A/N:
Maraming salamat po sa nagbasa, bumoto at nagbigay ng kanikanilang mga comment sa story na ito. Mamimiss ko kayong lahat. Noong una po ay ayaw ko na sanang ituloy ito, pero mabuti na lang pala at nagtiyaga ako. Dumami na ng dumami ang nagbabasa nito. Salamat po!
I would like to take this opportunity to plug my new stories:
1. MY ALIEN BOYFRIEND ( 60-65 CHAPTERS ) - COMPLETED Story po ni ZL Roff. http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend
2. THE MARRIAGE ( 20-25 CHAPTERS ) - COMPLETED Story ni Whimper at Lizzie. http://www.wattpad.com/story/15516268-the-marriage
3. A WEEK WITH THE STAR ( 20-25 CHAPTERS ) - COMPLETED Story ni Von Lee. http://www.wattpad.com/story/14512975-a-week-with-the-star
4. FOREVER WITH THE STAR ( 50-60 CHAPTERS ) - ONGOING. Part 2 ng AWTS
http://www.wattpad.com/story/17625859-forever-with-the-star-awwts-2
5. TROY'S ACHILLES ( 40-50 CHAPTERS )
http://www.wattpad.com/story/21200381-troy%27s-achilles
For the last time, VOTE & COMMENT naman po kayo. Maraming salamat po!
_____________________________________
STARRING 100
FRANZ' POV
Bata pa lang kami ay napapansin ko na noon ang kabigan kong si Steph. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko noon sa kanya dahil alam kong may pagtingin din sa kanya ang kababata naming si Von. Umiwas na rin ako dahil sa naduwag ako na baka hindi kami magkagustuhan at masira lang ang aming pagkakaibigan.
Kaya ginawa ko ang lahat para mapalayo ang loob namin sa isa't-isa. Naging cold ang treatment ko sa kanya. Hanggang sa parang nakasanayan ko na lang na iniinis siya at kinakawawa. Paraan ko iyon noon para mapansin niya. Ang sabi kasi nila, mas gusto daw ng mga babae ang mga lalaking cold-hearted.
Hanggang sa umabot na kami ng highschool. Noong una ay hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi ng aming mga kaklase na gusto rin daw ako ng babaeng matagal ko nang crush. Crush? Yes! Sa crush lang naman talaga nagsimula ang lahat. At dahil gusto kong makasiguro kaya mas pinag-igi ko pa ang pagsusungit sa kanya.
Minsan ay sinubukan ko kung totoo ang bali-balita. Medyo excited pa nga ako noon pero hindi ko pinahalata..
"Hoy Steph! Isara mo nga iyang bibig mo at baka mapasukan ka ng langaw!" Sigaw ko noon sa kanya. Nasa school kami noon sa ilalim ng malaking puno doon sa soccer field, at nagawa ng project namin sa Physics.
"Sorry!" Sabi niya habang pulang-pula ang kanyang mukha dahil ata sa hiya dahil hindi niya namalayang nakanganga siya dahil sa nakatitig siya sa akin. Sht lang! Hindi niya lang alam kung gaano rin ako kainakabahan noon. Nakakabakla. Ninenerbyos ako sa pinapakita niya dahil parang totoo nga ata ang balita.
"Pulang-pula ka oh..Hahaha!" Pilit kong idinaan sa pang-aasar ang sayang nararamdaman ko.
Medyo nakunsensya naman ako ng sabihin niya sa akin na, "Tigilan mo na nga ang pagtawa."
At dahil ayoko nang nabubuhayan ako ng pagasa ay itinago ko ang paghuhurumentado ng puso ko sa pamamagitan ng patuloy na paghalakhak. "Eh... eh.. kasi naman... para kang kamatis sa pula! Ahahahah!" Pang-aasar ko sa kanya. Pero sa likod ng isip ko, pinagdadasal ko na sana ay hindi rin ako mamula.
BINABASA MO ANG
The Star
Ficção AdolescenteAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...