Starring 9

12K 212 19
                                    

A/N: 

I-ready ang mga tissue! Whew! Welcome 2014!!!

_________________________________________________

STARRING 9

CONFESSION

Lakad-takbo ang ginawa ko ng dumating ako sa parking ng Infinity. Halos magkandahulog ang laman ng shoulder bag ko dahil sa kamamadali. Dirediretso ako sa loob dahil wala namang tickets ngayon dito. 

Hindi ko na kailangang hanapin si Franz dahil nakita ko agad na may nagkakagulong mga tao sa isang sulok ng bar. Halos maapakan pa ako sa pakikipagsiksikan para lang makasingit ako. May mga nakikita pa akong may mga kapit na celphone at kinukunan ata ang gulo.

"Pwede ba?" Inis na saway ko doon sa isa na iPad pa ang gamit habang nirerecord ang eksena.

Nang mapagtagumpayan kong makarating sa unahan, nakita ko si Franz na lasing na lasing at hawak ng mga bouncer. May dalawang lalaki sa harap niya na hawak din sa magkabilang braso ng iba pang bouncer. Siguro ay ito ang naka-away niya!

"Langy@ k@! Babasagin ko ang mukha mo sa susunod!" Sigaw niya doon sa isa sa mga lalaking awat-awat din ng mga bouncer. Mabuti na lang ang mahigpit ang hawak sa kanya ng mga bouncer kahit anong piglas niya.

Agad kong hinubad iyong hoody jacket na pang patong ko sana dito sa off-shoulders kong blouse. Itinakip ko iyon sa kanyang bumbunan. Para hindi na siya makita pa sa mga kalalabas lang ng mga camera nila para i-record ang video.

"Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ko sa mga bouncer.

"Parang diskumpyado iyong mga lalaking may hawak sa kanya na pakawalan siya. "Sigurado po kayo? Sino po kayo?" Tanong pa sa akin ng isa.

Napaangat naman ang mukha ng lasing na si Franz. "Steph.." Iyon lang ang nasabi niya at sumubsob na siya sa mga braso ko.

"Bitiwan na ninyo at baka mabalian!" Inis na singhal ko sa mga bouncer. Agad naman nilang binitawan ng sigawan ko sila. Ipinagkatiwala na nila sa akin si Franz kasi narinig naman nilang kilala niya ako.

"Tapos na ang palabas! Kung mahal ninyo si Franz, pakiusap, kahit ngayon lang, huwag na ninyong ilabas ang video na ito." Sigaw ko  na may halong pakiusap sa mga audience na nanonood ng gulo kanina. Isa-isa silang nagsi-alisan. Kanyang-kanyang bulungan. Sana naman ay pagbigyan nila ang hiling ko.

Iyong dalawa namang lalaki na kalaban niya ata kanina ay inilabas na ng bar ng mga bouncer. Tumunog na ang house music at balik na sa normal ang bar. Akala mo ay walang hindi magandang nangyari agad ang atmosphere.

Dahil tulog na ata si Franz, iniupo ko muna siya sa pinakamalapit na upuan na may sandalan. Ang bigat naman ng kapreng ito. Buong bigat niya kasi ay nasa akin dahil sa sobrang kalasingan.

Isinandal ko muna siya. Siya naman ay tulog na ata habang nakapikit ang mga mata. Itinaas ko ang isang kamay ko para tawagin ang waiter.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon