Starring 80

8.2K 165 48
                                    

A/N:

Mabilis ang aking readers participation. Na-reach agad ang comments at votes na kailangan ko kaya... ito nah!!

35 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE!

_________________________________________

STARRING 80

DAMSEL IN DISTRESS & PRINCE

Patuloy ako sa pagiyak ng may marinig akong mga batang naliligo sa ulan. Mabuti pa sila masaya at nakakatawa. Samantalang ako, parang nasambot na lahat ng problema. Pinanuod ko sila habang basang-basa na sa ulan. Nakakita kasi ako ng puno pero ng sumilong ako, wala ring nagawa ang mga dahon noon. Nababasa pa rin ako!

Napaiyak na naman ako dahil hindi na ako makaisip ng paraan. Ginaw na ginaw na ako. Kahit nanglalabo ang paningin ko ay napagpalinga-linga ako. Naalala kong may nadaanan kaming baranggay hall kanina noong papunta kami dito. Dahil sa naisip na pagasa ay tumakbo na ako para hanapin iyon.

Puro putik na ang nanginginig kong katawan dulot ng malakas na ulan. Dalawang oras na ang nakakaraan ay wala pa ring dumadating na sundo para sa akin. Hanggang sa 2 kilometro na ang nalalakad ko ng matanaw ko na ang hinahanap ko. Tumigil na ako sa pagiyak dahil naisipan kong eto na ang pagasa ko. Mangungutang na lang siguro ako para makauwi akong magisa.

Pagdating ko sa baranggay ay ginaw na ginaw ako. Dinaluhan agad ako ng mga tanod. "Anong nangyari, Miss?" Tanong sa akin ng kapitan.

"Naiwan po ako ng mga kasama ko. Ang akala po ata ay sa ibang sasakyan ako sumakay. Kami po iyong nagbigay tulong kanina sa Baryo Masaya." Giniginaw na sagot ko. "Pwede po bang mangutang ng dagdag pamasahe pauwi?" Tanong ko pa sa kapitan.

Nakangiting iniabot sa akin ng kapitan ang jacket ng uniporme niya. Agad ko iyong ibinalabal sa nanginginig kong katawan. Nabasa ko pa sa dibdib ng jacket na suot ko.. Baryo Malinis. Nasa kabilang baryo na pala ako kung ganoon. Umupo kami sa tabi ng lamesa niya sa loob nang tanggapan.

"Naku iha! Wala akong maipapahiram sa iyo. Pinakain namin iyong mga kapwa mo estudyanteng nagpunta rin dito kanina." Sagot ng kapitan. "May pera ba kayo?" Baling niya sa mga tanod. Tanging kamot sa ulo lang ang isinagot sa kanya.

"Sige na po. Nadukot din po ang cp ko sa court doon sa kabilang baryo. Pero hindi ko na po namukhaan ang kumuha. Parang awa na po ninyo, pautangin po ninyo ako." Pagmamakaawa ko pa.

Itinapat ng Kapitan ang telepono niya sa kanyang tenga. Marahil ay may tatawagan siya para tumulong sa akin. Pinapanuod ko pa lang siya nang may sumagi sa isip ko.

"Kapitan, patawag na lang po. Magpapasundo po ako." Sabi ko sa nanginginig na mga labi. Giniginaw pa rin ako.

Iniabot naman agad ng kapitan ang celphone niya. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Kailangan kong maalala kung anong numero niya.

09295484721.

The number you dialled is not available. Please check the number and dial again.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon