Starring 59

9.6K 166 11
                                    



STARRING 59

MASARAP PALA



Naggala lang ako ng ilang oras sa mall. Wala naman akong dalang pera, sapat lang para sa taxi papunta, kaya 7pm na, hindi pa ako kumakain ng merienda. Window shopping lang. Wala naman kasi sa plano ko ang magwalkout kaya hindi ako handa.


Pagod na ako kakalakad kaya napagpasyahan kong umuwi. Wala pa naman akong dalang cp kasi nai-shoot ko ata sa bag ni Franz noong nasa rehearsal kami.


Sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa hotel. Mangungutang na lang muna ako kay Fatima o kung sinoman kina Ate Gi pambayad ng taxi. Hindi naman kasi pwedeng lakarin, sobra ang layo!


"Can you wait for me here? I'll just get my money." Pakiusap ko sa driver ng taxi showing my best smile. Kung naandito si Franz, magagalit iyon na ginagamit ko ang charms ko to get what I want. But I have no choice. Kapalan ng apog ito.


"Ok." Nakangiting sagot niya.


Mabuti na lamang at pumayag si Taxi driver. Agad akong pumunta sa reception at nakitawag sa fone. Una kong kinontak si Ate Gi sa hotel room nila. Walang nasagot. Naku! Paano na ako nito? Kaya ang sunod kong tinawagan ay suite nina Kuya Jo.


"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.


<"Yes? Who's this?"> Tanong sa kabilang linya na parang si Kuya Max. Pero kung sinuman, hindi na mahalaga. Kailangan kong mabayaran agad iyong taxi.


"Kuya, si Steph ito. Pwedeng pakuha ng wallet ko kay Franz? Babayaran ko iyong taxi. Kung wala naman, kahit pautang. Babayaran ko pag-akyat ko. Andito ako sa lobby." Dirediretsong sabi ko.


<"Saan ka ba kasi galing na bata ka. Sige, teka at titingnan ko."> Sabi ni Kuya Max.


"Salamat po. Nagmall lang po. Paki bilisan, nakakahiya sa taxi. Salamat na rin, Kuya."


Ibinababa ko na ng phone at binalikan si Taxi driver sa labas. "Just a few more minutes." Pakiusap ko pa. Dyahe na kung dyahe pero wala akong choice kasi eh. Kinapalan ko na lang mukha ko kesa hindi makauwi.


"Are you ASIAN?" Tanong ni Kuya Driver. Bumaba siya ng taxi at sumandal sa pinto nito. Kinagat pa niya ang labi. Tingin ko pure American siya.


"Filipina." Sagot ko at ngumiti pa. Tiningnan ko ang watch ko, ang tagal naman ni Kuya Max.


"Oh! You're beautiful." Papuri niya sa akin at iginala ang mata sa akin mula ulo hanggang paa.


Nakakailang naman siya tumitig. Humalukipkip ako. Feeling ko kasi hinuhubaran niya ako. Kung hindi lang dahil sa no choice ako, sinampal ko ito eh. I can see it in his eyes that he is interested in me.


"T-thank you!" Pasasalamat ko pa kahit awkward.


Nakatitig lang siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Tumingin ako sa paanan ko at nilaro-laro ng paa ang mga bato. Ang tagal naman ni Kuya Max para makaalis na itong maniac na ito.


"Can I have your number?" Out of the blue ay tanong niya sa akin. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kaya hindi pa rin ako makatingin.


"I'm here for a visit. I don't have a phone. If I have, I might not ask you for this favor." Paliwanag ko. Meroon akong phone pero nasa itaas. Kaso ang sim noon ay roaming ng Smart Telecom. Pero kahit naman may international number ako, hindi ko din ibibigay.


"Facebook? Do you have a facebook account?" Kulit pa niya.


Wow lang! Ganito pala ang style ng mga Kano? Napaka-straight forward nila kapag may type silang babae?


Umiling lang ako. Nakatungo pa din nang makita ko ang pamilyar na topsider shoes na nakatayo sa paanan ko.


"Steph." Kilala ko ang sapatos at mas naconfirm ko ng marinig ang boses. What the f! Bakit siya ang naandito? Nasaan si Kuya Max?


Iniangat ko na ang paningin ko sa kanya. Galit ako sa kanya, pero in this situation, kailangan ko tulong niya. Iisang tabi ko muna ang anumang negative na naiisip ko sa nangyari kanina.


"How much do I owe you?" Tanong ko kay Taxi Driver. Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig ay Franz.


"78$" Sagot niya habang titig na titig kay Franz.


Tinaasan lang siya ng kilay ni Franz at kumuha na ng pera sa wallet. Inilayo niya ako sa taxi driver at itinago sa likod niya. "Thank you for helping my GIRLFRIEND." May emphasis pa sa salitang girlfriend niya ako. Umirap lang ako sa kanya.


Napalunok si Kuya Driver nang marinig na girlfriend ang sabi ni Franz. "No problem." Sagot ng una at sumakay na agad sa taxi. Akala ko ay ok na, pero nang makatapat siya sa amin ay kumindat siya. "Take care." Sabi pa niya at pinaharurot na ang taxi.


Pagalis niya ay saka lang ako hinarap ni Franz. "Saan ka ba galing?" Medyo iritadong sabi niya.


"Namasyal." Simpleng sagot ko at naglakad na papasok ng hotel. Ramdam ko naman ang mga yabag niyang nakasunod sa likod ko.


Habang inaantay namin ang pagbaba ng elevator ay nakatingin lang ako sa pintuan nito. Ramdam ko naman sa gilid ng mata ko ang nakakapasong titig niya sa akin.


"Namasyal ng walang pera?" Hindi niya napigilang tanong pa.


Hindi ako sumagot. Hindi ko siya pinansin. Kahit na binayaran niya ang taxi ko, galit pa rin ako sa kanya. Nainsulto talaga ako sa inasal niya kanina sa bar.


"Hindi ka ba man lang magpapasalamat sa pagtulong ko sa iyo ngayon?" Sarkastikong tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.


Naningkit ang mata ko. Naghihintay lang pala siya ng pasasalamat ko para tigilan na niya ako. "Thank you! Babayaran kita pagdating natin sa suite natin. Ok na ba?" Pilosopang sagot ko habang nakapamewang.


Nagtagis ang bagang niya pero biglang bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi ko inaasahan na madaming sakay iyong teenager kaya nabangga ako. Mabuti na lang at maagap si Franz. Niyakap niya ako at dinala sa isang sulok hanggang sa makalabas silang lahat.


"Salamat." Sincere na pasasalamat ko. Umayos na ako ng tayo at napatitig sa kanya.


Umayos din siya at para akong napapaso ng ayusin niya ang ilang hibla ng buhok ko na nahulog at iipit sa tenga ko. Ang sweet niya. Nagkatitigan kami at bakas sa mata niya ang lungkot habang nakatitig sa akin. Para tuloy hindi ko na siya matiis at gusto ko na lang yakapin.


Para makaiwas ay hinarap ko na ang elevator at pumasok na sa loob. Tahimik na pumasok din siya habang nakatungo at nakapamulsa. Pagsara ng elevator ay tahimik lang kami at nagpapakiramdaman. Naramdaman ko ng lumapit siya sa pwesto ko kaya napaurong ako sa gilid. Grabe ang kaba ko. Nagdedebate ang kalooban ko kung yakapin siya o deadmahin lang siya.


Laking pasasalamat ko nang eksakto namang bumukas na ang lift nang mapansin kong magsasalita na sana siya. Agad akong naglakad palabas habang kasunod siya. Ini-enter ko ang code at pumasok na kami ng suite. Diretso ako sa kusina kasi pakiramdam ko, natutuyuan ako ng lalamunan. Grabe!


"Steph, I'm sorry." Muntik ko nang mabitawan ang baso ng marinig kong nagsalita siya sa likod ko. Nanglaki pa ang mata ko ng pag-ikot ko ay halos bumangga na ang ilong ko sa dibdib niya. Sobrang lapit niya sa akin.


Napaatras ako sa takot na baka mautas na ako dahil sa hindi paghinga. Hindi kasi ako makahinga ng ayos dahil sa kaba. Lumapit naman siya ulit kaya umatras ako muli. Desidido siya na lapitan ako kaya pag-atras ko muli ay mahinang nabangga na ang likod ko sa fridge.


Itinuon niya ang magkabilang kamay niya sa ref at tinitigan ako. Wala ako sa sariling napatitig na rin sa kanya dahil nakulong na ako.


"I'm sorry. Hindi na mauulit, Steph." Sabi niya sa paos na boses. Ang sexy nang dating sa akin ng pagkakasabi niya kaya napalunok na lang ako.


Nanginig pa ang tuhod ko nang haplusin ang mukha ko. "Kanina pa kita hinahanap. Hindi ko na alam kung saan ka hahanapin. Huwag mo naman akong pag-alalahin ng ganito." Malambing na sabi niya.


Wala na! Hindi ko na kaya ang lungkot sa kanyang mga mata. "I'm sorry din kung basta na lang kita iniwan kanina." Pagamin ko sa kasalanan ko.


Ngumiti siya sa akin. "Ano? Ok na ba tayo?" Tanong pa niya habang tumatagos sa kaluluwa ko ang titig niya.


Tumango ako. "Sorry ulit." Sabi ko pa.


Niyakap na ako ni Franz kaya hindi ko na rin pinigilan ang kanina ko pa gustong gawin. Niyakap ko na rin siya. Hinaplos pa niya ang likod ko at hinalikan ako sa buhok.



KRUKK!


"Gutom ka?" Nakangising inilayo niya ako sa kanya ng konti.


Nahihiya man, wala na akong magagawa. Tumunog na ang peste kong tiyan. Dapat dito may silencer eh. "Oo. Wala naman kasi akong pera kanina." Amin ko sa kanya.


Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ang Steph ko talaga. Masyado ka kasing mapride eh. Umupo ka na at ipagiinit kita ng binili kong pagkain mo kanina." Sabi pa niya.


Inalalayan niya ako paupo at dalidali siyang naginit sa microwave nang pagkain. Habang inaantay namin ay niyakap niya ako mula sa sandalan ng upuan kung saan ako nakasandal.


"Sa susunod na maglalayas ka, dalhin mo ang wallet ko." Biro niya sa akin.


Kinurot ko naman ang braso niyang nakapulupot sa leeg ko. "Yabang nito." Natatawang sabi ko.


Humagalpak lang ng tawa si Franz at kumalas na sa yakap dahil tumunog na ang microwave. Inihain na niya sa akin at kumuha siya ng kutsara at tinidor.


"Ako na." Agaw ko sa tinidor na hawak niya. Sinusubuan niya kasi ako fettuccine na inorder niya.


"Kainin mo na o hindi ka na kakain?" Nakangising sabi niya sa akin habang nakaumang ang tinidor na may fettuccine sa bibig ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ngumanga at magpasubo sa kanya.


"Aarte pa. Kakain din naman." Pangasar niya kaya kinurot ko ng pino sa tagiliran. "Aray naman." Natatawang reklamo pa niya.


"Franz, nakakainis ka kanina." Ungkat ko sa nangyari kanina.


Sumeryoso naman ang kanyang mukha at hinaplos ang buhok ko. "Kaya nga nagsosorry, hindi ba?" Sabi pa niya sa akin.


"Bakit mo ba naman kasi naisip na may gusto ako doon kay Keith?"


Itinayo niya ako at umayos siya ng upo. Pinaupo niya ako sa kandungan niya. Kinalong niya ako at iniyakap sa bewang ko ang mga bisig niya. Ang baba niya naman ay ipinatong niya sa isang balikat ko.


"Huwag mo nang intindihin iyon. Dala lang iyon ng selos ko." Malambing na sabi niya. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko nang tumama ang hininga niya sa leeg ko. Para tuloy akong maiihi na hindi mawari.


Ngumuso ako. "Bakit kasi kailangan mong magselos?" Tanong ko pa. Iniyakap ko na din ang braso ko sa leeg niya. Pero wrong move kasi iyong boobs ko, tumama sa mukha niya.


"Mwuahh!" Para namang pinukaw ang mga paru-paro sa tiyan ko ng halikan niya ang cleavage ko. Hindi naman masyadong labas dahil hindi naman masadong garapal ang suot ko.


Pulang-pula tuloy ako. "Franz, naman eh!" Reklamo ko. Pero iyong tono ko namn eh parang kinikiliti sa singit. Umayos ako ng upo. Iniakbay ko na lang ang isa kong kamay sa balikat niya para naman hindi siya masyadong malapit sa dibdib ko.


"Ang ganda na nga ng pwesto kanina eh!" Nakapout na reklamo niya.


Pinisil ko ang ilong niya. "Loko ka talaga!" Sabi ko pa.


Hinuli ni Franz ang kamay ko at dinala sa labi niya para halikan. Para tuloy akong hihimatayin sa kilig. Napakagat labi na lang ako para maiwasang hindi mapatili sa sobrang lambing niya.


"Steph, last mo na iyong pagmomodel bukas ha? Ayoko nang magmomodel ka ulit." Seryosong sabi niya.


"Opo." Sagot ko. Hindi ko rin naman kasi gusto iyong ganoon na pinagkakaguluhan. Gusto ko ng simpleng buhay lang. Saka kung ang ibang babae, gustong nagkakandarapa ang mga lalaki sa kanila, ibahin nila ako. Ayoko ng ganoon.


Bumuga siya ng hangin. "Kanina tuloy parang gusto kong dukutin ang mga mata ng mga lalaking nakatitig sa iyo." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Binasa pa niya ang kanyang labi.


Hindi ba alam ni Franz na sobra siyang nakakaakit kapag ganyan ang ginagawa niya? Para tuloy gusto ko na siyang halikan. Pero ayaw ko namang ako ang magsimula ng lahat.


"Para tuloy nangangati ang kamao ko at gustong lumapat sa mukha ng mga lalaking lumalapit sa iyo. Iyong driver kanina, halatang gusto ka din. Bakit ba lahat nagkakagusto na sa iyo ngayon? Dati naman..." Seryosong tanong niya pa. Pero hindi na niya tinapos ang gustong sabihin.


Pakiramdam ko tuloy ay umaapaw na ang puso ko sa kilig. "Dati naman, ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Wala. Wala! Basta gusto ko sana ay simple ka lang. Ayoko nang model look mo kanina. Baka mapaaway lang ako." Dagdag pa niya.

Pwedeng tumili? Kinikilig ako kay Franz eh!

"Bakit ka naman mapapaaway?" Subok tanong ko pa. May gusto kasi akong kumpirmasyong marinig sa bibig niya. Ninenerbyos ako habang umaasa na marinig ko na sana sa kanya sa wakas.

"Ayoko nang halos tumulo na ang laway ng ibang lalaki sa iyo. Nakakabastos. Gusto ko, ako lang ang tutulo ang laway sa iyo." Nakangising sabi niya.

HANU DAW??

Buffering..

Tutulo daw laway niya sa akin? Ibig sabihin, confirmed na nga ba na naa-attract na rin siya sa akin sa wakas? Whew! Let's celebrate! I wanna celebrate. At last!

"Next time, huwag ka nang makipagusap sa mga lalaki lalo na kung wala ako sa harap ninyo Pwede lang kung naririnig ko ang pangbobola nila sa iyo." Seryosong bilin pa niya.

Tinakpan ko nang mahinang pagtawa ang kiliti sa pusong nararamdaman ko. "Sobra namang over protective nito." Naiilang na reklamo ko pa. Hindi ako komportable sa lakas ng pintig ng pulso ko sa buong katawan ko dahil sa kilig.


Ngumiti siya habang namumungay ang mata. Para tuloy nalaglag na sa balikat ko ang strap ng bra ko dahil sa kagwapuhan niya. Iba kasi ang mga mata ni Franz. Parang nangungusap ang kanyang mga ata. Marahil ay dahil sa lantik ng kanyang pilik mata na daig pa ata ang akin sa haba.


"Hindi ako protective, Steph. Possessiveness ang tawag doon." Nakangiting pagtatama pa niya. Feeling ko, tumataba tuloy ang puso ko sa saya. Finally, nakuha ko na din ang attention ni Franz.

"Ah.. P-possessive ka nga pala." Nabubulol na sabi ko.

Nagbago unti-unti ang reaksyon ng mukha niya. Unti-unti siyang naging seryoso. Dumagundong tuloy ang puso ko lalo nang mapansin kong nakatitig siya sa mga labi ko. 


Hanggang sa unti-unti siyang lumalapit sa mukha ko. Pumikit pa ang kanyang mga mata. Aaminin ko, gustong-gusto ko ang mahalikan na siya, pero parang gusto ko muna siyang pasabikin. Pasabikin para hindi naman agad siya magsawa sa akin.


Tumayo ako at umupo muli sa upuan ko kanina. Gulat na gulat siyang nagmulat. Ang mga mata niya ay nagtataka kung bakit biglang nilayuan ko siya.


"Kakain muna ako." Sabi kong nakangisi at kunyari ay patay malisya. Pinipigil ko ang matawa dahil halata kong nabitin siya dahil hindi niya ako nakiss. "May problema?" Kunyari ay inosenteng tanong ko pa.


Hindi pa rin makapaniwala ang kanyang mukha na nilayuan ko siya ng ganun-ganun lang, pero hindi naman niya makuhang umangal.


"W-wala." Sagot niya na halatang pilit.


Kumain ako at pinipigil ang mapatawa. Nagkunyari akong inosente. Dinig na dinig ko ang ilang buntong hininga niya na parang natalo sa lotto.


"May problema ka ata eh." Lingon ko pa sa kanya. Nahuli ko siyang titig na titig pa rin sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata.


Isang marahas na buga pa ng hangin ang narinig ko mula sa kanya. "Steph, masarap ba?" Tanong niya matapos huminga ng malalim.


"Alin ito?" Ngiting-ngiting tanong ko pa sa tinidor kong may pasta. Isinubo ko para isipin niyang hindi ko siya napapansin na parang bitin sa kiss.


"Patikim." Tanging nasabi niya pagkasubo ko ng pagkain.


"Ok." Tumungo ako para kumuha pa at isubo sa kanya nang bigla niyang iangat ang mukha ko.


Hawak niya ang magkabilang pisngi ko at walang sabi-sabi sinunggaban ang mga labi ko. May pagkain ako sa bibig, diosmiyo! Hinalikan niya ako ng parang sabik na sabik. Hindi pinansin na may laman ang bibig ko.


Nanglaki ang mata ko sa ginagawa niya. Hindi ba siya nangdidiri? Puno ng pagkain ang bibig ko eh.


Nilunok ko na lang ang laman ng bibig ko ng hindi nginunguya. Saka ako sumagot sa mga halik niya. Hinawakan pa niya ako sa batok to give hisself more access inside my mouth. Nang halos kapusin na kami sa hininga ay tumigil na kami. Magkaugnay pa rin ang aming mga paningin.


"Ang sarap pala kapag sa bibig mo malalasahan." Sabi niya sabay kindat.


Lokong Franz ito ah!


___________________________________

A/N:


Sorry busy po mula kaninang umaga kaya 1:00 am na ako nakapagupdate. Sorry! VOTE & COMMENT naman po to appreciate my efforts kahit busy ako. Iyong sa mobile nagbabasa, click po ninyo iyong new style of giving comments. Sa bawat stanza na gusto niyo, i-long press lang ninyo at saka i-select ang gustong linya na like ninyong bigyan ng comment. Partcipate naman ang iba diyan, please? Hehe!

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon