Starring 45

10.3K 156 9
                                    



STARRING 45

SHE'S BACK!




Ring ng fone ni Franz ang gumising sa amin kinabukasan. Parehas kaming naging mahimbing ang tulog. Kapag iniwasan mo pala ang mag-isip ng kung anu-ano ay papayapa din ang tulog mo? Iyon kasi ang ginawa ko kagabi. Hindi ko na muna inisip ang mga tanong sa utak ko at ini-enjoy muna ang pagtulog habang magkayakap kami ni Franz.




Pikit pa ang mata ni Franz pero kinapa na ng kaliwa niyang kamay ang cellphone niyang napakaingay. Ang kanan niya kasing braso ay iniunan ko at nakayakap sa bewang ko. Habang ako naman ay nakadantay ang isang hita sa legs niya.




"Hello." Narinig kong malat pa halos ang boses niya ng sagutin ang fone. Halatang bagong gising. Ako naman ay nakatitig lang sa gwapo niyang mukha at nakadantay pa din.




"Opo.... Sa bahay po... Natutulog pa din po kami... Naku! Hindi po, Ninong!" Narinig kong sagot niya sa kabilang linya. Malamang si Ninong Lance ang kausap nito. Sa ganitong kaaga?



Nakapikit pa rin si Franz kaya hindi niya alam na nakatitig ako sa kanya mula kanina. "Sige po.. Dito po sa bahay... 20 minutes po. Matagal po kasi siyang magbihis..." Pagkasabi niya noon ay eksaktong ibinukas na niya ang kanyang mga mata. Medyo nagulat ako nang ang titig ko agad ang nahuli niya. Natigilan ako. Nahihiya kasi ako. Baka isipin ni Franz na pinagnanasaan ko siya kaya ko tinititigan. Hindi naman, medyo lang.




Napasunod na lang ako nang kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at bigyan ako ng isang mabilisang halik sa pisngi. Alam kong namula ako. Ang aga-aga ay ang lakas magpakilig ni Franz. Tssk.. Tssk.. Wala na akong kawala nito. Nahuhulog na naman talaga ako sa kanya!




"Bye po." Paalam niya sa kausap habang hindi na inihiwalay ang titig sa aking mga mata.




"Ano daw iyon?" Tanong ko sa kanya na bahagyang nakatingala. Ang tangkad niya kasi talaga!



Pinisil niya ang pisngi ko. "Steph, kailangan kong magready na. Within 20 minutes ay magkikita kami ni Ninong Lance diyan sa malapit na coffee shop na paborito niya. May importante daw kaming pag-uusapan." Nakangiting sabi niya. Mabuti na lang at binitawan na niya ang pisngi ko. Nakukuryente kasi ako at gumagapang hanggang batok ko.



"Ganoon ba? Hindi ka na magbebreakfast?" Tanong ko.



Umiling siya. "Mamaya na siguro." Sagot niya at niyakap ako ng mahigpit gamit ang dalawang kamay.



Itinulak ko siya ng bahagya. Late na siya ay naglalambing pa kasi eh. "Franz, malelate ka. Magready ka na." Paalala ko sa kanya nang nakangiti.



"Oh sige. Pupunta ka ba muna sa inyo?" Tanong niya habang bumabangon na kami sa kama. Mabait iyang si Franz. Nagtutupi iyan ng kumot kada babangon siya. Masinop na asawa.



"Oo. Doon na muna ako sa amin. Nahihiya akong magantay dito sa inyo." Sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin niya.



Medyo natigilan ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Umagang-umaga ay nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko.




"No, Steph. You will come with me. Maligo ka na dahil isasama kita." Halos paos pa rin ang boses niya.



Nagwawala na naman ang puso ko. Konting lambing lang ni Franz ay lumalagabog na agad ang tibok ng puso ko. Hindi ko na mapigilan. Hindi ko na kayang hindi maapektuhan. God knows kung gaano ko siya ka-gustong tanungin. Pero pinipigilan ko because it might just ruin the moment at hindi ko kayang mangyari iyon.



Humarap ako at napaatras sa kanya kaya nabitawan niya ang bewang ko. "Kasama pa ako?" Hindi naman sa ayaw ko, nagsisiguro lang ako.



"Bakit? Ayaw mo?" Diretso sa aking mga matang tanong niya.




Syempre gusto ko! Pero gusto ko lang makasigurado. "Okay lang." Simpleng sagot ko.



"Then good!" Nakangiting sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ligo ka na o gusto mo sabay tayo?" Mapanuksong sabi niya.



Umalis agad ako sa pwesto ko. Maygad! Franz is such a flirt! Nahahalata na naman ba niyang nagkakagusto ako sa kanya kaya pinagti-tripan niya ako ng ganito?



"No. Wala akong damit. Sa bahay ako maliligo." Mabilis na sagot ko. Imagining the two of us taking a bath together, with all our nakedness sends shivers to my spine. Kinikilabutan akong hindi ko maintindihan.



Lalong ngumisi siya. Iyon bang parang ngiting tagumpay dahil napatunayan niyang apektado na naman ako. "Eh kung may damit ka pala dito, dito ka maliligo? I would love to take a bath with you. Sasabunan kita, sasabunan mo ako... Aray!" Napangiwi siya.



Hindi ko na kaya ang kamanyakang sinasabi niya kaya sinapok ko siya sa braso. Nilakasan ko kasi naman, sobrang tigas ng muscles ng STAR na ito.



"Hindi ako magsosorry because you deserve it! Uuwi muna ako at maliligo! Buset!" Naiinis na sabi ko at iniwan siya doong humalakhak sa akin.



Lokong Franz iyon ah! Pinagtawanan pa ako? Nahahalata ata ako kaya lalo akong inaasar ng isang iyon.


Pagbaba ko sa sala nila ay naabutan ko ang mga inlaws kong nagkakape. Inalok nila ako pero tinanggihan ko at sinabing may lakad kami ni Franz. Pagkatapos kong humalik sa mga pisngi nila ay lumabas na ako ng magarang bahay nila para maligo sa amin.




Pagtawid ko ay natanaw ko si Von sa may garden nila na tahimik na nakaupo at parang nagkakape. May kung anong nagbulong sa akin na puntahan muna siya sandali para kumustahin. Sandali lang naman iyon. Saka bibilisan ko na lang mamaya ang paliligo.




Pinapasok naman ako syempre ng guards nila sa gate. Syempre naman kilala na nila ako dahil simula pagkabata, iyong isa sa kanila ay gwardiya na nila.



Napalingon sa direksyon ko si Von ng marinig ang yabag ko. Iyong malungkot niyang mata ay unti-unting napangiti na rin kasabay ng mga labi niya. Tumayo siya at sinalubong ako.



"Kumusta ka na? Magaling ka na?" Nakangiting tanong ko.



"Medyo. Pero gagaling na rin ako kasi nakita kita." Nakangiting pambobola niya.



Napangiti lang ako sa narinig ko. Kung dati ay kinikilig ako sa mga banat niyang ganyan, ngayon ay parang nakakapagpangiti na lamang sa akin. Mukhang back to square one na naman ang puso ko. Nawawala na ata ang feelings ko sa kanya at nababaling na kay Franz. Pero mahigit isang buwan palang ang nakakaraan ah?



"Sige, Von, kinamusta lang kita. Aalis na ako may lakad kami ni Franz eh." Paalam ko sa kanya. Naku! Kumain na ata ako ng 15 minutes. Baka malate kami nito.



Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng mga ngiti niya sa labi. Napalitan na naman ng lungkot ang kanyang mga mata. Parang pinipiga naman ang puso ko sa nakikita. Siya ang maysabi na ayaw niya ng umasa, pero bakit parang apektado siya?



"S-sige." Sobrang lungkot ang expression niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Kahit paano ay matimbang rin sa akin si Von kaya hinawakan ko siya sa siko. Pinigilan ko ang tuluyan niyang pagtalikod pabalik sa upuan.



"Magpagaling ka." After kong sabihin iyan ay ramdam kong napatigil panumandali ang kanyang paghinga. Niyakap ko kasi siya. Yakap na may kalakip pa rin namang pagmamahal. Pagmamahal na more than friends, pero less than for a lover. Basta ang alam ko, love ko siya. Pero love na hindi na iyong tipong nakikita kong kasama ko siya sa buong buhay ko.



Sino na nga ba ang gusto kong makasama pamgmatagalan? Si Franz na ba? Si Franz na base sa galaw niya ay parang mahal na ako? Pero wala pa naman akong naririnig na kompirmasyon mula sa kanya.



Napangiti si Von sa ginawa ko. Inihatid niya ako hanggang gate nila habang nakaakbay siya sa balikat ko. Wala naman sigurong masama kung akbayan niya ako. Hindi lang naman kami ang magkaibigan na nagaakbayan.



"Ingat." Sabi niya na may ngiti sa mga labi. Parang may nabunot naman sa aking tinik ng makita kong napangiti ko siyang muli.



"Bye." Paalam ko sa kanya. Pero pagpihit ko papunta sa amin ay parang nakita ko sa taas na bintana ang pigura ni Franz. Iyong bintana na salamin ng kanyang kwarto.




Ibinalik ko ang tingin ko sa taas at nakita kong masama ang tingin niya sa akin. Seryosong-seryoso ang kanyang titig. Wala naman akong ginagawang hindi maganda, pero parang naguiguilty ako. Kaya nagmamadaling nagiwas ako ng tingin at umuwi na para makaligo.




Nakita niya ata ang eksena namin ni Von? Gaano na ba kasi siya katagal na nakasilip doon?




**



Kasalukuyang sumakay na ako sa kotse ni Franz. Tapos na akong maligo at magbihis. Nagpaalam na rin kami kanina sa parents ko at sa parents niya na didiretso na kami sa condo namin mamaya.



Tahimik na Franz ang napasukan ko sa passenger seat sa unahan. Seryoso ang kanyang mukha at malalim ang iniisip. Sa unahan lang siya nakatingin pero hindi pa kami umaandar.



"S-sorry nalate ako." Hingi ko ng paumanhin because I know na 10 minutes na akong late.



Madilim ang kanyang tingin ng tumitig sa akin. Hindi niya inintindi ang paghingi ko ng sorry. "Are you cheating on me?" Seryosong tanong niya.



Napalunok ako sa kaba. Ano bang pinagsasabi niya? "Cheating na papaano?" Nakuha ko pang itanong.


Nagtangis ang bagang niya. Halatang mas naiinis. "You and....Von. I saw you, Steph!" Medyo matigas na niyang sabi.




Hindi ko alam kung bakit parang kabado ako kahit wala akong ginagawa. Pero bakit nga ba siya nagagalit?



"Bakit ka ba nagagalit? Kinamusta ko lang siya ah. Hindi naman kami naghalikan tulad natin kagabi!" Halos batukan ko ang sarili ko sa nasabi ko. Bakit kailangan ko pang i-open ang nangyari kagabi? Baka isipin niya na hindi ko malimutan. Nakakahiya!



Napabuga lang siya ng hangin at pinaandar na ang sasakyan. Ang lalim pa rin ng iniisip niya. Iyong isa niya lang kamay ang nasa manibela. Iyong isa ay nasa lips niya habang nakapatong ang siko sa may bintana.



"Franz." Tawag ko sa kanya. Masyado kaming masaya kagabi kaya ayokong magaway kami ng ganito.



"Franz, nagseselos ka ba?" Hindi ko mapigilang tanong.



Hindi siya sumagot. Nanatili ang madilim niyang mukha. Galit talaga! Hindi ko tuloy namalayan na nasa parking space na kami at baba na.



"Sorry na kung nagselos ka." Sabi ko pa. Wala naman kasi akong maisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganito kundi selos.



"Ako, nagseselos?" Sa wakas ay nagsalita din siya ng makababa na kami ng kotse. "I'm not! Why should I?" Matigas na tanggi niya.



Naiinis na pumasok na ako sa loob ng coffee shop at hindi ko na siya inintindi. Kung hindi, eh di hindi! Kahit naguguluhan ako kung bakit ganoon siya, pagsinabi niyang He's not, maybe it's something else na hindi niya masabi. Bakit ba kay Fatima sobrang vocal niya dati? Sa sitwasyon namin ngayon, parang nabubuhay kami sa mga puzzle at riddles niya?



Medyo sira na rin ang mood ko nang lumapit kami sa mesa ni Ninong Lance. Hahalik na sana ako sa pisngi niya ng matigilan ako. Nakaupo sa tabi niya si Fatima! Bakit siya naandito? Natigilan din tuloy si Franz at halatang hindi komportable ng nagmanly-hug sila ni Ninong. Hindi ko alam kung paano babatiin si Fat.



"Hi!" Siya na ang unang bumati sa akin.



"Hello!" Pilit akong ngumiti sa kanya habang umuupo sa tapat ni Ninong.



"Long time no see, Franz!" Masiglang bati niya kay Franz.



"Yeah." Iyon lang ang naisagot niya at umupo naman siya sa tabi ko, sa tapat ni Fatima. Gad! I don't like the atmosphere! Para kaming igigisang tatlo. At ang titigan nila, it kills me! Parang iyong mga paru-paro ay isa-isang namatay sa loob ng sikmura ko.


The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon