Starring 76

8.5K 165 27
                                    

A/N:

Selective amnesia - nangyayari ito sa isang taong dumaan sa isang mabigat na sirkumstansya. Pwedeng dahil sa sakuna, isang matinding trahedya, aksidente, o emosyonal na trauma mula sa isang masakit na pangyayari. Ito ay paraan ng ating brain para iwasang maalala ang pinagdaanang sakit o hinagpis para hindi na ito makaapekto sa emosyonal na estado ng isang tao. Ang isang may selective amnesia ay hindi dapat binibigla sa pagpipilit na maalala ang nakaraan. Dahil kung ipipilit ito, maaring maulit o bumalik ang mga sugat sa puso ng taong may ganitong sakit. Ang dapat ay dahan-dahan lamang. Maaari kasing magkaroon ng bayolenteng reaction ang pasyente kapag naalala ang hapding naranasan na pwedeng humantong sa pagpapakamatay ng biktima.

Ngayon, naiintindihan na ba ninyo kung bakit ganito ang takbo ng istorya natin? May dapat ba talagang sisihin?

Anyways, lilipat kami ng net provider. Mukhang matatagalan ito. Kaya sana naman po para masulit ko ang pagde-DATA ko sa iPad, pahingi naman po ng 35 VOTES & 30 COMMENTS for the next UPDATE! Sorry din po sa mga nagpi-pm sa akin. Ang bagal ng net kapag load ang gamit kesa sa wi-fi kaya ubos na agad ang naload ko eh posting palang ng update ang nagagawa ko. Sorry!

_____________________________________________

STARRING 76

SANA MAGING MASAYA

Lumipas ang dalawa pang buwan. Balik sa parang hangin ang turingan namin ni Franz. Ang hirap ng sitwasyon ko kasi magkaklase kami. Effort level talaga para iwasan siya. Aaminin ko, minsan namimiss ko din ang pakikipag-away sa kanya, pero sa ikatitiwasay ng lahat, maganda na ang ganito.

Naging busy na kami sa school dahil malapit na ang finals namin. Sunod noon ay 2nd sem na. Plano ko ngang lumipat na sa mas mumurahing school. Ang dahilan? Medyo kinakapos kami ngayon. May binuksan kasing negosyo si Mama at nagflop. Kaya ngayon, abala sila sa pagbabayad ng mga loans nila.

Wala namang kaso sa aming magkapatid. Sanay naman kami sa simpleng buhay. Ang mahalaga, buo ang aming pamilya. Hindi tulad ng pamilya na sinasabi nilang bubuoin sana namin ni Franz. Ngayon ay wala nang pag-asa.

Pagkatapos kasi naming magusap noon sa studio ng banda nina Von, ay tinawagan na ni Franz si Von at pinakuha ang gamit ko sa condo daw namin. Nagulat ako noon dahil noon ko lang nalaman na may condo pala kami.

Naisip ko tuloy, siguro nga ay minahal ko siya dati dahil tumira pa ako sa bahay na kasama siya. Kinapa ko naman sa puso ko, pero wala talaga akong maramdaman na ganoon katinding pag-ibig para bumalik sa kanya. Kaya ngayon, hindi ko iniinda ang kabikabila niyang pangbabae kahit sa harap ko pa.

"Steph, nabasa mo ba ito? Break na pala si Franz at si Yi Ling." Sabi ni Dei sa akin. Naandito kami ngayon sa bahay namin dahil gumagawa kami ng report sa isang subject.

Umismid lang ako. "May bago ba doon? Pang ilang girlfriend na ba niya iyan?" Tamad na sagot ko.

Sa loob kasi ng dalawang buwan ay ang dami nang nalink sa kanya at nakarelasyon. Ilang araw o linggo lang, nababalitaan namin na hiwalay na agad. Kaya hindi na ako nagaaksaya ng panahon na alamin kung sinong dinedate niya.

Minsan ay gusto ko lang siyang bulyawan. Lalo na kapag sobrang initimate nila ng kasama niyang iba't-ibang mga babae sa corridors. Pwede naman kasi hanggang ngayon, ako pa din ang LEGAL WIFE. Dahil noong inopen ko sa magulang ko ang pagpapa-annul eh hindi sila pumayag. Antayin ko daw muna na gumaling ako ng tuluyan bago ako gumawa ng isang mabigat na desisyon tulad nito.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon