STARRING 18
FRIENDS FOREVER
Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay naging busy na ako sa school. Hindi na muna ako nakaka-attend sa mga gigs ni Von. Sa hapon na lang kami nagkikita after school. Minsan tinutulungan niya ako sa mga reports ko at project. Ngayon ko lang narealize na may maganda rin palang resulta ang pagiging fake girlfriend ko. Mas nagbibigay kasi sa akin ng extrang time si Von ngayon. Kaya hindi ako nahihirapan masyado sa mga requirements ko sa school.
Kami rin naman ni Franz ay hindi na muli nagkaroon ng time together. Simula ng huling gabing nagwalkout siya sa bahay ay umiwas na siya sa akin. Dati na naman siyang umiiwas, pero this time, hindi ko na rin naman siya hinahabol-habol kaya naging madali na ang pag-iwas niya sa akin. Dahil magkaklase kami ni Franz, naging busy rin siya sa mga practical exams, quizzes, reports, at projects. Kaya hindi na rin muna siya binibigyan ng mga event ni Sir Lance.
Minsan parang hindi ko na matiis at gusto ko na siyang lapitan. Pero hindi rin naman natutuloy. Kapag tumunog kasi ang bell ay lagi siyang nagmamadaling umuwi. Ang dinig ko ay nagpupunta siya sa school ni Fatima para sunduin ito.
Paano ko nalaman? Sa nakaraan kasing tatlong linggo, 5-6 times na ata silang nakita ng mga reporter at nakuhanan ng live footage sa mga entertainment shows sa tv na magkasama. Siyempre nasasaktan ako tuwing mapapanood iyon. Pero pilit kong itinatanim sa utak ko na hindi na talaga kami pwede. Dahil hindi ako ang babaeng gusto niya. Maaring hindi kami bagay tulad rin namin ni Von, pero at least kay Von, gusto niya ako. Si Franz ay halatang si Fatima ang gusto. May magagawa pa ba ako para kontrolin ang puso niya? Wala na naman, hindi ba?
Pero aaminin ko, namimiss ko na si Franz. Iyong mga pagsusungit niya sa akin, minsan ay may pag-iingat din sa akin, pagsigaw niya, at pagtawa niya kapag pinagtitripan niya ako. Lahat ng bagay sa kanya ay namimiss ko.
"Today I will choose your partners para sa pagpepresent ninyo ng treatment plan para sa cases na mabubunot ninyo. Magdecide kayo ng pinakamaayos at mabisang treatment programs sa kung ano mang case ang mabubunot ninyo. Write it on a long bondpaper. Then tomorrow, ipepresent na ninyo dito sa harapan." Sabi ng Professor namin sa subject naming PT 1, na naging dahilan para maawat ako sa pangangarap ko.
"Sana partner tayo, Steph." Bulong ng katabi kong si Dei.
"Oo nga." Sagot ko naman sa kanya.
Innanounce na ng teacher namin ang mga magpapartner. Nanglaki ang mga mata ko ng marinig ko ang...
"Roff & Cruz." Sabi ni Prof.
"Hala partner kayo ni Franz." Bulong ulit sa akin ni Dei. Alam niya kasi na dumidistansya ako kay Franz nitong mga nakaraang araw. Kapag tinatanong niya ako, ang sinasabi ko lang ay dahil nakakahiya baka makasira ako sa kung anumang relasyon nila ni Fatima.
"Oo nga." At napangiwi pa ako sa kanya. Kapag minamalas ka nga naman. Nasa proseso na nga ako ng paglimot sa kanya eh. Pilit ko ngang pinipigil ang pagkamiss ko sa kanya tapos magkakausap na naman kami? Oh well!
"Steph..." Biglang tawag sa akin ni Franz na dahan-dahan akong lumingon. Iminustra niya iyong upuan sa tabi niya na wala ng laman dahil lumipat na sa tabi ng partner.
Tumayo ako at lumipat sa upuang katabi ng kanya. Wala munang nagsasalita sa amin halatang naiilang kami sa isa't-isa. Pero hindi kami matatapos nito kung hindi namin sisimulan. Lalong tatagal ang malakas na dagundong ng puso ko kung hindi ako aaksyon.
"Ok. Bumunot na ang isa sa inyo ng case na gagawan ninyo ng treatment plan." Sabi muli ng Professor namin.
"Ako na?" Tanong ko sa kanya habang pilit akong ngumiti. Matagal na kaming magkakilala ni Franz, pero bakit ganito kami ngayon? Parang ilang na ilang kami sa isa't-isa? Para bang ngayon lang kami nagkakilala.
"S-sige." Sagot naman niya at pilit ding ngumiti. Halata mo sa ngiti niya na parang nangangapa siya sa akin. Parang nag-aalangan siya sa akin.
Pagkabunot ko ay umupo na agad ako muli sa tabi niya. Ipinakita ko ang nabunot kong papel. Sa sobrang liit ng papel ay nahawakan niya tuloy ang kamay ko.
Dug..
Dug..
Ayan na naman ang kaba ko dala ng kuryente ng pagdidikit ng mga balat namin. Akala ko sa panahong nagkaiwasan na kami ay maiiba na ang lahat. Pero hindi! Naandito pa rin ang familiar na kaba sa tuwing malapit si Franz sa akin.
Nabitawan niya agad ang kamay kong may kapit ng papel. Parehas kaming tumingin sa ibang direction. Humarap ako sa opposite side niya. Hinawakan ko ang tapat ng aking puso. Ang bilis talaga!
'Kalma ka lang please?' Pakiusap ng utak ko sa puso ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap ko siya para kalabitin. Kailangang matapos na namin ito ni Franz kung ayaw kong magputukan ang ugat ko sa lakas ng tibok ng puso ko.
"A-ano... S-simulan na natin?" Ahhh! Nabubulol pa ako sa pagtatanong sa kanya.
Pero imbes na simulan na namin ang pagpaplano ng magandang isagot sa case na nakuha namin ay iba ang kanyang sinabi.
"Kumusta kayo ni Von, Steph?" Seryosong tanong niya sa akin. Sa sobrang titig niya, pakiramdam ko para siyang araw at ako ay ice cream na natutunaw. Umiwas ako ng tingin at nagsulat ng pangalan namin sa papel bilang heading ng report namin bukas.
"Ok naman." Simpleng sagot ko. Ayokong habaan ang sagot ko kasi alam kong pati sa boses ko ay halata ang sobrang nerbyos ko.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagsuklay niya ng mga daliri sa kanyang buhok. "Pasensya ka na pero nagulat ako. Hindi ko inaasahang magiging magboyfriend kayo." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagtitigan lang kami na parang binabasa ang nasa isip ng bawat isa.
"Masama ba o mabuti ang epekto namin sa iyo?" Nasabi ko ng wala sa sarili. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko kung bakit ko ba naisip ang napaka-awkward na tanong na iyan.
"Ok lang naman." Sabi niya habang pilit kong binabasa kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya.
Parang nadisappoint ako na mukha namang sincere siya na ok lang sa kanya. Pero I manage to say, "eh di ok naman pala." Sagot ko. Ang awkward talaga ng pakiramdam ko. Halatang ilang na ilang kami sa isa't-isa.
Silence.
Ang awkward talaga ng feeling. Kaya nag-isip ako way para pagaanin ang mood. Para huwag kaming mailang, kailangan kong hayaan siyang magbukas ng kanyang feelings.
"Kayo ni Fatima, kumusta?" Naisipan kong itanong. Medyo handa na naman ako sa isasagot niya kasi may kutob na naman ako ayon sa mga napapanood ko sa tv.
Tinitigan niya muna akong mabuti na para bang tinatantya ang magiging reaction ko sa isasagot niya. Napigil ko tuloy ang aking paghinga sa sobrang kaba. Handa na ba talaga akong malaman kung ano ng lagay ng relasyon nila?
"Kami? Ah.., kasi..."
Lalo akong kinakabahan. Mas gusto ko pa iyong isang bagsakan na lamang.
"M-mamaya daw sasagutin na niya ako ng pormal." Alanganin pa niyang balita sa akin.
Ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko ng tuluyan. Akala ko ay handa na ako sa ganito, pero hindi pa rin pala. Mas masakit pala kapag narinig mo ang kompirmasyon buhat sa kanya.
Pilit akong ngumiti. Ginusto ko ito eh. Ginusto kong malaman ang totoo. Kaya dapat kaya kong ihandle ito.
"Mabuti naman pala kung ganoon." Sagot ko.
"Alam mo, Steph, maswerte akong dumating siya sa buhay ko. Lalo na ngayon at kayo na ni Von. Napagdesisyunan ko nga lang na i-pursue siya ng malaman kong magkasintahan na kayo ni Von." Sagot niya na nagiwas na ng tingin.
Ano namang ibig niyang sabihin na dahil sa naging kami na ni Von saka siya nagdesisyong ligawan na talaga si Fat?
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
"Alam ko kasing hindi na magiging tulad ng dati ang lahat kapag magnobyo na kayo ni Von. Tiyempo namang dumating si Fat na nagpatibok ng puso ko. Kaya napagdesisyunan ko na ring ligawan na siya ng tuluyan para lahat tayo ay masaya."
"Masaya ka ba?" Naisipan kong itanong. 'Dahil ako, may parte ng puso ko ang nagluluksa ngayon.' Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko itinuloy.
"Masaya ba kayo?" Napakunot ang noo ko kung bakit balik tanong ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...