Starring 27

10.4K 156 8
                                    

A/N:

Sorry po for the late upload. Please pray for my fast recovery. Naaksidente po ako sa motor at tinahi ang ulo ko.. Whew! 1 week akong hindi makakapasok sa gym. Ang dami kong sugat all over! Pagdasal po ninyo mabilis kong paggaling.

_______________________________________________

STARRING 27

I REMEMBER THE DAYS


"Saan ka galing?" Bungad sa akin ni Franz. Dumiretso ako ng uwi dito sa condo namin. Nasa bukana siya ng pinto at siya ang nagbukas sa akin. Hindi tulad ng inaasahan ko, tanging si Franz lang ang tao sa bagong biling condo.


"Franz.." Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap ng mahigpit. Alam kong siya lang ang higit sa lahat na nakakaunawa sa akin. Parehas kaming may mahal na iba na napilitang magsama.

Umiyak ako ng umiyak sa dibdib ni Franz. Hindi pa siya nakakapagbihis. Parehas kami na ito pa ring sinuot sa kasal kanina ang suot namin.

Umiyak lang ako ng umiyak. Ibinuhos ko lahat ng sentimyento ko. Hanggang sa dahan-dahan ng nabawasan ang pagiyak ko. Nagtataka kasi ako dahil parang estatwa lang si Franz sa yakap ko. Hindi siya yumakap pabalik.

"Franz?" Dahan-dahang napatingala ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na galit ang mga titig niya sa akin.

Inihiwalay niya ako sa katawan niya at isinara ang pintuan na naiwan ko palang bukas. Pagkatapos noon ay tinalikuran niya ako at umupo siya sa sofa. Balot pa ang mga ito ng plastic at halatang bago. Napalingon ako sa paligid. Malaki kesa sa ordinaryong condo ang binili ni Tito para sa amin. Ang mga gamit ay halatang mamahalin.

Naglakad ako habang palinga-linga palapit sa kinauupuan ni Franz. Tumabi ako sa kanya. "What's wrong?" Tanong ko sa kanya nang matapos ko ng hangaan ng palihim ang buong condo namin.

Wo-walkout sana siya pero nahuli ko ang kamay niya. "Bakit, Franz?" Tanong ko dahil naguguluhan ako sa kinikilos niya. Ang alam ko kasi, nauunawaan namin ang isa't-isa. Bakit malamig ang pakitungo niya?

"Bitawan mo ako!" Galit na hinigit niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Ano bang nangyayari?

"Franz? Bakit? Anong problema?" Naguguluhang tanong ko. "Hindi ba't magkakampi tayo? Bakit galit ka?" Dagdag ko pa.

Yumuko siya sa harap ng mukha ko. Napasandal tuloy ako sa sofa. Halos gabalahibo na lang ang distansya naming dalawa. "Ang akala ko din kakampi kita. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako sa gitna ng moro-morong iyon. (A/N: moro-moro- drama.) Sinisisi mo din ba ako sa gulong ito kaya pinagmukh@ mo akong tang@ dun kanina?" Bakas ang galit sa mga mata niya. Halata sa pagtiim ng mga bagang niya.

Pinaling ko ang ulo ko sa isang gilid. Hindi ko kaya ang bigat ng titig niya. "A-ano kasi.. Co-concert ni Von. Nagpaalam naman ako hindi ba? Sorry kung iniwan kita. Sana naman unawain mo ako tulad ng pagunawa ko sa iyo. Ikaw ang puno't dulo nito, hindi ba? Kung pinaalis mo na lang ako..." Hindi ko nanatapos ang panunumbat ko. Hindi ko naman sinasadyang manumbat. Pero kasi, nainsulto ako sa pag-aakala niyang hindi kami parehas ng opinyon at nararamdaman sa bagay na ito.

Marahas na hinawakan niya ako sa braso. "Ngayon, sinusumbatan mo ako? Ang akala mo ba masaya din akong makasal sa iyo? Kung masama lang ako at hindi iniisip ang kalagayan mo, sana hindi kita sinipot sa kasal kanina. Pero hindi eh. Pumunta pa rin ako dahil ang akala ko, nagkaayos na tayo na isang taon lang ang pagtitiis natin. Pero ang ipahiya mo ako doon at iwanan... Hindi ko matatanggap!" Galit na sabi niya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon