Starring 89

7.6K 173 45
                                    

A/N: 

Natatawa ako sa mga gustong-gusto mag-update ako. VOTE po kasi kayo agad at COMMENT. 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE. Naandito ang PBA sa amin sa Binan, Laguna mamaya. Yehey! Manunuod ako.

Guys, paki add nga po pala ang MY ALIEN BOYFRIEND (http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend). Nasa external link siya ----->>>. Coming soon iyan sa April. Basahin po ninyo at suportahan. Thanks po. 

Whew! 11 chapters to go...

____________________________________

STARRING 89

TAKE CARE OF THE BABY 

Inihiwalay ako ng konti ni Von sa kanyang yakap. Katulad ko din na naiiyak siya nang makita ako. "Sa labas tayo." Hinila niya ako palabas ng bar na iyon. Sa may back door kami dumaan.

"Teka lang." Sabi ko kay Von nang maalala kong kasama ko nga pala si Cedric.

"Cedric!" Sigaw ko naman kay Cedric na medyo malapit na sa amin. Nakasunod naman pala siya sa amin.

Nang makalapit siya ay nagpatuloy na kami sa paglabas nang bar. Pumuwesto kaming tatlo sa kubo sa likod ng bar. Umupo ako at tumabi sa akin si Cedric. Si Von naman ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kinakabahan ako kaya napayuko ako.

"K-Kumusta?" Naitanong ko kay Von dahil ramdam ko ang mabibigat niyang titig sa akin. Ngayon pa ako nakaramdam nang hiya matapos ko siyang lundagin nang yakap kanina.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bagkus ay umupo siya sa kabilang gilid ko. "Kumusta ka na? Gad Steph! Hinanap kita pero dito lang pala kita matatagpuan." Sabi niya habang pinupunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Napatungo ako muli. "Pasensya ka na, Von. Kailangan ko kasi ng space. Gusto ko ring makalimot. Saka isa pa, hindi na ako kayang pag-aralin doon nina Papa." Malungkot na sabi ko. Ramdam ko ang titig nila ni Cedric sa magkabilang gilid ko, pero hindi ko pinansin. Hindi rin ako nagatubili sa mga sinasabi ko. Wala akong pakialam kahit marinig ni Cedric ang kwento ng buhay ko.

Itinaas ni Von ang baba ko para mapalingon ako sa kanya. "Bakit kailangang pati sa akin ay magtago ka? Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala." Parang nahihirapang paliwanag niya.

Nakonsensiya naman ako sa sinabi at itsura ni Von. "I'm sorry..." At huminga ako ng malalim. "Ayokong sabihin sa iyo dahil tiyak na gugugulin mo na naman ang oras mo sa akin. Ayokong maistorbo ka nang pababalik-balik na pagdalaw sa akin dito. Kilala kita, Von. Alam ko kung gaano ka ka-concern sa akin." Paliwanag ko pa.

Napabuga na rin si Von ng hangin at napapikit ng mariin. "Hindi ko matanggap ang rason mo, pero kalimutan na na rin iyon. Ang mahalaga ay nakita na kita." Madamdaming sabi niya sa namumulang mga mata. Parang naiiyak na naman siya.

"Na-miss kita." Totoo sa loob na sabi ko. Niyakap ko siya muli. I miss my friend. I miss him so much. I miss his company, his scent and his presence.

"Ehem." Tikhim ni Cedric na nakakuha ng attention namin. Oo nga pala! May tao nga pala sa kabilang gilid ko. Nakalimutan ko. Nakita ko lang si Von ay nalimutan ko na ang bago kong kaibigan/manliligaw na palaging tumutulong sa akin dito.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon