Starring 98

10.2K 230 58
                                    

A/N:

I would like to take this opportunity to plug my new stories:

1. MY ALIEN BOYFRIEND ( 60-65 CHAPTERS ) - everyday update (sana!)

http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend

2. THE MARRIAGE ( 20-25 CHAPTERS ) - 3X a week update

http://www.wattpad.com/story/15516268-the-marriage

3. A WEEK WITH THE STAR ( 20-25 CHAPTERS ) - 3X a week update

http://www.wattpad.com/story/14512975-a-week-with-the-star

Ang hirap gumawa ng wedding scenes. Nakailang gawa na kasi ako kaya hindi na ako makaisip ng maganda pa..hu! hu! hu!

WARNING: SPG! SPG!

50 votes & 50 comments = UPDATE!

______________________________________

STARRING 98

THE WEDDING

"Mama, wake-up na!" Boses ni ZL ang gumising sa akin. Puyat na puyat kasi ako kagabi. Alas-sais na ng umaga nang ako ay makatulog.

Nakangiti ako nang imulat ang aking mata. "Good morning, Baby!" At niyakap ko papunta sa akin ang aking magandang anak.

Nakaupo kasi si ZL sa aking bewang at niyugyog ako. Kanina pa ata niya ako ginigising. Hindi ko napansin kasi naman apat na oras pa lang ang tulog ko. 10:00 am pa lang kasi.

"Mama, please wake-up. Bath mo na ako." Pakiusap niya sa akin.

Natatawa na lang akong bumangon mula sa kama namin ni Franz. Yes! Dito na po kami nakatira ni ZL sa dating condo namin ni Franz. Pumayag na ako sa pakiusap niya na dito na ulit tumira kasama ang aming anak.

"Daddy! Nag-wake up na si Mama!" Tili niyang tuwang-tuwa habang bumaba ng kama at papunta na siya sa labas.

Ang anak ko ay halatang excited na excited na sa wedding ng kanyang mga magulang mamayang 4 pm. Ganito pala ang feeling kapag mas nauna ang anak ipanganak kesa sa church wedding. Mas masaya. Kasi masasaksihan niya kung paano ikakasal ang magulang niya. Magiging parte pa siya ng wedding entourage.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Ginawa ko ang aking usual morning rituals. Napangiti ako nang lumabas ako ng kwarto para pumunta sa dining area. Naabutan ko kasi doon ang aking si Franz na naghahain ng brunch. Napangiti rin siya nang makita akong palapit na sa kanila.

"Baby, kumain ka na." Sabi niya sa akin. Iniuupo niya si ZL sa harap ng lamesa.

Umupo na rin ako sa tapat ng anak ko. "Sorry, Baby! Hindi ako kasi nakatulog ng maayos kagabi." Hingi ko nang paumanhin habang sinasandukan niya ako ng fried rice na ginawa niya.

Diosmiyo! Naamoy ko pa lang ay bigla na akong nakaramdam ng gutom. Ang bango naman kasi ng niluto ni Franz.

Lumapit sa akin si Franz at hinalikan ako sa aking ulo. Hindi tuloy maiwasang magliparan na naman ang mga paru-paro ko. Halatang nagising na rin sila sa loob ng tiyan ko. Sabagay, tuwi namang naandyan si Franz sa tabi ko ay nageexercise ang mga malalandi kong paru-paro sa tiyan. Kahit na mag-asawa na kami sa huwes, at mamaya ay magpapakasal sa simbahan, ay hindi pa rin nawawala ang kilig sa akin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon