Starring 17

12.8K 195 13
                                    

STARRING 17

SECOND KISS

"Hindi ko siya girlfriend..." Seryosong dagdag comment ni Von sa mic na nakatapat sa bibig niya. Ang mga kasama namin ay natigilan tuloy sa bigla niyang sigaw. Si Franz nakahalukipkip lang at deadma sa mga camerang kumukuha ng litrato niya. Pero lumapit na siya ng tuluyan sa amin.

"... Ito ang girlfriend ko.." Sabay kabig ni Von sa akin at kiss sa lips ng mabilis? Ohmaygad! What is happening?

Dug..

Dug..

Naginit ang buong mukha ko. Ang lakas ng tahip ng dibdib ko. Ninakaw ni Von ang first kiss ko? Laglag ang panga ko. Hindi ako handa sa ganitong pangyayari.

Sunod-sunod ang mga naging tanong sa kanya ng mga reporters. Ako naman ay parang iniwan na ng kaluluwa ko at natulala. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Napahawak ako sa labi ko. May first kiss na ako? Si Von ba talaga ito?

Bakit niya sinabing girlfriend niya ako? Wow! Ang gulo!!

"Totoo ba ito?" Hindi nakatiis na tanong ni Franz sa akin. Niyugyog niya pa ang balikat ko para makabalik ako sa realidad. Naninigkit ang mga mata niya sa inis.

"I'm sorry. Pero may tamang time para sa interview. Huwag dito. Pasensya na." Hingi ng paumanhin ni Tita Zyrah sa mga manunulat.

"Steph, anong ibig sabihin nito?" Mas may diin nang tanong ni Franz sa akin. Ang kanyang nag-aalab na tingin ay lubhang nakakatakot.

Hindi na ako nakasagot. Hinila na kasi ako ni Von palayo doon. Sumunod na kami kina Tito Zeon at ang buong family niya. Si Janelle ay nakitakbo na rin habang umiiyak. Naawa man ako sa kanya, dahil alam ko ang feeling nang ganyan, pero wala akong nagawa. Sumakay na lang ako sa kotse ni Von para din makaiwas sa mga manunulat. Tiyak nasa headline ng mga diyaryo ito bukas!

Sina Tita Zyrah, Vanity at Tito Zeon sa sasakyan nila sumakay. Si Franz ay sa kotse niya at isinabay na lang si Janelle na parang namatayan sa sobrang kakaiyak.

"Anong ginawa mo, Von?" Tanong ko sa kanya ng makabawi na ng pagkabigla. Umaandar na ang magkakasunod na mga sasakyan namin.

"Pag-usapan natin mamaya sa bahay." Sagot niya. Gusto ko sana siyang kulitin na ngayon na siya magpaliwanag. Pero inirerespeto ko na nagmamaneho siya. At kailangan naming magusap mamaya ng seryoso. Iyong walang manggugulo. 

'Anong bang gulo itong ginawa niya?' Tanong na alam kong kailangang masagot mamaya.

**

"I'm happy that finally, the two of you are together." Nakangiting sabi ni Tito Zeon sa amin matapos maipasok sa garahe ang dalawa nilang sasakyan na mga ginamit namin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon