STARRING 16
FIRST KISS
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Franz sa akin ng pauwi na kami mula sa Batangas.
"Sa unahan ako uupo." Walang emosyong sabi ko sa kanya. Hindi na naman ako galit sa kanya. Gusto ko lang dumistansya. Mahirap kasi kapag palagi akong malapit sa kanya. Inihahanda ko lang ang sarili ko dahil mukhang mapapasa-kanya na si Fatima. Mukhang maganda kasi ang paghihiwalay nila ni Fatima kanina.
Hinatak ako ni Franz sa kamay at pilit na pinapapasok sa backseat para magkatabi kami. "Huwag ka ngang makulit, Steph! Dito ka sa tabi ko." Naiinis na sabi niya.
Binawi ko naman ang kamay ko. "Ayoko, Franz. Dito na ako. Para makapagpahinga ka din diyan ng maayos." Sabi ko pa sa kanya.
"Ahh.. ayaw mo ha..." Napailing na lang ang driver niya nang nauna pa siyang sumakay sa unahan at hinihila na ako papasok.
"Psss... " Naiinis na sa likod na lang ako umupo. Inilock ko ang pinto para hindi na siya makalipat.
Pero nanglaki ang mata namin ni Kuya Driver niya ng lakdawan niya ang sandalan ng upuan sa unahan at doon mismo dumaan para makatabi ako dito sa likod. Baliw na Franz!
Bumagsak pa ang loko sa paanan ko. "Ano ba?" Naiinis na tanong ko. Hindi ko rin naman natiis. Hinila ko siya patayo sa kinahulugan niya sa paanan ko.
"Sabi ng tabi tayo eh. Paandarin mo na nga, Kuya. Baka lumipat pa ito." Baling niya kay Kuya Driver.
Nakasimangot lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Siya naman ay kinuha iyong throw pillow na baon namin at inilagay sa hita ko. Then ginawa niyang unan ang hita ko. Syete naman oh! Kinikilig ako eh.. Kainis.. Paano ba ako makakalimot nito kung ganyan siya?
"Franz, umurong ka nga doon. Ang sikip eh." Taboy ko sa kanya. Kunyari lang naman ako. Kasi naman, ayoko nang umasa pa.
"Ayoko! Huwag ka ng maingay at matutulog ako. Kapag nagingay ka, hindi tayo pupunta kay Von." At pumikit na siya habang nakatagilid ng higa sa hita ko.
Wow! Great! Just great! Bina-blackmail na ako ng loko. Para namang hindi ko kayang magmaneho papunta doon? Pss... Dadaan muna kami sandali sa subdivision namin para magbihis ng formal attire.
4 hours to go... Sana umabot kami..
**
Kahit na para lang sa mga taga music industry ang event na ito ay marami pa ring nagkagulo ng makita si Franz na aattend ng awards night. Tinanong pa nga nila siya kung may gf daw ba siya o nililigawan na taga-music industry? Siyempre ang sagot niya, "I'm here to support my friend, Von Lee."
Pagpasok namin ay sa gitna na kami napapwesto. Dito na lang ata ang naireserve ng Lao Entertainment para sa kanya. Nakita rin namin sina Sir Lance and family na nanonood ng Awards Night. Naandito rin ang buong family ni Von at ng mga kabanda niya. Madaming mga reporters, mga singers, dancers, composers, lyricist, musicians, directors at mga kapamilya nila sa okasyon.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...