A/N:
Iyong chappy 55 po ay BS chapter kaya naka-private. Gusto ko lang masigurado na 18 years old pataas lang makakabasa. I don't want to pollute innocent minds. Nasa external link po siya. Iyong followers ko lang po makakabasa. Paki check na lang po sa table of contents sa pinaka-simula. O kaya external link sa side ----------->>>>>._______________________________________
STARRING 56
MABUTING USAPANMaaga kami nagising ni Franz. Namula pa ako nang magisnang nakaunan ako sa bisig niya at yakap niya ako ng mahigpit. Sinilip ko dahan-dahan ang sarili ko kanina at napangiti ako nang marealize na sinuotan na pala niya ako ng damit. Iyong t-shirt niya at panty ko ang suot ko. Si Franz naman ay naka-boxer lang pero may kumot naman kami kaya hindi siya nilamig.
Napakagat labi pa ako para pigilan ang kilig ng maalala ko ang nangyari kagabi. We almost did it. Kahit iyon ang nangyari, parehas naman naming narating ang climax ng tagumpay.
Ring ng bell sa labas ang naging dahilan kaya nagising na rin si Franz kanina. Sa pagmamadali niya ay nalimutan niya to put his shirt on. Kaya naka-boxer shorts lang siyang nagbukas ng pintuan ng suite. Sinundan ko siya para ihabol ang tshirt niya, pero nabuksan na pala agad niya ang pintuan.
Ang laglag pangang si Ate Gi tuloy ang nakita ko nang buksan nita ang pinto. Napatitig ito sa boxer shorts ni Franz, kaya nakita kong agad na tinakpan ni Franz ang gitna ng mga hita niya.
"Gi, baket?" Tanong ko mula sa likod ni Franz.
Sinilip ako ni Ate Gi at nanglaki na rin ang kanyang mga mata. Kumbaga sa gulat, doble gulat ang nangyari sa kanya. Makita ba naman akong naka-shirt ni Franz at panty lang eh. Pulang-pula tuloy ako sa hiya. Ako na, guilty!
"A-ah eh.. B-bakit ganyan ang itsura ninyo?" Sabi niya na akala mo eh sinaniban siya ng masamang espirito. Iyong dila ko, pakiramdam ko, naumid na at hindi na makapagsalita.
Hinila siya ni Franz papasok at isinara niya ang pinto. Mabuti na lang at ginawa niya kasi baka may dumaan at makita ang mga ayos naming dalawa.
"Ano bang ipinunta mo dito at binulubabog mo ang pagtulog namin?" Naiiritang tanong niya kay Ate Gi.
Ako naman ay lumapit kay Ate Gi at hinawakan siya sa siko. "Anong problema, Teh?" Tanong ko pa. Sumingit na ako kasi baka masigawan siya ni Franz.
Napakamot ng ulo si Ate Gi. "Kasi pinapasabi ni Sir Lance na ipaalala ko daw ang rehersal ngayong umaga para sa show mamayang gabi. Tumawag kasi siya sa akin kanina." Sagot niya at papalit-palit ang tingin sa amin ni Franz.
Magkasintahan naman kami ni Franz sa pagkakaalam nila, di ba? Eh bakit ba parang hindi talaga maka-get over si Ate na ganito ang ayos namin? Is she living during the Maria Clara Days? Hello! 20th Century na, no?!
Nilapitan ako ni Franz at inakbayan. Nagising na naman tuloy ang hindi matahimik kong puso na tumatalon tuwing didikit si Franz.
Mahinang itinulak niya si Ate palabas. "Oo, sige. Just give us an hour at bababa kami sa lobby. Maliligo lang kami." Malamig na taboy ni Franz.
Lumingon tuloy si Ate at napahawak sa bibig. "Maliligo kayo ng sabay?" Malisyosong tanong niya.
"Hindi noh!" Halos sabay pa kami ni Franz sa pagtanggi. Nagkatinginan kaming dalawa at parang mga baliw na nagkangitian. Parang kahit sa utak namin ay napagkokonek na namin ang isa't-isa. Inilapit pa ako ni Franz at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...