Starring 7

12.7K 188 6
                                    

A/N:

Happy New Year po!

__________________________________

STARRING 7

DRIVE HER AWAY 

Halos batukan ko ang sarili ko nang naglalakad na kami paakyat ng hagdan para pumunta sa music room ni Tito Zeon sa taas. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Para saan naman kaya ang kabang nararamdaman ko? May mangyayari bang hindi maganda? 

Lima ang bedrooms dito sa taas na may sariling mga restroom sa loob. Mayroon ding library, leisure room (na may billiarD table) at music room ng Papa nila. Kung hindi mo saulo ang bahay nila, malamang na maligaw ka. Mula naman talaga kasi sa mayamang angkan ang mga Lee kaya madali sa kanila ang magpundar ng ganito kalaking mansion. May dalawang swimming pool pa nga ito sa likod eh.

Napalunok ako ng nasa tapat na kami ng music room. Kahit nakasarado ang pinto, dinig na dinig ko ang tugtugan at kantahan sa loob. Binuksan ni Vanity ang pinto dahil siya ang nasa unahan ko. Nakita ko ngang may mga babae silang kasama dito sa music room na mga busy sa pakikinig sa pagtugtog nila.

Kasalukuyang kumakanta si Von habang nakapikit ang malalantik na mga pilik mata. Parang damang-dama ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya. 

(A/N: please play youtube video on your right ---->> NOW PLAYING SOMEBODY BY DEPECHE MODE)

DEPECHE MODE


Somebody Lyrics

 

 

I want somebody to share
Share the rest of my life
Share my innermost thoughts
Know my intimate details

Napaupo ako at napatitig sa kanya dito sa may likod ng mga chicks daw nila. Nakatalikod sa akin ang mga babae kaya hindi ko pa makita ang kanilang mga mukha. Isa pa, pagkapasok ko pa lang ay hindi ko na naihiwalay ang paningin ko kay Von.

Gwapo rin kasi talaga itong bestfriend ko eh. Simpleng white t-shirt at maong shorts lang ang suot niya, pero bakas din ang macho niyang katawan. Iyong matigas niyang biceps na kitang-kita habang nakaflex ngayon ang arms niya para hawakan ang mic. Medyo pawisan na si Von, pero lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito. At ang boses niyang malamig na manang-mana ata kay Tito Zeon.


Someone who'll stand by my side
And give me support
And in return
She'll get my support

Bakit ganoon iyong mga lyrics? Parang ako ang dinedescribe o paranoid lang ako? Kasi akmang-akma sa akin. Ako ang tanging kaibigan nilang babae na laging naandito para sa kanila ni Franz. Although, syempre, mas matimbang at mas priority ko si Franz dahil crush ko siya. Pero hindi ko rin naman matanggihan ang isang ito kapag humihiling sa akin.


She will listen to me
When I want to speak
About the world we live in
And life in general

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon