.
"Hmm?"
"2 months na." Paalala ko.
"So? Gusto mo bang pumunta somewhere para sa monthsary natin next week?" Seryosong tanong niya. Last monthsary kasi namin ay nagcelebrate kami sa Dos Palmas, Palawan. Kahit peke ang relasyon namin, ang mga ways niya ay parang sa isang totohanang boyfie sa kanyang girlfriend.
Umiling ako. "Hindi naman iyon eh." Sagot ko. Wala naman akong balak na pagastusin na naman siya sa next monthsary. Siya lang naman ang makulit na nagbook ng flight namin dati doon. Pero kahit ganoon, aaminin ko na naging sobrang saya ko naman noon.
"Eh ano?"
Lumunok muna ako para tanggalin ang kung anumang nakabara sa lalamunan ko. Parang may nagbabara ngayong nakatitig ako sa kanya. Ang kanyang perpektong hugis ng ilong, ang mga mata niyang nangungusap din kapag nagsasalita siya, ang mapupula niyang labi na napakalambot noong hinalikan niya ako noon, at ang kanyang buhok na parang pang Koreano na minsan ay tumatakip sa kanyang mata. Ang lahat sa kanya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kilig.
Ngayon ko lang narealize na kung wala si Von, hindi ko alam kung makakayanan ko ng ganito na may iba si Franz na gusto. Hindi ko pala kaya kung wala si Von sa tabi ko. He is like my shelter sa mga gabing nagiisa ako sa ilalim ng maliwanag na buwan.
Pero bakit hindi ko maibigay ang 100% kong attention sa kanya? Bakit palagi ko pa ring natatagpuan ang sarili kong lihim na nagmamatyag sa mga nangyayari kay Franz?
Ngumiti siya at hinalikan ang tungki ng aking ilong na naging dahilan para mamula ako ng labis. "Hey! Alam kong gwapo ako. Anong sasabihin mo?" Pang-aasar pa niya sa akin ng mahalata niyang tinititigan ko ang bawat detalye ng mukha niya.
Sadyang nakakahumaling ang mga titig ni Von. Kahit sinong babae, kahit pa bakla, kapag tinitigan niya ng ganyan ay tiyak na mapipigtas ang garter ng underwear.
"Ehem.." Muli ay tinanggal ko ang kung anumang nabara sa lalamunan ko.
".. 2 months na, Von. Ang sabi mo maghihiwalay din tayo?" Panimula ko sa kanya.
Iyong ngiti niya ay unti-unting nawala. Inihiwalay niya ako sa kanya at walang imik na inakay pabalik sa upuan namin kanina.
"Napaka-brutal mo, Steph. Ang galing mong makapanira ng moment." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga alak sa ibabaw ng lamesa.
Hindi ako makaisip ng isasagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanyang mga gwapong mukha. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa paninira ko ng magandang mood ni Von.
"Bilang na bilang mo ang mga araw. Ganoon mo ba kagustong humiwalay na sa akin at humabol-habol muli sa kanya?" Hindi nakatinging sambit niya sabay lagok ng alak. Bottoms-up pa!
Ohmaygad! It kills me. Masakit na nasasaktan ko si Von. Ito pa ba ang isusukli ko sa lahat ng pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin? Kaya ko ba kapag tuluyan na siyang bumitaw sa akin?
HINDI!!
Si Von lang ang nagbibigay sa akin ng lakas sa ngayon. Siya lang sinasandalan ko sa mga oras na nasasaktan ako sa mga balita tungkol sa relasyon ni Franz.
"Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin...." Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung pinakikinggan pa ba niya ako. Kasi inom lang siya ng inom at doon na lang nakapako ang kanyang paningin.
"... Malapit ng matapos ang pagpapanggap natin. Nakuha na natin ang mga solusyon sa problema nating dalawa. Hindi ka na masyadong ginugulo ni Janelle. Napatunayan ko na din sa sarili ko na si Fatima talaga ang gusto ni Franz." Lumunok ako.
Parang hindi kayang lumabas sa bibig ko ng mga salitang gusto kong sabihin. Lalo na at napansin kong tumigil si Von sa pagtagay. Halatang nakikinig siya kahit hindi nakatingin.
"..Pero kailangan ba talaga nating maghiwalay?" Tanong ko sa kanya.
Napalingon siya sa akin ng marinig ang huli kong sinabi. "G-gusto mo ba? Dahil kung anong gusto mong mangyari, iyon ang gagawin natin." Tanong niyang seryosong nakatitig sa akin.
"H-hindi. I want to keep you, Von. Ikaw na lang ang meroon ako. Ikaw na lang ang laging nasa tabi ko." Seryoso ring sagot ko. Kasi ngayong may gf na si Franz, si Von na lang ang nagiging outlet ko para malibang sa nakakapagod na maghapon.
Nanglaki ang mga mata ni Von sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala marahil na masasabi ko ang ganitong mga bagay. But I can't help it. Ito ang laman ng isip ko.
"Talaga?" Sabay sunggab niya sa akin ng yakap. Tuwang-tuwa siya talaga. Kaya niyakap ko na rin siya pabalik.
"Mahal na rin kita, Von." Confess ko.
Lalo niya akong niyakap ng mas mahigpit, hinalikan ang aking noo. "Oh my Steph! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Maligayang sabi niya.
Lumayo siya ng konti sa akin at hinuli ang aking titig. "Pero paano ang feelings mo kay Franz?" Tanong pa niya.
Nagtatalo ang damdamin ko at isip ko kung sasabihin ko ba ang totoo. Pero sa huli nagdesisyon din ako. "Hindi ako magsisinungaling sa iyo. May timbang pa rin siya sa puso ko. Pero Von, pabayaan mo lang ako. Mawawala rin ito. Wala naman na talagang katuparan pa ang pagmamahal ko sa kanya." Bukal sa loob na sambit ko.
Ngumiti siya sa akin. Hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Alam ko namang hindi madaling kalimutan ang 15 years na pagmamahal, Steph. Ang mahalaga, mahal mo na rin ako ngayon. Nag-iimprove na ang damdamin mo sa akin. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na malilimutan mo din iyan. Puppy love lang iyan."
Ako na ang yumakap sa kanya. Napakaswerte ko dahil malawak mag-isip si Von. Hindi siya sakim na tao. Kaya desidido na akong imulat ang mga mata ko sa good qualities niya.
"Cheers! Para sa pagbabago ng feelings mo sa akin." Masayang angat niya ng bote ng beer.
Kukunin ko din sana ang isa pang bote sa harapan namin pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan. Iniabot niya sa akin ang baso na may lamang juice. Awe! Over protective talaga itong si Von Lee.
"Cheers!" At ibinangga ko na ang baso ng juice na binigay niya. Ininom namin ng sabay ang laman ng kanya-kanya naming hawak. Masaya ako. Masaya ako dahil nasa buhay ko si Von Lee.
**
Ngitian at titigan lang kami ni Von habang umiinom. Parang puputok na ang tiyan ko sa ilang baso ng juice na iniinom ko, pero pinagpatuloy ko pa rin. Ayoko kasing sirain ang moment namin. Titigan at tawanan pa lang, parang solve na kami sa isa't-isa.
May mga ilang elite models na talent din ata ng Lao Entertainment ang nagyaya kay Von na sumayaw, pero walang abog niyang tinatanggihan. May ilang invited reporters pa ang lumalapit sa amin at hinihingan kami ng pose para sa magazine nila, ang pinagbibigyan namin. Ganito pala kapag inlove. Proud ka sa relasyon ninyo. Wala naman kaming dapat pangilagan diba?
Naiiba lang ang mood ni Von kapag may mga anak ng mga invited na businessman ang lumalapit sa akin at nakikipagkilala. Hindi naman ako tumutugon sa kanila, pero grabe pa rin siyang makabakod sa akin. Somehow, kinikilig ako sa ginagawa niya.
"Can we join you?" Nabasag ang pagtititigan naming muli ni Von ng matunghayan namin si Franz at Fatima sa harap ng mesa namin.
"Sure." Nakangiting sabi ni Von sa kanya. Ako naman ay hindi maiwasang hindi mapatingin sa kamay nilang magkahawak.
Bakit ba naman ngayon pa siya nagpakita? Masaya na nga kami ni Von dito eh. Pero dapat mapaglabanan ko ito. Hindi ako dapat umilag sa kanya. Dapat harapin ko ang feelings ko sa kanya.Goodluck sa akin!
__________________________________
A/N:
May twist pa po iyan. Huwag ninyong isipin na it's just another wattpad story. VOTE & COMMENT please.
Comment kung sino ang maka-Von at sino ang Pro-Franz. Ang aabangan po natin dito ay kung sino ang makatutuluyan ni Steph. Wala naman po akong sinabi sa teaser ko na this is Franz and Steph's story. Kaya pwedeng mapunta sa iba si Steph.
Kung binasa ninyong mabuti ang teaser, ito ay kwento ng buhay ng isang artista (si Franz) based from Stephanie's POV.
Thank you po!
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...