Starring 60

9.9K 173 31
                                    

STARRING 60

ROMEO & JULIET

Masaya akong nagising ngayong umaga dahil nakatulog akong may ngiti sa mga labi. Iisa lang naman ang kama sa hotel room namin kaya natulog kaming magkayakap ni Franz, magkayakap lang at wala ng iba.

Nagorder na lang kami ng pagkain sa reception at nagpahatid na lang ng brunch sa room service. Naandito kami ngayon sa sala habang nagpe-facebook ako. Tagal ko na din hindi nakakapagbukas nito eh. Halos 2 months na ata.

Wow! 100+ friend request na hindi ko mga kilala. Mga friend request na mula ata sa buong sulok ng Pilipinas. May mangilan-ngilan pang from abroad.

100+ private messages, 30 galing sa mga friends & relatives ko, 70+ from unknown users. Una kong binuksan iyong galing sa dati ko ng fb friends. Kadalasan ang messages eh, "Congrats" or "Goodluck!" At ang dahilan ay dahil daw girlfriend na ako ni Franz. Hindi naman kasi lihim na mula pagkabata ay talagang gusto ko na si Franz. Kaya alam kong natutuwa sila para sa akin.

Iyon namang from unknown users ay mga nagpapa-accept ng friend request, nakikipagkaibigan, at nagtatanong ng informations tungkol kay Franz. Now I know, ang puno't-dulo ay dahil gusto nila akong kaibiganin dahil kilala na ako bilang gf ni Franz Roff.

"Hey, ano ba yang binabasa mo at seryosong-seryoso ka?" Puna sa akin ni Franz. Nanunuod siya ng cable channel sa tabi ko. Umurong pa siya ng konti at nakisilip sa ginagawa ko.

"Kasi iyong facebook ko, grabe ang notifications." Naiiling na sabi ko habang isa-isa pa ring binabasa ang messages.

Dumikit na siya ng tuluyan sa akin. "Wow! Daming friend request ah. Saan galing iyang mga iyan? Kilala ka na agad eh kahapon ka lang rumampa, at rehearsal pa lang iyon ah." Sabi pa niya.

Pinalo ko nang mahina ang braso niya. "Loko! Hindi naman iyon. Dahil kaya ito sa iyo!" Reklamo ko sa kanya.

Inagaw na niya ang iPad ko at binasa. "Oo nga no? Pabayaan mo na. Ako nga, nagdeactivate na ako ng account." Sabi niya habang binabasa din ang mga notifications ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasan. Ang gwapo niya kasi habang binabasa ang labi at seryosong nagbabasa. Well, ano bang ginawa ni Franz na hindi ako humanga sa kanya? Kahit naman anong gawin niya, handsome talaga siya.

"I-deactivate na lang natin." Sabi niya at lumingon sa akin. Napahiya tuloy ako kasi nahuli akong titig na titig. Baka isipin niya patay na patay ako sa kanya. Sabagay, totoo naman? Hihihi!

Agad akong nagbawi ng tingin. "Huwag na lang muna. Ililipat ko muna sa USB ko iyong pictures ko diyan." Sabi ko pa sa kanya. Andun kasi iyong mga litrato naming tatlo nina Von simula noong highschool kami. Sayang eh!

Ibinalik na niya ang attention sa pagbabasa ng kumunot ang noo niya. "May 25 pala ngayon?" Tanong niya ng mapansin ang petsa sa iPad ko.

Kumunot ang noo ko. "Oo. Bakit? Hindi ba't mamayang gabi nga ang fashion show?" Nagtatakang tanong ko. Bakit? Nakalimutan ba niyang fashion show na mamayang gabi?

Nagkibit balikat na lamang siya. Ibinalik ang attention niya sa binabasa. Ako naman ay nakuha ang attention ko ng commercial sa tv. Ipinalabas kasi ang tungkol sa fashion show ng D&G para sa 10th year anniversary churva daw nila.

Pero nanglaki ang mata ko ng bumaling ulit ako sa iPad at makita kong may post ako sa status ko...

"It's my second month and I'm happy!"

Naningkit ang mata ko kay Franz. "Ano yan?" Medyo naiiritang tanong ko. Pinakialaman niya ang facebook ko?

Ngumisi siya sa akin. "Bakit ayaw mong malaman ng fb friends mo? Sabagay, nalimutan mo nga pala." At bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa lips. "Happy monthsary, Steph!" Sabi pa niya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon