A/N:
Yess!! Ayan na.. 35 VOTES + 30 COMMENTS po agad kasi tayo para mabilis ang UPDATE..Huwag kayong mawalan ng pag-asa, dear readers.. hahaha!
__________________________________
STARRING 84
MEMORABLE NIGHT
"Franz, I'm pregnant!" Lumuluhang sabi ni Fatima na naging dahilan ng aking paghawak sa aking bibig para maiwasang makalikha ng tunog. Ayokong makagawa kasi ng ingay. Pero ang puso ko, parang sumisigaw! Kaya mas minabuti ko nang maglakad ng tahimik palayo sa kanila.
Nang makapasok ako sa loob ng pavilion ng debut ko ay dumiretso ako sa restroom at doon umiyak ng umiyak. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan ayos na kami? Buntis si Fatima? Paano na? Kailangan ko bang makipaghiwalay sa kanya para hindi maging bastardo ang anak nila?
Isipin ko pa lang na ikakasal siya kay Fatima, kahit pa para sa bata, ay parang sinasaksak na ang puso ko! Damn!
Pugto na ang mata ko nang lumabas ako ng restroom. Dumiretso ako sa mesa ni Von. Kailangan ko nang kausap. Pakiramdam ko kasi ay mabubuwang ako kung hindi.
"Umiyak ka?" Concern na tanong ni Von.
Iyon agad ang tanong niya ng umupo ako sa tabi niya. Hinaplos niya ang likod ko kaya napaiyak na naman ako. Bakit kaya kapag may nagko-comfort sa iyo ay mas lalong parang ang sarap maawa sa sarili? Yumakap na lang ako ng mahigpit sa kanya.
"Steph, bakit? Anong nangyari?" Alalang-alalang tanong niya. Pinunasan niya ng daliri ang mga luha ko. Ganito na lang ba ang papel niya palagi sa akin? Lagi na lang siyang taga punas ng luha ko? Mabuti na lang at busy ang iba sa party kaya hindi kami pansinin.
Sasabihin ko ba ang narinig ko? Kung sasabihin ko, magkakagulo sa birthday ko. Lalo na at kay Von pa ako magsusumbong. Tiyak na magiging marahas ang reaksyon ng isang ito.
Umiling ako. Tinitigan ko siya. "H-Happy lang ako dahil nagkaayos na k-kami." Sabi ko. Ayos na sana eh. Kaso pumiyok pa rin ako ng konti.
Nakangiting hinaplos ni Von ang kamay kong nasa kandungan ko. "Sana ay ako na lang ang iiyakan mo ng ganyan." Sabi niyang nakangiti pero puno ng lungkot ang boses. Marahil ay naniwala siya na naiiyak ako sa saya. Kung alam lang niya sana.
Hindi! Hindi ko gustong si Von ang iyakan ng ganito. Si Von ang makabuntis ng iba? No way! Masakit din iyon. Hindi man kasing lalim ng sakit ngayon para kay Franz, pero isipin ko pa lang na kung si Von iyon, masakit pa rin. Ngayon ko lang narealize, I was equally possessive with the two of them. Ayoko silang i-share sa iba.
"Mas magandang nakangiti ako para sa iyo, Von." Sabi ko pilit na ngumiti. I need to look ok. I know, I'm hurting. Ayokong madama rin iyon ng mga taong importante sa akin. Pero nyeta! Hindi ako talaga ok! Dumudugo ang puso ko!
"Steph!" Matigas na tawag ni Franz na ngayon ay nasa tabi ko na. Halos tumalon ang puso ko palabas ng marinig ko siya. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano sila haharapin ni Fatima matapos ang natuklasan ko.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...