Starring 50

10.1K 154 8
                                    




STARRING 50


GOODBYE PHILIPPINES!





"Paano pagbalik natin sa atin? Ganito pa rin ba tayo?" Tanong ko habang pigil ang hininga sa isasagot niya.



Natigilan si Franz sa tanong ko. Parang nag-iisip siya ng malalim. Kinaway-kaway ko ang kamay ko sa harap niya. "Hey! You ok?" Tanong ko sa kanya kasi parang nawala na siya sa sarili niya. Sobrang hirap ba talaga ng tanong ko?



Ngumiti siya ng pilit. "Ano nga ulit?" Tanong niya sa akin.



Napailing na lang ako. Nagaantay ako ng sagot niya, pero hindi niya pala ako narininig? "Ang sabi ko, paano pagbalik natin sa atin? Ganito pa rin ba tayo?" Ulit ko sa tanong ko.



Tumikhim muna siya sa isasagot niya. "What do you mean?" Kunot ang noong tanong niya.



"Iyong ganito. Close tayo, minsan sweet sa isa't-isa, at pinahahalagahan mo na ako?"



Naningkit ang mata niya. Ano namang masama sa tanong ko? May masama ba?

"Ano ka ba, Steph? Tingin mo ba, nagpapanggap lang tayo? Tingin mo ba, uma-acting lang ako? Model ako, Steph. Hindi ako actor. You know me better than anyone else. Hindi ka dapat nagtatanong ng nonsense!" Naiinis na sagot niya. Ang kilay niya ay halos maging isang linya sa bwisit sa akin.



Bakit? May nabanggit ba akong hindi maganda? Gusto ko lang naman ng malinaw ah?



**



AFTER A FEW WEEKS:



Papasok na kami sa airport. May 23 ngayon at two days from now ay ang fashion show nila sa California. First time kong makakarating ng California kaya excited na ako. Everything was settled by Lao Entertainment. Tickets, hotel accomodation, and transpo doon ay sagot ng Lao. All we need to do is sit back and enjoy.



Medyo maaga pa kami para sa flight namin kaya naupo muna kami dito sa loob. Kasama namin ni Franz sina Fatima, Ate Sam (PA niya), Ate Gi, Kuya Jo at Kuya Max. Si Ninong Lance daw ay susunod na lang sa mismong date ng show.



Hanggang dito sa airport ay may mga nagpapapicture sa kanilang dalawa. Wala namang nagkakagulo. Maayos naman silang lumalapit, ang iba ay autograph ang gusto. May nakita pa nga akong nagpapirma sa jacket na suot niya. Dami na talaga nilang fans, lalo na si Franz.



"Picture tayo." Nagulat ako ng bigla na lang akong tabihan ni Franz at kabigin palapit sa kanya. Hindi tuloy ako handa ng itapat niya ang camera sa aming dalawa. Hindi man lang ako nakangiti ng ayos.



"Ano ba yan? Ulitin mo, hindi ako nakangiti." Sabi ko sa kanya habang si Franz ay busy na sa pagkalikot sa cp niya. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong ini-enhance niya iyong pic namin. Napangiti na lang ako.



"Ako na kukuha sa inyo." Nakangiting offer ni Ate Gi sa amin. Narinig niya ata ang pinaguusapan namin ni Franz.


"Game na, Steph." Muli niya akong inakbayan. Para naman akong nanigas kasi iyong isa niyang kamay ay iniyakap niya na rin sa balikat ko. Akala mo naman mawawala ako


Nagflash ang camera ng celphone ni Franz, pero hindi na naman ako nakangiti. Busy kasi ako sa pagiinda ng nagsisimula na namang pagmamarcha ng aking puso. Tumatalon-talong pa nga ata eh.



"Patingin." Tumayo si Franz para kunin ang cp niya kay Ate at tingnan ang litrato namin. Ang kaso pagtayo niya ay siyang paglapit ni Fatima. Nabangga niya tuloy ito.



"Oppps!" Si Fatima.



Sinulyapan niya si Fatima. "Sorry, Fatima." Pagkahingi niya ng tawad ay hindi na niya ito tiningnang muli. Dumiretso siya sa nakatayong si Ate Gi.



Nagkatinginan kami ni Fatima. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marahil malungkot siya kasi feeling ko binabalewala siya ni Franz, o pinagseselos? Ewan ko, hindi ko maintindihan.



"Steph, naman hindi ka naka-smile eh." Maktol ni Franz habang pabalik sa upuan niya. Nadaanan niya si Fatima na parang inugatan na doon, pero ngumiti lang siya at nilampasan ito.



"Tingnan mo." Ipinakita niya sa akin ang cp niya. Bago ko tingnan ay sinulyapan ko si Fatima na mga ilang metro lang ang layo sa amin. Nakakaawa! Para siyang nalugi.



"Ulitin natin." Sabi ko na lang ng tumingin na ako kay Franz.



Ako naman ang natulala. Sobrang lapit na kasi niya sa akin, halos hibla na lang ng buhok ay mahahalikan ko na siya sa pisngi. Amoy na amoy ko ang bango niya. Iyong ilang buhok niyang tumatabing ng konti sa isang mata niya ay sadyang makalaglag panty! Hanggang sa iyong ngiti niya ay unti-unting nawala. Naging seryoso siyang nakatitig sa aking mga mata.



Ang mga paru-paro, napukaw na naman. Nagliparan! Marahil ay nabulabog dahil sa lakas ng dagundong ng puso ko.



"Picturan ko kayo." Napalingon kami kay Fatima na bahaw ang ngiti.



"Thank you!" Si Franz.



"Huwag na, Franz. Nakakahiya kay Fatima." Saway ko sa kanya pero kay Fatima nakatingin.



Pilit siyang ngumiti at kinuha sa kamay ni Franz ang cp ng huli. "Okay lang sa akin, Steph." Pilit ang sigla na sabi niya. Pero I know, deep inside, nasasaktan siya. Wala na akong nagawa ng itutok na niya sa amin ang cam ng cp ni Franz.


"Smile ah." Bilin ni Franz at tumingin na sa cam.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon