Starring 47

9.8K 156 12
                                    


STARRING 47


CHECKS & CROSS


"O-oo. M-magandang offer iyan para sa career ninyong d-dalawa." Halos mabuhol-buhol ang dila ko nang bigkasin ko ang salitang dalawa. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako, na ang tagumpay nilang dalawa ay kabiguan para sa akin.

"Kitam?" Ang laki ng ngiti ni Fatima at napapalakpak pa nang mag-react siya. Si Ninong ay nakangiting tumatango sa sinabi ko.

Pero ang hindi ko maintindihan ay ang madilim na mukha ni Franz nang tumitig siya sa akin na parang may nasabi akong hindi maganda. Ang mata niyang naniningkit sa inis sa akin. Bakit nga ba siya maiinis? Baka naman nag-aassume lang ako na naiinis siya sa sinabi ko? Alam ko kasing matutuwa siya dahil may pagkakataon nang ayusin nila ang sa kanila ni Fatima.

"Oh Franz, ok naman pala kay Steph." Comment ni Ninong na nakalimutan atang may ibang tao pa kaming kaharap, si Fatima.

Nawala ang ngiti ni Fatima at napalitan ng kuryosidad. "Boss Lance, ano naman po ngayon kung sakaling hindi pala pumayag si Steph?" Tanong niya kay Ninong.

Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Hindi nag-iingat si Ninong. Baka magkabukingan na kami nito. Kinakabahan tuloy ako. Si Franz naman ay napatingin kay Ninong at napakagat labi. Marahil ay ayaw niya ding malaman ni Fat ang totoo? Syempre naman. Love niya si Fat eh.

Halata sa mukha ni Ninong ang pagkabahala sa nasabi niya. Mabuti na lamang at nakaisip siya ng paliwanag.


"Importante ang opinyon ni Steph para kay Franz, Fatima. Simula't sapul ay close na sila kaya minsan pinapakinggan ni Franz ang suggestion niya. Right, Franz?" Baling ni Ninong kay Franz. Kainis si Ninong, ipinasa pa ang bola ng problema kay Franz.

Hindi sumagot si Franz kay Ninong kahit na ang mga mata naming tatlo ay nagaantay ng kumpirmasyon mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin na hindi masabi-sabi. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ako makatagal. At isa pa, baka mabasa niya ang sakit na aking dinadala sa aking mga mata.

"I'm sorry. Oo nga pala. Noon si Steph ang tumutulong kapag may LQ kami ni Franz. Ganoon nga pala sila ka-close." Si Fatima ang bumasag sa awkward moment.

"Oo naman. Kailangan ko kayong tulungan noon, kasi mahal na mahal ka niya. Hindi ba, Franz?" Pinilit kong isuot ang pinaka-sincere kong ngiti. Pero mukhang hindi ako successful. Seryoso pa rin si Franz. Si Ninong ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.


'I'll explain to you later, Ninong.' Gusto ko sanang iparating sa titig ko at bahagyan pagtaas-baba ng kilay ko sa kanya.

Si Fatima ay napangiti sa sinabi ko. "Noon pa niya ako mahal. Ewan ko lang ngayon." Pabirong sabi ni Fatima sa kanya kahit kaharap kami. Awtomatikong nakuha niya muli ang titig ni Franz.


Napangiwi ako sa narinig ko. Wow! Sa harap ko pa ba talaga kailangan silang magpasaringan about sa love nila nang ganyan?! Hindi ba nahahalata ni Fatima na kanina pa ako nasasaktan dito?

"Ano na, Franz? Are you going or are you going?" Tanong pa ni Fatima. Persistent din siya, ano po? Hindi tuloy ako makahinga ng ayos sa kaba kung ano ang isasagot ni Franz. Although, parang sure naman na, na papayag siya!

Bumalik ang tingin namin sa kanya. Bumuga siya ng hangin bago nagsalita. "Are you sure about this?" Tanong niya sa akin.

"Ano yun, Franz?" Singit ni Fatima. Hindi ko alam kung tulad ko ay nabingi siya sa narinig, o sadyang hindi niya narinig ng ayos.

Tanging ngising pilit ang ipinakita ko sa kay Franz. Bumuntong hininga siya at sa wakas sumagot na. "If Steph says it's ok, then it's ok." Nakatingin ng tagusan, sa dalawang nasa harap namin, ng sumagot siya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon