A/N:
30 VOTES & 25 COMMENTS = UPDATE! Computer shop update. wala po akong signal. Nasira ang net namin sa bahay.
___________________________________________
STARRING 73
COUPLES ON THE RAMP
"Ayos ka lang ba, Steph?" Tanong sa akin ng magandang babae. Marahil ay napansin niya siguro ang pagkunot ng noo ko sa mga sinasabi niya. Ang totoo, pinagpapawisan na nga ako, kahit aircon pa ang Tokyo-Tokyo, dahil sa kakaisip kung kilala ko ba siya. Pero wala talaga akong maalala na nagkita na kami dati.
"Ah kasi.." Naisip ko nang magpakatotoo na hindi ko siya kilala. Ang kaso, hindi ko natapos dahil nasa likod ko na pala si Von.
Tumayo ang maganda at sexing babae. "Von!" Magiliw na bati niya at niyakap pa niya si Von. Naisip ko tuloy na baka kilala ko nga siya. Siguro ay na-meet ko na siya once. Kahit si Von kasi ay kilala niya eh.
Gumanti ng friendly hug si Von. "Fatima!" Narinig kong sabi niya. So, Fatima pala ang pangalan niya? Iniisip ko, pero parang ngayon ko lang narinig ang ganyang pangalan.
Umupo ulit iyong Fatima sa harap ko, samantalang si Von ay sa tabi ko. "Kumusta?" Nagkatawanan sila dahil sabay silang nagsalita.
"Ok naman ako." Sagot niya kay Von. "Nasaan si Franz, Steph?" Baling niya sa akin.
Ngumuso ako. Bakit sa akin hahanapin ang isang iyon? "I dunno." Simpleng sagot ko. Pinanuod ko lang silang dalawa kasi wala naman akong masabi. Hindi ko siya kilala.
"Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong niya na parang hindi makapaniwala.
Wow! Secretary ba ako ni Franz at parang malaking kuwestyon kapag hindi ko alam ang whereabouts niya?
"Hindi eh." Malamig na sagot ko.
Tinitigan ako sa mata ni Fatima na para bang binabasa niya kung seryoso ako. "Ganoon ba? Alam mo, parang may nag-iba sa iyo. Galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Huh?" Tanging nasabi ko. Bakit ako magagalit sa kanya eh hindi ko nga siya kilala?
"Ah kasi Fatima.." Singit ni Von. "May konting memory loss si Steph." Paliwanag pa niya.
"Ohmaygad!" Napahawak sa bibig niya si Fatima. "For real?" Tanong pa niya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Von.
"Oo eh." Amin ko sa nahihiyang tono.
"Buti at natatandaan mo ako?" Sabi pa niya. "Teka lang ha.." Tumayo siya at nilapitan ang kasama niyang babae. Maganda din iyong kasama niya. Nagusap silang dalawa hanggang sa tumango iyong babae at tumayo. Mukhang palapit sila pabalik sa lamesa namin.
"Hi! Von. I'm Kate. Co-model ako ni Fatima. Alam mo bang big fan mo ako?" Magiliw na sabi noong Kate. So, model pala silang dalawa. Naglahad pa siya ng kamay kay Von.
Si Von suplado talaga! Tiningnan lang iyong kamay niya. Humilig pa siya ng konti sa upuan ko. "Ganoon ba? Salamat. This is Steph." Tamad na pakilala sa akin ni Von.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...