STARRING 51
SELFISH KUNG SELFISH
12 hours. Iyan pang flight time from Manila to California. Iyan din ang haba ng oras na ipinagdudusa ko dito sa loob ng eroplano. Kung alam ko lang na magiging ganito, sana hindi na ako pumayag na magtabi sa upuan sina Franz at Fatima.
Lunch was served sa airplane. Kaninang kumakain kami, inasikaso naman ako ni Franz. Noong tinanong ako ng steward kung anong food combination ang gusto ko, si Franz ang pumuli. Sinugurado niyang hindi masebo ang kakainin ko.
Kapansin-pansin din ang pananahimik ni Franz. Hindi niya ako masyadong kinukulit. Kapag nagtatama naman ang paningin namin ni Fatima, umiiwas siya. Halatang guilty!
Kung nagi-guilty si Fat, mas guilty ako. Hindi naman kasi ito normal na love story tulad ng sa mga pelikula. Iyong tipong ako ang bidang babae, si Franz ang lalaki, at si Fatima ang villain. Iba ang istorya namin. Dahil sa kwento ng buhay ni Franz, ako ang kontrabida. They love each other. Kung hindi ako kailangang pakasalan ni Franz, malamang mas madali ang bagay-bagay sa kanila.
Ako ang sumira ng lovestory nila.
Kahit na break na sila noon, pero pwede pa sana silang magkabalikan. Hindi pa nga lumilipas ang 24 oras, umeksena na agad ako. I feel guilty!
Pero hindi lang naman lovestory nila ang nasira ah? Sa amin din naman ni Von. Mas grabe pa nga sa amin. We were happy during that time, and with a blink of an eye, kailangan na agad naming maghiwalay.
Alam naman natin na parehas nasira ang relasyon namin. Hindi lang naman ang kanila. Ayos lang dapat sa akin na magkabalikan sila kasi simula't-sapul, may usapan naman kaming one year lang magsasama.
Franz came up with that idea because of me. Dahil durog na durog ako noon dahil kailangan kong hiwalayan si Von dahil lang sa impulsive decision ng magulang namin. All I want during that time was to elope with Von. He was my everything during that time, and Franz was there to stand by my side no matter what.
Kaya bakit ako magagalit kay Fatima? Alam kong mahal niya lang naman si Franz.
Ok dapat ang lahat kung hindi lang dahil sa akin. Malinaw ang lahat. After 1 year, we will file for annulment. Pero ako ang may mali dito. Because...
I fell inlove with Franz!
Pababa na kami ng airplane. Hindi tulad kanina na hawak ni Franz ang kamay ko. Nasa likod ko lang siya at nasa likod niya si Fatima.
Palabas na kami ng airport. Nakuha ko na ang bagahe ko. Kulay pink na maleta na may gulong ang binili sa akin ni Franz para dalhin ko ngayon. Hila-hila ko iyon palabas ng airport.
"Wow! Parang ikaw ang may fashion show ah!" Palatak sa akin ni Ate Sam, alalay ni Fatima. Ngumiti lang ako ng hilaw at hindi siya pinansin. Feeling ko pagod na pagod ako. Bakit kaya ganoon, kapag utak ang gumana, parang nadedrain ka? Mas nakakapagod pa siya kesa mag-physical activity ka?Nahinto kami sa paglalakad palabas ng airport kasi nagrestroom sandali si Franz.
"Sam, stop it! Sorry for Sam, Steph." Hingi ng tawad ni Fatima sa akin.
See? Sobrang bait niya. Kaya lalo akong nakokonsensya. Dapat nagisip ako ng paraan para maiwasan ang forced marriage na iyon. Sana hindi naging kumplikado ang lahat.
"Binibiro ko lang si Steph, Fatima. Sorry Steph!" Hingi niya na rin ng paumanhin.
"It's not funny!" Inis na sabi ni Fatima. Diosmiyo! Dahil ba sa akin ay magaaway pa ang mag-among ito?
Inawat ko na sila. "Tama na. Hindi naman big deal. Ok lang ako, Fatima. Saka ok lang, Ate Sam." Sabi ko sa kanilang dalawa. Ok lang naman kasi talaga sa akin. Napa-O.A. nga kasi ang dala ko ng damit. Napadami ata.
"What's happening?" Tanong ng kalalapit lang na si Franz. Dala niya ang blue niyang maleta na tulad ng brand ng akin.
"Si Ate..." Sabi ni Fatima na hindi ko na pinatapos.
"Wala, Franz. May pinagkukwentuhan lang kami." Sabi ko. Ayaw ko ng pahabain dahil wala naman talagang kwenta. Mas marami akong iniisip na may kwenta kesa diyan.
"Nasa labas na po ang sasakyan." Announce ni Kuya Max. Marahil ay dumating na ang transpo namin na sugo ng Lao Entertainment.
Kinuha ni Franz sa kamay ko ang maleta kong may gulong. "Halina kayo." Aya niya sa aming lahat. Nagsimula nang lumakad ang mga kasama namin kaya sumunod na rin ako.
"Ako na, Franz." Sabi ko sa kanya.
Inilayo niya ang handle ng maleta sa akin. "Ako na. Magaan naman." Sagot niya na expressionless ang mukha.
Kung umasta si Franz, parang walang nangyaring kiss sa kanila. Ang ikinatatampo ko lang, sana man lang ikwento niya sa akin at huwag maglihim. Hindi niya naman alam na nakita ko sila kaya sana ipagtapat niya sa akin. It's not like I'm gonna freak out naman eh. Gusto ko lang honest kami sa isa't-isa.
"Sige." Nagulat ako ng binigay niya sa akin ang maleta ko. Something is really wrong! Usually kasi ipipilit pa rin niya, pero this time, ibinigay niya ng walang pagtatalo.
Natigilan ako. Hindi pa man, pero parang nagkakahiwalay na naman kami. I think we are drifting apart. Napasunod lang ako ng balikan ako ni Ate Gi at akayin. Medyo malayo na pala ang mga kasama namin. Hindi ko na napansin.
Pagdating namin sa labas ng airport ay naandun na agad ang mga limo na maghahatid sa amin sa hotel. Pinagbukasan kami ng mga chauffeur ng pinto ng limousine. Sa unang limo sumakay agad si Fatima at ang assistant niya.
"Dito ka na sumakay, Franz. Iyon ay kung ok lang. Masikip na kayo sa kabila eh." Yaya ni Fat sa kanya bago ipasara ang pinto ng sasakyan.
Lima pa kaming hindi nakakasakay, si Franz, Ako, Ate Gi, Kuya Jo at Kuya Max. Medyo magiging masikip nga kami sa pangalawang sundo na nasa likod nitong una.
Lumingon sa akin si Franz. Hindi ko mabasa ang expression ng kanyang mga mata. Pero pakiramdam ko, it's his way of telling me, 'pwede ba?' Kaya tumango na lang ako. Tutal sila naman talaga ang dahilan ng trip na ito at sabit lang kami. Kaya dapat kumportable ang dalawang modelong ito.
"Sir Franz, let's go?" Narinig kong tanong na rin ni Ate Sam kaya napabaling siya muli doon.
Lumingon ulit sa akin si Franz na para bang nagiisip ng tamang desisyon. Nag-iwas na ako ng tingin para naman hindi niya mabasa sa aking mga mata na ang totoo, ayaw ko talaga!
Dahil hindi ako nakatingin, medyo nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Tinapik niya ako sa balikat. "Hey! Ok lang ba?" Hindi nakatiis na tanong niya sa akin.
Ang hirap itago ng tunay na nararamdan, pero alam kong dito ako magaling. Noon pa ata ako kumuha ng masteral sa larangang ito eh. At ngayon, magagamit ko na naman kay Franz.
"O-oo naman." Nabubulol na sagot ko pa. Pilit na rin akong ngumiti. Wala na akong magagawa kung halatang hindi normal ang ngiti ko. Basta ang alam ko, kailangan kong itago ang nararamdaman ko para hindi makagulo sa iba.
Binawi na niya ang titig sa aking mga mata. Hinarap niya si Kuya Jo. "Jo, ikaw ang sumakay kina Fatima." Utos niya kay Kuya Jo.
"Yes, Sir!" Alistong sagot ni Kuya Jo.
Nakonsensya naman ako. Hindi ko ba naitago ng ayos ang feelings ko? Dapat ay mas ginalingan ko pa ang pag-project ko na ok ako. Ipinagpalit tuloy ni Franz ang komportableng pwesto dahil sa kaartehan ko.
"Si Kuya Jo nalang isabay ninyo. Nakakahiya naman sa mga kasama ko kung iiwan ko sila." Sabi niya kay Fatima. Ngumiti ng tipid si Fatima at tumango. Kahit ngumiti siya, halata ang disappointment sa kanyang mga mata.
"Halika na, Steph." Yaya sa akin nina Kuya Max palapit sa pangalawang limo.
Nakaalis na ang una kaya iyong pangalawa na ang nasa tapat namin. "Get in, Steph." Sabi niya na parang malungkot.
Napakagat labi ako sa konsensya. Siguro nanghihinayang si Franz na hindi siya sa una sumakay kasama sina Fat. Pero hindi ko naman siya pinilit na sumabay sa amin, hindi ba? Choice niya iyon.
'Eh kasi naman halata sa iyo na ayaw mo.' Bulong ng black angel ko. Ayan na nga ba, kinakain na ako ng konsensya ko. I'm beginning to hate myself. I am becoming a selfish person. Ayaw ko ng ganito ako.
Sumakay ako at tumabi sa akin si Franz. Kasunod niya ay sina Ate Gi at Kuya Max. Nilingon ko siya at tahimik na ipinikit niya lang ang kanyang mga mata. Maya-maya'y nanigas ako ng walang sabi-sabi ay inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko.
Humahataw na naman tuloy ang puso ko. Ibig bang sabihin nito, kahit na nakita ko silang naghalikan ni Fatima, may timbang pa rin ako sa kanya? Wala pa naman siyang diretsong sinasabi sa akin na gusto niya ako kaya ayokong mag-assume. Pero sana kung meroon man, hindi iyon mabago. Sana nga hindi mabawi ni Fatima ng tuluyan ang pagtingin ni Franz na talaga namang para sa kanya, noon pa man.
Mahinang tinapik ko ang pisngi niya ng makarating na kami sa lobby ng hotel. Nagpunta si Ate Gi at Ate Sam agad sa receptionist at nakipagayos tungkol sa reservation. Naupo ako at tumabi sa akin si Fatima. Medyo naiilang ako sa hindi maintindihang kadahilanan.
"Are you ok, Steph?" Nakuha pa niyang itanong sa akin. Nakakakonsensya namang pagselosan itong si Fatima. Napakabait kasi. Nahalata atang may malalim akong iniisip kaya kahit bakas na bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, ipinagwalang bahala niya iyon at nakuha pang alalahanin ako.
Ngumiti ako. Ngiting walang halong kaplastican. Totoong nata-touch ako sa concern niya sa akin. Imagine, fiancee ng lalaking gusto niya pero hindi niya sinusungitan? Parang nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya. Parehas kami ng ugali, kahit hindi pareho ng ganda. Mas magandang hindi hamak si Fat sa akin. May lahi kasi siya.
"Oo, Fatima. Pagod lang." Sagot ko sa kanya. Napatingala kami kay Franz na nasa harap na pala namin at nakatayo. Ang awkward lang. Palipat-lipat kasi ang tingin niya sa amin ni Fatima. Para bang pinagkukumpara niya kaming dalawa.
"3 rooms po ang nireserve ng Lao Entertainment at Hao Productions para sa atin." Sabi ng lumapit na Ate Gi sa amin. Nakuha tuloy niya ang attention naming tatlo.
"A room for Miss Fatima and Sam. Pwede bang makishare sa inyo?" Panimula ni Ate Gi. Malamang Hao ang nagpareserve ng kanila.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...