Starring 48

9.9K 170 14
                                    



STARRING 48


ANG TRAFFIC



Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako sa awa sa sarili ko. Gustong-gusto kong pigilan ang taxi kanina at bumaba para kay Franz. Pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Natatakot ako na kung bumaba ako kanina, hindi ko na makayanang bitawan pa si Franz at ibigay kay Fatima.



And that kind of act is selfishness. Hindi tamang makipagtiisan ako kay Fatima para lang makuha ang pag-ibig ni Franz. Paano naman ako lalaban? Simula't sapul ay hindi ko naman nahawakan ang kanyang pagmamahal. Alam na alam kong si Fatima pa rin ang mahal niya.



Ayokong umuwi sa condo dahil hindi ko pa alam kung paano siya haharapin. Ayoko rin sa bahay ng parents ko dahil tiyak na matatagpuan pa rin niya ako. I need to go somewhere to collect myself. Kaya ang naisip ko ay sa mall na lang siguro ako magpapahatid.



Naputol ang pag-iisip ko nang huminto kami dahil sa traffic. Andito kami ngayon sa Alabang at sobrang traffic palampas ng intersection light. Sa ibang bansa kaya, nagtatrapik din ng ganito?



Hanggang sa lumipas na ang 15 minutes ay hindi pa rin kami naalis sa pwesto. Hay! Pilipinas! Bakit ba ang trapik mo kapag ganitong biyernes?



Kukunin ko sana ang celphone ko sa bag nang makarinig ako ng sunod-sunod na mga busina sa mga sasakyang nakapila. Ano bang problema nang mga ito?



"Pss.. Lumipad kayo!" Inis na sabi ko sa hangin. Bubusina pa sila eh halata namang trapik. Anong magagawa ng busina nila? Nag-iingay lang sila!



Narinig pala ni Kuya Driver ang sinabi ko. "Oo nga po eh. Tapos parang may aksidente pa ata doon sa likod na pinagkakaguluhan." Comment ni Kuya Driver habang nakatingin sa rearview mirror. Parang may sinisilip siya sa likod.


Aksidente? Sino? Kawawa naman kung ganoon. Para malaman kung ano ang tinutukoy ni Kuya Driver, ibinaba ko ang salamin ko. Iniangat ko ng konti ang katawan ko at inilusot sa salamin ng taxi ang ulo ko. Dinungaw ko sa pila sa likod namin ang sinasabi ni Kuya Driver. Wala akong pakialam kahit lumabas ang lamig ng aircon mula sa taxi. Physical Therapist ako at marunong ako ng first aid. Baka mayroong nangangailangan ng tulong ko, kaya hindi ko maiwasang magusyoso.




Tama nga si Kuya Driver. 7 cars behind us ay may mga kumpol na nang tao. Mukhang may pinagkakaguluhan. Ano kayang nangyari doon? Bangaan ba o may nabangga?


"Kuya, silipin ko lang." Paalam ko sa driver ng taxi. Tutal mukhang wala pa naman kaming pag-asang umusad. Bumaba ako at tinanaw kung anu ang meroon sa gawi roon.



Natanaw kong umaandar ang kumpol ng mga tao. Nasa tapat na sila nang ika-6 na sasakyan. Marahil ay may nagbubuhat na sa mga naaksidente. Napaano kaya sila?



Papasok na sana ulit ako ng taxi ng makarinig ako ng tilian. Wagas na tilian na animo'y kinikilig. Napakunot na naman ang noo ko. Aksidente? May naghihiyawan? Hindi ba dapat iyakan ang maririnig ko? Ano ba talagang meroon doon?



Pakapal ng pakapal ang mga taong nakikiusisa. Halos magbabaan na ang mga lulan ng sasakyan na sumusunod sa amin. Hindi na ako nag-abalang lumapit dahil napansin ko na nasa tapat na ng ika-5 kotse ang grupo ng mga tao. Aantayin ko na lang silang lumampas dito sa harap ko.

Dug..

Dug..



Nagtataka ako ng maramdaman ko ang malakas na dagundong ng puso ko. Bakit parang kinakabahan ako? Ano bang nangyayari sa akin? Hays! May kinalalaman ba ito sa naaksidente? Kilala ko ba?



Palapit ng palapit ang umpukan ng mga tao ay palakas ng palakas ang salitaan nila at ang kabog ng dibdib ko. "Anong nangyayari sa akin?" Naitanong ko sa sarili ko habang hawak ang dibdib ko.



Ang dagundong ay sinabayan pa ng hirap sa paghinga ng marinig ko ang tilian ng mga tao na triple na ang dami kesa kanina.



"FRANZ!!" Sigaw nila.




OMG! Dinig na dinig ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Franz daw? Pero bakit naman mapupunta si Franz dito? Iniwan ko sila kanina sa tapat ng coffee shop. Tinangka pa nga niyang tumakbo para habulin ang taxing sinasakyan ko, pero hindi siya nagtagumpay.



"Kapangalan lang siguro." Nasabi ko pa.




Halos iwanan ako ng kaluluwa ko nang nasa tapat ko na ang bilog ng mga tao. Tumingkayad ako para siguraduhin kung ano ba talaga iyon. Hindi ko talaga makita. Kaya ang ginawa ko, nagtatatalon ako. Pero sadyang ang dami ng tao. Wala talaga akong makita.



Nanglaki ang mga mata ko nang mahawi ang tao at nakita ko na kung sino ang palapit sa akin....




Maygad!




Si Franz nga!




Napasandal ako sa pintuan ng taxi nang magtama ang paningin namin. Nanglalambot ang tuhod ko! Galit ang kanyang mga mata habang palapit na siya ng palapit sa pwesto ko. Bakit ba siya naandito? Sa makatuwid, hindi pala sakuna ang pinagkakaguluhan, kundi isang artista... Ang STAR na si Franz Roff pala!

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon