Starring 11

12.9K 203 12
                                    

STARRING 11

SUNFLOWER

Pagod sa fashion show kagabi si Franz kaya tulog siya ngayon dito sa loob ng classroom.  Ayos lang naman sa mga teachers namin kasi kahit naman patulog-tulog si Franz ay nanatili siya sa Top 3 ng Dean's List namin. Kaya lalong madaming humahanga sa kanyang katulad ko. Imagine, kahit busy, napapanatili niyang mataas ang mga grades niya?

Hanggang matapos ang klase namin sa pang-umaga ay tulog pa din si Franz. Kaya noong break na ay nilapitan ko na siya para gisingin. Wala kasing magkaroon ng lakas loob na gumalaw sa kanya kapag tulog. Ako lang!

"Franz. Franz. Ui! Franz, lunch break na." Niyugyog ko siya ng niyugyog para magising na siya. Halos 4 na oras na siyang nakatungo at tulog sa arm rest niya. Buti hindi nagkaka-stiff neck ang isang ito?

Naglabasan na ang mga kaklase namin. Si Dei naman ay inaantay na lamang ako sa labas ng classroom. Doon na lang daw siya. Kasi baka kapag nagising daw si Franz ay magsungit at madamay pa siya.

"Franz." At mas nilakasan ko na ang yugyog sa kanya.

At last! Nagising din ang Mahal na Prinsipe! Pulang-pula ang mata niya ng umayos siya ng upo. Halatang galing sa malalim na pagtulog.

"Lunch na?" Halos paos pa ang boses na tanong niya sa akin. Naniningkit pa ang mata. Siguro ay nag-aadjust pa sa liwanag.

Ngumiti ako ng napakaganda sa kanya. "Oo. Halika na." Yaya ko sa kanya.

Wala akong sagot na nakuha mula sa kanya, pero tumayo siya at nauna nang lumabas sa akin ng classroom. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya.

"Halika na." Bigla ko na lang hinatak si Dei palayo doon sa higher batch na kumakausap sa kanya. Kasi naman, baka maiwan kami ni Franz eh. 

"Baka madapa ako." Reklamo ni Dei. Halos kaladkarin ko kai siya para lang makahabol kami sa malalaking hakbang ni Franz.

"Bilis na kasi." Utos ko sa kanya ng hindi lumilingon. Papasok na kasi ng College Canteen si Franz kaya kailangan namin siyang maabutan. Baka mamaya ay maunahan pa kami ng ibang babae sa pagsama sa table na kakainan niya.

Naabutan namin si Franz ng nasa counter na siya. Kasunod niya kami ni Dei sa pila. Umorder siya sa cashier ng gusto niyang kainin. Naiinis pa nga ako sa cashier kasi halatang nagpapacute ito kay Franz. Sarap sabunutan! Mabuti na lamang at deadma si Franz sa kanya. 

Ang mga fans ni Franz dito sa school ay pinapanuod naman ang bawat kilos naming apat. May mga halatang naiinggit pa sa amin ni Dei dahil kasama namin si Franz.

Iba na talaga kapag sikat ang kasama mo. Wala ka ng privacy dahil laging may mga matang nakasunod sa bawat galaw mo. Sa puntong iyan, naaawa akoi kay Franz. Hindi na kasi siya makagalaw tuloy ng normal. Para laging de numero ang bawat galaw niya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon