A/N:
Please add MY ALIEN BOYFRIEND and THE MARRIAGE to your reading list. 50 VOTES & 40 COMMENTS = UPDATE! Last 4 chapters na po ito.
_________________________________
STARRING 96
REVELATIONS
Kailangan kong humingi ng tawad kay Franz. Kailangan kong pigilan ang pagiwas niya sa buhay ko. Sinundan ko siya sa labas nang bahay. Nang makalabas ako ay eksaktong umandar na paalis ang kanyang kotse. Nagmamadali akong tumakbo para maabutan siya.
"FRANZ!!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kahit na maraming makakita sa akin ngayong tanghali. Tumakbo lang ako ng tumakbo para abutan siya. Dahil kung hindi ko gagawin ito, pakiramdam ko, pagsisihan ko ito habang buhay.
Natuklasan ko ngayong araw na ito na ang dahilan ko pala para makipaghiwalay sa kanya noon ay walang saysay. Hinayaan kong manaig ang hinala sa aking puso. Masisisi ninyo ba ako? Nasaktan na ako kaya ayoko nang maranasan pa iyong muli.
Sadyang walang pagsisisi na nauuna. Palagi itong nasa huli. Pero naniniwala ako na hindi pa huli para sa akin ang magsisisi. Kailangan kong ayusin ito ngayon din. Natututo na ako sa pagkakamali ko noon. Ang problema ay dapat na hinaharap at hindi tinatakbuhan. Dahil kahit anong takbo ko, umiikot pa rin sa resultang nasasaktan ang puso ko.
"FRANZ!!" Sigaw ko muli sa nanglalabong mata. Ang mata ko ay barang bukal na ng luha. Napatid na ang tsinelas na suot ko dahil sa pagsunod sa kanyang kotse. Iniwan ko na lang iyon at nakaapak na tumakbo para habulin siya.
Tumawid na siya, sakay ng kanyang kotse, ng guard house nang makita ko siya ulit. Mas binilisan ko pa ang takbo.
"FRANZ!!" Sigaw ko pa.
Dahil ang lalabo na ang aking mata dahil sa luhang ayaw tumigil, hindi ko napansin ang sasakyan na paliko sa isang kurbada. Isang mabilis na sasakyan na padiretso sa akin.
"PEEEPPP!!!!"
Malakas na busina ang tangi kong narinig. Imbes na tumabi ako ay parang nagulat pa ako at napahinto sa aking kinatatayuan. Mabuti na lamang at malakas ang kanyang preno. Isang inch na lang ay madadanggil na ako ng bumper ng kotse. Nanglalambot na napaupo na lang ako. Nawalan na ako nang pag-asa para maabutan si Franz.
"Oh my gad! Are you hurt? Saan ang masakit, MIss?" Tanong sa akin ng driver ng kotse. Nagpapanic siya dahil bigla akong napaupo. Ang akala siguro niya ay nadale niya ako ng kanyang sasakyan.
Tulala lang ako. Nakatingin sa labis na liwanag ng headlight ng sasakyan ng mama. Liwanag na parang nakita ko na dati na sumilaw din sa akin.
Naipikit ko ang aking mata ng mariin. Biglang may mabilis na alaala ang bumalik sa utak ko..
Umiiyak akong tumawid sa kalsada ng California dahil nahuli kong magkapatong si Franz at Fatima sa hotel room na inuupahan ni Fatima. Tinawag ako at sinundan ni Franz pero ayaw kong marinig ang kalokohan niyang paliwanag. Wala sa sariling tumawid ako kahit nakikita ko ang mga sasakyang umaandar. Nanglalabo din ng ganito ang mga mata ko dahil sa sobra ding pagiyak. Hindi ko napansin na may parating na sasakyan. Narinig ko pang tinawag ako ni Franz, pero huli na ang lahat. Nasagasaan na ako. Nahospital ng hindi ko mabilang na araw. Nasemento ang paa at ang daming galos sa katawan.
BINABASA MO ANG
The Star
Novela JuvenilAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...