Starring 77

8.3K 174 40
                                    

A/N:

Yes! May internet na kami ulit! At dahil diyan, sige pagbibigyan ko kayo, kahit hindi pa narereach ang gusto ko, nagupdate ako. Pero next chapter, stricly  30 VOTES & 30 C0MMENTS = UPDATE! WALANG VOTE AT COMMENT, WALANG UPDATE! Ok? PAra naman po tumaas ang ranking ng story kong ito at makilala ng iba. Please?

________________________________________

STARRING 77

DANGEROUS

Naghahanda na ako ng extrang shirt at pagkain na dadalhin ko. Kahapon kasi ay iginurupo kami ng aming guro sa Community Based Rehab (CBR) na subject namin. Pupunta kami ngayon sa iba't-ibang baranggays. Para siyang medical mission style.

Maaga akong ginising ni Mama dahil 6:00am ang alis namin sa school. Si Papa ang maghahatid sa akin sa school. Hindi na ako pumayag sa offer ni Von na siya ang maghatid dahil ayaw ko nang makaabala pa sa kanya.

"Ingat kayo." Sabi sa akin ni Mama sabay kiss namin sa isa't-isa.

"Opo." Magalang na sagot ko naman at sumakay na ako sa kotse ni Papa.

5:45am nang dumating ako sa school. Pinaalis ko na si Papa kasi magaayos pa iyon sa pagpasok niya sa opisina. Nakiupo na lang muna ako sa benches at nagantay sa mga jeep na maghahatid sa amin sa mga baranggay.

Kanya-kanyang kwentuhan ang mga excited kong kaklase nang lumapit sa akin si Jacob. "Magkakagrupo tayo nina Franz." Sabi niya kahit alam ko na naman ang detalyeng iyon.

"Oo nga." Tanging naisagot ko. Tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung sino na ang mga andito. Parang may kulang pa kasi. Parang hindi ko pa nakikita si Franz?

"Sinong hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Jacob.

"Si Deiseree." Palusot ko. Wala pa rin kasi si Dei. Hindi man kami magkagrupo pero sabay-sabay ang alis namin papunta sa iba't-ibang destinasyon.

Ngumiti si Jacob sa akin at ngumuso sa may gate ng school. "Ayan na siya." Sabi niya.

Nakita ko ngang naglalakad na si Dei bitbit ang malaki niya backpack na kasing laki ng dala ko. Tumayo ako at kinawayan ko siya kaya nagmamadali siyang lumapit sa akin.

"Steph." Bati niya sabay yakap sa akin.

Gumanti naman ko ng yakap. "Sinong naghatid sa iyo?" Tanong ko habang umuupo kami sa tabi ni Jacob.

Ibinaba muna ni Dei ang bag niya. "Si Mama ko." Simpleng sagot niya. At nalingunan ang katabi niyang si Jacob. "Good morning, Jacob." Magiliw pang bati niya. Bilib din ako sa sobrang energetic nitong kaibigan ko eh. Sobrang aga at inaantok pa nga ako, pero siya ay buhay na buhay na.

"Hello! Akala ni Steph hindi ka na dadating. Kanina ka pa niya inaantay." Sabi naman ni Jacob.

Humilig ng konti sa balikat ko si Dei. "Ang sweet mo naman, Friend." Sabi niya sa akin.

"Akala ko hindi ka na sasama." Biro ko sa kanya. Kahapon kasi ay panay ang maktol niya dahil gusto niyang kasama ako sa grupo niya. Nakiusap kami pero ayaw ng paltan ng guro namin. Gusto ko din sana iyon dahil ayaw kong makasama muna si Franz sa mga groupings. Hindi pa rin kasi kami ok. Mukhang hindi na kami magiging ok.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon