A/N:
Maraming salamat kay @StringbeanHeart! Ngayon ko lang nabasa ang maganda mong description sa akin na isinama mo pa sa profile mo! Thank you! Dinedicate ko sa iyo iyong Chapter 23 nang THE STAR. At dahil sa nabasa ko, maguupdate ako. Iyong iba diyan, magparamdam naman kayo. Kahit na sa VOTE man lang. Huwag tayong umasa sa mga masisipag magvote at magcomment. Makiparticipate naman po kayo. Thanks!
Hindi ko alam kung paano ko pagkakasyahin sa 100 chapters ang buong story.. Hahahah! Anyways, please 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!
Thank you po! <3
_______________________________________
STARRING 86
BUHAY PROBINSYA
First day of school namin dito sa Balayan, Batangas. Tatlong linggo na ang nakakaraan nang mapagpasyahan ng buong pamilya namin na dito na muna ako mag-aral. Nangako din ang pamilya ko na wala munang makakaalam na dito na ako nag-aaral. Imposible naman nila akong makontak kasi nagpalit kami ng celphone ni Dale at bumili ako nang bagong simcard. Sinabi ko sa kanya na ibalik ang iPhone na bigay ni Franz kapag nagkita sila.
4th year na ako sa kurso kong Physical Therapy. At dahil mas advance ang subjects sa Maynila ay na-credit lahat ng subject ko. Iyong iba pa nga ay lampas sa number of units na kailangan nila dito.
Sa nagdaang tatlong linggo ay kapansin-pansin ang pamamayat ko. Hindi kasi ako makatulog ng ayos sa gabi at makakain. Palagi pati akong lihim na umiiyak kapag naiiwan ako ni Tiya para magtinda sa palengke. Kahit ang tiyahin ko ngang matandang dalaga, na tanging kasama ko dito sa probinsya, ay nag-alala sa akin. Sinabi ko na lang na namimiss ko ang mga magulang at kapatid ko para hindi siya mag-alala.
Nakaupo ako dito sa loob ng classroom at pinagpapawisan. Dalawang ceiling fans lang kasi ang meroon dito sa probinsya. Hindi tulad sa St. John Colleges na tig-2 aircon ang bawat classroom. Dito ay simple ang pamumuhay at simple lang ang mga tao.
Tahimik akong nagpapaypay sa aking sarili. Wala pa ang aming guro kaya tahimik lang ako. Nakikinig lang ako sa kwentuhan ng aking mga kaklase. Bigla kong naalala ang mga kaklase ko sa St. John Colleges. Kumusta na kaya sila?
"Hi! Bago ka? Ako si Charmaine." Pakilala noong maganda at morenang katabi ko sa upuan.
Inilahad ko agad ang kamay sa kanya. "Hello! Oo, bago ako. Ako naman si Stephanie." Balik pakilala ko.
Mabait itong si Charmaine. Ipinakilala niya ako sa grupo ng kanyang mga kaibigan. Naging mainit naman ang pagtanggap sa akin nina: Debbie, Kristin, Joel at Kyle. Agad akong isinama sa kanilang grupo. Ganito pala sa probinsya. Walang ere ang mga tao.
"Taga Maynila ka pala, Stephanie? Kaya pala ang ganda mo." Puri sa akin ni Kyle.
Napangiti ako sa kanya. "Oo. Ako? Maganda? Hindi naman. Magaganda din naman sila dito." Sagot ko sabay sulyap kina Deb (Debbie), Cha ( Charmaine) at Tin (Kristin).
Medyo nailang ako nang tingnan ako ni Joel mula ulo hanggang paa. "Hindi, Stephanie. Iba ka. Maganda ka talaga. Alam mo ba, parang kamukha mo iyong model sa magazine ni Ate na dala niya ng umuwi siya galing Japan." Gatong pa ni Joel.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...