A/N:
Please read MY ALIEN BOYFRIEND na nasa external link. Pagagandahin natin iyan.. 50 VOTES & 40 COMMENTS na po tayo kasi malapit na naman matapos ang kwentong ito. Dapat ay dalawang libro ito, pero pinagkasya ko sa isa. Baka kasi hindi mabasa ng iba.
_________________________________
STARRING 95
DISAPPOINTED
Antok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Kahit na ganoon ang aking pakiramdam ay agad akong napabalikwas ng bangon. Narinig ko kasi ang matinis na boses at katok ni ZL sa labas ng pintuan ng bahay.
"Mama.. Mama.. Mama.." Tawag siya nang tawag kaya nagmamadali na akong pagbuksan siya.
"Baby!" Masayang tawag ko sa kanya. Niyakap niya ako sa legs kong kapantay niya. Umupo ako para makiss siya sa pisngi. I miss my baby!
"Tinanghali ka ata ng gising." Puna sa akin ni Von.
Tumayo ako at inakay ang maliit na kamay ng aking anak. "Pasok ka muna. Bakit nga pala ikaw ang naghatid sa bata?" Nagtatakang tanong ko.
Sumunod naman si Von sa loob at umupo sa aming couch. "Ihahatid na sana ni Tito. Pero nang makita ko sila, sinabi kong ako na lang ang maghahatid kay Princess dito. Tutal ay Sunday naman ngayon at wala tayong pasok." Paliwanag ni Von.
"Ahh.. Kumain ka na ba?" Kapag kuwan ay tanong ko habang pinapanuod na binubuksan ni ZL ang remote ng tv para manuod ng Dora.
Umiling si Von. "Hindi pa nga eh. Ano bang breakfast mo?" Tanong niya pa sa akin.
"Wala pa. Ang totoo, nagising lang ako sa katok ninyo. Late na kasi akong dinalaw ng antok kagabi."
"Bakit? Dahil kay Franz? Anong napagusapan ninyo?"
Hinila ko siya palayo sa sala. Sa kusina kami dapat magusap dahil baka marinig ni ZL. Hindi ko pa naiisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na ang Papa niya ay ang tinatawag niyang poster guy o handsome boy kapag nadadaanan namin sa mall.
"Ako na ang magluluto ng breakfast. Magkuwento ka na lang." Volunteer ni Von habang kinukuha ang ham and eggs sa ref ko. Napakaswerte ko talaga kay Von. Spoiled na spoiled kami nang anak ko.
Umupo ako at naghalumbaba sa lamesa. Si Von naman ay abala na sa pagpiprito ng mga palaman sa tinapay. Lihim akong napangiti habang pinapanuod siyang naka-apron. Ang cute niya lang tingnan. Hindi nakakabawas ng kanyang kakisigan kahit may suot siyang ganyan. Ang tingin ko nga sa kanya ay napaka-hot pa rin. Napakaswerte ng babaeng mapipili ng bestfriend ko para ipagluto ng ganito tuwing umaga.
"So, anong napagusapan ninyo?" Sumulyap siya sa akin habang hawak ang siyanse. Lalaking-lalaki pa rin ang dating ng bestfriend ko. Ang gwapo!
Uminom muna ako ng tubig sa water dispenser. Pakiramdam ko kasi, hindi pa ako nagsisimula ay matutuyo na agad ang lalamunan ko. Umupo ako muli sa harap niya habang siya naman ngayon ay nakaharap na sa kanyang niluluto.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...