A/N:
Salamat sa dalawang loyal readers ko na sina :@QuelaiDublas at @mjvelasc0. Nagdedicate ako ng chapter nito para sa inyo. Salamat po!
_________________________________________________
STARRING 2
PICTURE PERFECT
Natapos na namin ni Franz iyong project namin. Medyo may mga inputs ding suggestion si Von habang ginagawa namin ito. Para ngang mas madami pang inputs si Von kesa sa akin eh. Kasi ako ay abala sa pagtunganga sa kagwapuhan ni Franz at sa pagsunod kung anuman ang iutos niya sa akin.
Sina Kyla naman at ang kaibigan niya ay nagsialisan na rin agad ng matapos silang mag-snack sa College Canteen. Marahil ay umuwi na iyon sa bahay nila. Hindi nga siya makatingin ng diretso sa amin ng dumaan siya kanina eh.
Nag-inat ako ng konti dahil pakiramdam ko ay masakit na ang likod ko kakaupo dito sa labas ng canteen. "Hayy! Kapagod!" Sabi ko pa.
"Saan ka naman napagod? Sa pagtatype ng one page?" Pang-aasar ng katabi kong si Von. Si Franz kasi ay sa tapat namin umupo. Mas gusto ko naman iyon dahil mas madali kong matanaw ang gwapo niyang mukha.
Ngumuso ako kay Von. "Hey! May ginawa rin naman ako ah?" Reklamo ko kay Von.
"Oo na. Meroon na kung meroon." Nakangisi pang sabi nito. Para bang labas sa ilong iyong comment niya.
Lalo tuloy akong napasimangot sa kanya. "Bakit ba parang may gusto kang tumbukin?" Medyo napipikon ng tanong ko.
"Kunyari ka pa. Si Franz kaya halos ang gumawa ng lahat, habang ikaw ay nakatang@ lang sa kagwapuhan niya." Tinitigan ko ng masama si Von dahil sa ibinulong niyang iyan sa akin. Nakakainis ang lalaking ito. Ang lakas ng pang-amoy! Pero kahit ganoon, hindi ako magpapahuli sa kanya. Hindi ako magbibigay ng rason para lalo niya akong asarin. Kasi naman kapag nangbubuset itong lalaking ito.... KINIKILIG AKO! :) Kinikilig ako tuwing itinutukso niya ako kay Franz!
"Nagtype naman ako ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko at sumulyap ako kay Franz sa unahan ko, na ngayon ay nagtetext ata sa celfone niya. Kaya pala hindi siya sumasali sa usapan namin ni Von ay dahil busy siya.
'Sino kayang katext nito?' Tanong ko sa sarili ko.
Napabalik lang ang tingin ko nang biglang kalabitin ako sa tagiliran ni Von. "Baka matunaw iyan." Bulong ng gunggong sa tabi ko.
Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko. Halos maging one line na siya. "Mapilit ka din eh, ano? Ewan ko sa iyo!" Balik bulong ko na kahit pigil na pigil ang inis, ay nakuha ko pang ngumiti kay Franz, na ngayon ay tapos na magtext at sa amin na nakatingin. Alam kong obvious ako, pero ayoko lang na inaasar ako ni Von. Kaya ko namang gumawa ng way sa sarili kong paraan. Lalo na at ang pagtingin kong ito ay wala namang kapalit. Ni hindi nga ako mapansin ni Franz kahit konti, maliban sa kaibigan niya ako.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...