Starring 90

7.8K 175 46
                                    

A/N:

Guys, inulit ko po ito kasi hindi mabasa ng mobile readers. Ewan ko ba kay Watty?! Kainis. Anyways, COMMENT AT VOTE pa din po kayo para matapos na ito. Sana po samahan ninyo ako sa bago kong story. Coming soon this APRIL iyong MY ALIEN BOYFRIEND (http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend) nasa external link po --->>. Paki like ang facebook page na AngelMelay Wattpad. Doon ko po ipopost ang ending nito. Ngayon pa lang po ay paki like na. 

40 VOTES + 35 COMMENTS + UPDATE!

_______________________________________

STARRING 90

WATER BAG

Matuling lumipas ang mga araw. Panay ang dalaw sa akin ni Von kapag wala siyang show at hindi busy sa school. Binigyan niya ako ng mga cd nang mga kanta nila para kapag namimiss ko daw siya ay patugtugin ko lang iyon. Ibibili niya pa nga sana ako nang television pero hindi ako pumayag. Ayoko muna kasing makabalita sa mundong nasa labas nitong mundo kong bagong ginagalawan. Gusto ko nang katahimikan. Kahit nga diyaryo ay bawal dito sa bahay ni Tiya. Tanging si Von nalang ang koneksyon ko sa Maynila.

Si Cedric naman ay palaging naandito kapag walang pasok at kapag tapos na ang duty sa hospital. Hindi siya nagpa-assign sa Manila kahit na mas maganda sanang training grounds iyon para sa kanya. Ang importante kasi sa kanya ay ang madalas akong makamusta at madalaw. Loko talaga! Pero kahit ganoon, ikinatataba naman iyon ng aking puso.

Si Franz? Wala akong balita. Hindi naman namin siya napapagusapan na ni Von. Ang huli ay noong ikinuwento sa akin ni Von na pigil na pigil siyang sapakin dahil binuntis pa ako kahit na buntis na ang palaging kasamang si Fatima. Gustong-gusto na daw niya noong sabihin ang kalagayan ko. Mabuti na lamang at naalala niya ang pangako niya sa akin. Ang huwag ipagsabi sa iba na magkakaanak na kami, kahit pa kay Franz mismo.

**

For almost less than 7 months ay napilitan akong lumuwas ng Manila. Birthday kasi ni Von ngayon. Birthday niya at bilang sopresa ay hindi ko sinabing pupunta ako. Ang balak lang naman namin ni Cedric ay babati lang ako sa may birthday. Tatawagin lang siya ni Cedric sa may parking lot at doon ako babati. Ayoko namang magpakita sa iba. Lalo na at hindi naman alam ng mga tao dito sa Manila na buntis ako.

“Steph!” Tuwang-tuwang tawag sa akin ni Von ng maaninag niya ako sa passenger seat ng kotse ni Cedric. Mabuti na lamang at dito kami sa may pinakalikod ng bar nagpark kaya walang masyadong nakakakita.

“Von!” Balik tawag ko naman sa kanya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at niyakap siya ng mahigpit. Sa likod niya ay nakatingin lang si Cedric na siyang tumawag sa kanya. “Happy 19th Birthday!” Bati ko pa.

“Salamat sa pagpunta!” Masayang sabi ni Von nang idistansya niya ako ng konti at ilayo sa katawan niya.

Ngumiti ako at sinenyasan si Cedric na lumapit sa akin. Nakalayo kasi siya ng konti sa amin ni Von para bigyan kami ng privacy habang nakatanaw lang siya sa amin.

“Mabuti nga at sinamahan ako nitong si Cedric.” Sabi ko pa habang hawak ang braso ni Cedric. Medyo kumportable na ako sa kanya. Palagi ko ba naman siyang kasama eh. Pero hindi pa naman kami iyong stage na nagyayakapan.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon