Starring 41

10K 151 11
                                    

STARRING 41

HIS WIFE



"Bakit ngayon ka lang?" Nakasimangot habang nakahulukipkip na Franz ang naabutan ko sa loob ng kotse.

Umirap lang ako. Naiinis ako kasi hindi man lamang niya ako inantay kanina. Ibinaba ko ang gym bag ko sa tabi niya. Nakaupo kami dito pa rin sa back seat at si Kuya Max pa din ang driver. Tapos na kaming magworkout kaya pauwi na kami.

Nang umayos ako ng upo ay noon ko lang napansin that Franz is soaking wet. Basang-basa siya ng pawis. Bakit kasi hindi nagbihis muna? Pss..

Kinuha ko ang gym bag niya at maghahanap ako ng pamalit niyang shirt.

"Hey! Anong ginagawa mo?" Inagaw niya naman agad ang bag niya mula sa kamay ko. Akala mo naman nanakawin ang gold sa bag niya.

"Naghahanap ng pamalit mo. Basang-basa ka ng pawis eh."

"Akala mo naman talagang concern siya." Bulong niya na ang akala niya hindi ko maririnig.

Naningkit ang mata ko sa kanya. "May sinasabi ka?" Tanong ko na medyo naiirita.

"Wala!" Ibinaba na niya ulit ang gym bag niya.

"Akin na nga iyan!" Inagaw ko muli ang bag niya.

"Ayokong magpalit!" Sabi niya sabay hila muli nung bag palayo sa akin.

Pero persistent ako na makapagpalit siya kasi basa siya ng pawis. Mababasa ang car seat cover no!

"Magbihis ka nga kasi." Kulit ko pa sa kanya. "Baka magkasakit ka." Dagdag ko pa. Baka kasi matuyuan siya ng pawis sa lakas ng aircon.

"Kunyari ka pa concern. Pabayaan mo nga ako. Gusto kong magkasakit!" Sabi niya. Parang narealize niya kung anong nasabi niya kaya He looked away.

Ang totoo, hindi na ako galit kay Franz. Pagkatapos ko ba namang malaman na ipinagsabi niyang wife niya ako, magagalit pa ba ako? Pero ang tanong sa isip ko, 'bakit niya ginawa iyon? Baka makasira ng career niya sa future.'

Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay kinuha ko pa din ang bag niya at agad inilabas ang extra shirt niya. Hindi niya naman ako napansin kasi sa bintana siya nakatingin.

"Magbihis ka na." Sabay abot ko ng pamalit niyang pangtaas.

Nakuha ko naman ang attention niya. Bumalik ang tingin niya sa akin. "Ayoko nga!" Sabay tabig niya sa kamay ko.

Ahh! Nakakainis na siya ah! "Baka nga magkasakit ka." Sabi ko habang nakatitig sa kanya at muling iniaabot ang damit niya.

Muli ay tinabig niya. "Ano ba sa salitang AYOKO ang hindi mo maintindihan?" Seryoso ding sabi niya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon