Starring 33

10.3K 146 11
                                    

A/N:

VOTE & COMMENT po kayo. Ang madaming votes at comments ay pinagdededicatean ko po ng chapters. Salamat!

________________________________________________

STARRING 33


DATE?


Masama ang pakiramdam ko kaya tamad na tamad akong bumangon. Parang binibiyak ang ulo ko. Feeling ko ay may hangover ako. Kaya ibinaon ko pang lalo ang ulo ko sa ilalim ng comforter. Ang sarap kasi matulog dahil ang lamig kahit walang aircon.

Mahimbing ang tulog ko ng makarinig ako ng yabag palapit sa akin. Alam ko namang si Franz lang iyan kaya hindi na ako nag-balang imulat ang mata. "Steph... Steph.." Tawag niya sa akin kasabay ng mahinang tapik sa pisngi.

"Hmmm."

"Steph, bangon na."

Dumapa ako para hindi na niya ako makulit para gumising. Wala talaga ako sa mood gumalaw. Ang gusto ko lang ay matulog.

Ang kaso, hinampas niya naman ang pwet ko para gisingin akong muli. "Steph, gising." Makulit na tawag niya sa akin.

Naiinis na ibinaling ko ang ulo ko sa kanya. "Bakit ba?" Singhal ko pa at muling ipinikit ang mata.

"Steph, paki plantsa mo naman iyong shirt ko. Iba kasi ang tela niya. Kanina ko pa siya inuunat pero hindi talaga matanggal ang gusot." Malambing na utos niya. Mukha niya! Hindi ko pa siya napapatawad kagabi, no?! Ipagyabang ba naman iyong pagkahumaling ko sa kanya dati eh. Sino ba namang hindi maiinis?

Nang marinig kong utos na naman ay ipinikit ko na lang ang mata ko. Bubwisitin ang umaga ko para sa pabor? Ano siya sinuswerte? Heisst!


"Steph, sige na. Malelate ako sa pictorial." Makulit na pakiusap niya. Tumayo siya at hinahatak ang paa ko para mahulog ang katawan ko sa dulo ng kama.

"Franz, ano ba?" Naiinis na reklamo ko. Ngayon ay kalahati na lang ng katawan ko ang nasa higaan ko at ang bewang pababa ay nakalawit na sa sahig na. Tumayo ako sa inis.

"Steph, sige na..." Hindi natapos ng sasabihin niya. Bigla niya akong hinila sa magkabilang balikat. Pagtayo ko kasi ay bigla akong nahilo. Kinarga na niya ako at inihiga muli sa kama.


"Ok ka lang?" Concern na tanong niya.

Hinawakan ko ang magkabilang sintido ko at ipinikit ang mata. Para kasing binabaak ang ulo ko. Ang sakit niya talaga!

"Masakit ang ulo ko, Franz." Halos pabulong na reklamo ko sa kanya.

Tumayo siya sa gilid ng kama dahil naramdaman kong nawala ang pagkakalubog noon. "Teka kukuha ako ng gamot." Maya-maya'y narinig ko ang pagsara ng pintuan ko.

Hindi ko na iminulat ang mata ko at hinilot ko na lamang ang sentido ko. Wala namang ilang sandali ay narinig ko ang yabag niya na papalapit ng muli sa kinahihigaan ko.


"Inom ka muna ng gamot." Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Itinaas niya ang ulo ko sa tulong ng braso niya na nag-angat noon.

Iminulat ko na ang aking mga mata.

Dug..


Dug..


Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko ay mas bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang kasi napansin na naka-shirtless pala siya. Labas ang pectorals niya at abs. OMG! Pandesal sa umaga.


"Uh.. Uh.." Nasamid pa ako sa gamot at tubig. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin habang nakasuporta siya sa ulo ko at pinapainom ako. Grabe!

"Iaayos kita ng upo." Nagaalalang sabi niya at inalalayan akong umupo habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Ang akala niya siguro ay nasamid ako sa gamot. Ang hindi niya alam, nasamid ako dahil sa halos makita ko na kanina ang pores ng face niya sa lapit.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon