Starring 83

7.8K 151 57
                                    

STARRING 83

DEBUT

First dance ko si Papa. Ang gwapo ng ama ko sa suot niyang barong. Halatang sa kanya ko nakuha ang taglay kong alindog. Hahaha! "Enjoy this day, Baby!" Malambing na sabi niya habang sumasayaw kami. Hinalikan niya ako sa cheeks.

Lumapit ang macho gwapitong si Sir Lance, kaya inabot na ako ni Papa para sa second dance ko. "Happy birthday, Stephanie! You look prettier today! Bumalik ka na sa pagmomodel." Sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Business minded po talaga kayo, Sir!" Sabi ko. Natatawa ako kasi hindi niya pa rin nakalimutang isingit ang tungkol sa paghawak niya sa career ko

Pumalit naman ang mabait at cute din na si Kuya Arthur. "Happy birthday, Miss Cruz!" Nakangiting bati niya na nagpangiti rin sa akin. Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag ako sa apelyido ko. May mga tumatawag sa akin na tulad ng doktor ko, na nagsasabing Miss Roff, na tingin ko hindi karapat dapat na tawag sa akin.

Sumunod ang masayahing si Jay na may tumatayong mga buhok. "Happy birthday! Wala na ba talagang pag-asa ang manok ko?" Nakangising tanong niya. Raged man ang dating ni Jay ay hindi mapagkakailang pogi rin siya. Mas lalong nakadagdag ng appeal niya ang pagiging moreno niya.

Natawa ako sa sinabi niya. "Manok mo? Si Von?" Tanong ko pa kahit alam ko namang siya talaga ang tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Kay Von ka na lang kasi. Mas gwapo naman kaming mga singers kesa sa mga models." Dagdag pa ni Jay. Palibhasa kasali siya sa banda ni Von kaya siya ganyan.

"I don't think so.." Singit ni William na susunod na pala para isayaw ako. Mahinang tinapik niya ang balikat ni Jay para kunin ako.

Napangiti ako ng hawiin niya ang ilang buhok ko na nahulog sa pagkakapusod. "Happy birthday! You look so hot today!" Nakangiting sabi ni William sa akin habang isinasayaw ako. Hawak niya ang isang kamay ko at ang isa ay ang bewang ko.

"Thank you! But hot?" Nakakunot ang noong tanong ko. Anong hot ang sinasabi nito?

"That.." Sabi niya sabay nguso sa cleavage kong medyo sumisilip nga sa gown kong hanggang sahig, pero may slit na hanggang itaas ng hita.

"Hala! Pinagnanasaan mo ako ah!" Biro ko sa kanya.

"Dati pa naman. Kaso ayaw mo sa akin eh. You only have eyes for Franz." Nakangiting balik asar niya sa akin.

I know, it's suppose to be a joke. Pero napawi ang ngiti ko. Kasi andito na naman ang isang taong magpapatunay kung gaano ko kamahal si Franz, habang ako ay walang maalala. Tapos ngayon kailangan na naming harapin ang usaping annulment. Gusto ko ba talagang matanggal na ang apelyido niya sa akin?

Tinapik na ng 6th dance ko ang balikat niya at nakangiting kinuha na ako ni Pooch. "The birthday girl!" Palatak niya. Napangiti na lang tuloy ako ng tipid kasi nag-bow pa siya muna sa harap ko. Halos semi-kalbo si Pooch kaya nae-enhance noon na mapansin ang mahahaba niyang pilik mata. Mahaba pa nga ata kesa sa akin eh.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon