Starring 21

11.3K 190 11
                                    





STARRING 21

VON LEE, THE STAR

"Wow! What a surprise! Stephanie the goddess is here. Hello, Steph!" Sabi ni William Sy.



Napaawang ang mga labi ni Winnie sa sinabi sa akin ni William. Hindi niya ata akalain na kilala ako ng Briton na ito. Ngumiti ako at nag-"Hi!" kay William. Pero si Von, lalong nainis. Masama ang tingin niya kay William.



"You know her?" Hindi nakatiis na tanong ni Winnie.



Dahil hindi naman purong Filipino si William, napataas ang kilay niya kay Winnie. Halatang hindi niya kilala ito.



"You know what, Annoying Lady?" Halos mapatawa ako sa tawag ni William kay Winnie. "Sinong hindi makakakilala sa magandang ito? Kasama siya ni Franz Roff sa isang photoshoot. CEO from different companies were all pleading to sign her a contract." Sagot ni William na may halo pang accent habang nakahalukipkip.



"Maganda talaga ang girlfriend ko!" Galit na sabi ni Von kay William. Napakunot ang noo ni William. Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ni Von na girlfriend niya ako. Magpapaliwanag sana ako dahil sa nakita kong kalituhan sa kanyang mukha. Pero biglang nagtanong si Winnie.

"Kilala mo din si Franz Roff?" Tanong ni Winnie sa akin.




"Yeah. He is....." Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Von ng ibitin ko ang sasabihin ko. Natatakot siguro siya na sabihin kong crush o love ko. Pero ang totoo, iniisip ko ang english term sa salitang kababata. Hahaha!



"... He is my bestfriend." Iyon na lang ang sinabi ko. Hindi ko kasi maisip eh. Nakita ko naman na napangiti si Von sa sinabi ko.



Hindi na nakaimik si Winnie. Nagulat marahil na dalawang super sikat na icons sa mga teenager ngayon ay parehas malapit sa akin. Ako na nobody lang.



"Steph, the directors were trying to contact you. They were begging Franz to persuade you to be a model. Is it true that you're not interested?" Baling ni William sa akin. Nakangiti na siya.



"Hindi namin talaga siya papasukin sa limelight!" Sagot agad ni Von na may diin at seryoso ang mukha.


Pero nayanig ang aking sistema sa sumunod na sinabi ni William...

"Why not? Wait. Is he your boyfriend? I thought you're just his bestfriend?" Tanong sa akin ni William na hindi man lang tinapunan ng tingin si Von. Naku! Lalong magagalit si Von nito!



Kilala ko si Von. Alam kong sa itsura niya ngayon ay galit na iyan at nagseselos. Kinakabahan ako. Baka mamaya, tuluyang magalit ito at hiwalayan ako. Hindi ko kayang mawala sa akin si Von. Mahal ko na rin siya.



Kailangang magpaliwanag ako! Para maramdaman ni Von na seryoso na ako sa relasyon namin.

"William, boyfriend ko, Von Lee. Sweetheart, si William, kapatid ng girlfriend ni Franz." Sinadya kong tawaging Sweetheart si Von. Alam kong magbabago ang mood niyan. Mababawasan ang init ng ulo.


Hindi ako nagkamali. Gumaan na ang titig ni Von kay William at tumango na lang sa kanya. Seloso din pala si Von? Ngayon ko lang nalaman.



"Awe! May boyfriend ka na pala." Comment ni William pero nakangisi kay Von. Nag-aapoy na naman tuloy ang titig ni Von.



"Mukhang sikat ka pala sa mga kilalang tao, Stephanie." Sabi ni Winnie na ngayon lang ata nakabawi ng pagkabigla.



"Excuse us. May gagawin pa kami." Singit ni Von at hinila na ako palayo.



"See you later, Steph." Paalam pa ni William.



Kumaway na lang ako kasi nahila na ako ni Von palayo sa dalawang iyon. "See you later.. Tss!" Inis na bulong niya pero narinig ko.



Nakangiting huminto ako sa paglakad at humarap sa kanya. "Selos ka ata ah?" Pangaasar ko pa.



"Ayokong may lumalapit sa iyong ibang lalaki." Seryosong sabi niya.




Lalong lumawak ang ngiti ko. "Huwag ka nang magselos. I love you!" Malambing na sabi ko.



Napangiti na rin siya. Hindi niya siguro akalain na magsasabi ako ng ganoon. Sa dalawang buwan namin, siya lang kasi ang madalas mag-i love you.



"I love you, Steph!" Pagkasabi niya niyan, niyakap niya ako ng mahigpit. Walang pakialam sa mga nadismayang mga dalaga na nakatingin sa akin.



Mabuti na lang talaga at binuksan ko ang puso ko kay Von. Masarap pala na naririnig mong may nag-i love you sa iyo. Hindi tulad ng dati na hindi man lang pinapansin ni Franz kahit iyong I like you ko. Mas masarap talaga ang ganito. Iyong may nagseselos sa iyo dahil alam mong mahal ka. Kaya swerte ako talaga sa isang Von Lee.


The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon