STARRING 32DANCING AT INFINITY BAR
"Iisa kami ng inuuwian." Sagot ni Franz na wala sa sarili na ata.
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Franz. "ANO??" Halos sabay-sabay na tanong nila. Patay na! Mabubuking na atang mag-asawa kami. Ang daldal naman kasi nitong si Franz kasi! Kainis. Paano na ito?
"Iisa kami ng subdivision na inuuwian. Magkatapat ang bahay namin, hindi ba, Franz?" Baling ko kay Franz na nanglalaki ang mata. Sana naman makuha niya ang mensahe ko na sakyan niya lang sinabi ko.
"Talaga? Eh hindi ba magkapitbahay daw sina Franz at Von? That means magkakapitbahay kayo?" Curious na tanong ni Dianne sa akin.
OMG! Von na naman! "Oo. Magkatabi ang bahay namin ni Von at katapat ng bahay namin sina Franz. Magkababata kami kaya hanggang ngayon, friends kami ni Franz." Sagot ko naman.
Namilog ang mata ni Troy. "Wow! Kaya pala kasama ka niya ngayon, Steph?" Tanong pa niya sa akin.
"Oo. Tutal sembreak naman kaya sumasama ako sa mga lakad ni Franz." Paliwanag ko sa kanila.
"Pero diba girlfriend ka ni Von Lee?" Tanong sa akin ni Ayvee.
Nagkatinginan kami ni Franz. Ito na naman ba kasi ang topic? Kailangan bang laging kabuntot ng pangalan ni Von ay ako bilang girlfriend niya? Sabagay, ipangalandakan niya nga naman sa publiko, hindi ba? Naalala ko tuloy ang interview na iyon. Iyon ang naging simula ng relasyon namin ni Von.
Nang mapansin nilang hindi ako makasagot ay tinapik ako ni Ayvee. "Hey Steph, girlfriend ka di ba ni Von?" Ulit niya sa tanong niya.
Bubukha na sana ang bibig ko para sagutin kaso biglang nagsalita si William. "Break na sila." Sagot niya.
"Naging kayo pala?" Bulong ni Troy sa akin. Tumango lang ako. Saang planeta ba siya nakatira at hindi niya alam?
Pero si Dianne, bitin pa din sa pangungulit. "Sayang! Bakit kayo nagbreak? Ang yummy pa naman ni Von. Alam mo bang crush na crush ko iyon? Kinukulit ko nga ang manager ko na ipartner ako sa kanya sa music video nila." Excited na kwento pa niya. Pero ako, parang may kumurot sa puso ko ng marinig na may ibang babaeng humahanga kay Von.
Nagulat kami ng biglang ibagsak ni Franz ang baso sa lamesa. "Wala bang ibang topic?" Parang iritable niyang tanong. Well, I must say, sangayon ako sa kanya. Ayaw ko muna kasi pagusapan si Von.
"Oh.. Nagagalit ang poging si Franz." Humilig pa ng konti si Ayvee sa balikat niya. Pss.. Kung alam niya lang kung gaano kasungit iyan.
Sumingit naman si Dianne. "Balita sa diyaryo break na kayo ni Fatima. Totoo ba?" Tanong niya kay Franz. "Totoo ba iyon, William?" Baling pa niya kay William. Model ba talaga si Dianne o reporter?
"Yeah." Simpleng sagot ni Franz sabay lagok noong shot na dapat ay sa akin na naman sana.
"Pero ok naman kami na ni Franz." Singit ni William kahit walang nagtatanong.
Umakbay si Troy sa akin. "So, available pala ang magkaibigan na ito?" Sabi niya sa mga kaharap referring to me and Franz.
"Gusto mong turuan kitang kalimutan si Fatima?" Malanding tono na tanong ni Ayvee. Napaismid naman ako sa kanila. Isang babae na naman ang nabulag ng supladong ito.
Napatingin sa akin si Franz pero umiwas lang ako ng tingin. Si William naman ay napangisi lang at parang sport naman siya sa sinabi ni Ayvee. Si Troy ay napatawa lang habang akbay pa din ako.
"Oy! Naghahapit ka ba?" Biro ni Dianne kay Ayvee sabay hampas sa braso ng huli.
"Let's dance!" Yaya ni Troy sa akin. "Liligawan kita ha?" Nakangiting sabi pa niya. Hindi ko alam kung biro lang pero tinawanan ko lang.
Tinapik ni William ang kamay ni Troy na nasa balikat ko kaya nabitawan ako ng huli. "Ako ang mangliligaw kay Steph." Sabi ng una at nakatitig pa sa aking mga mata.
Umiwas naman ako ng tingin. Magpapaligaw ako ay may asawa na ako? Napatingin ako kay Franz pero nakahalukipkip lang siya.
"May the best man win!" Nakipagkamay pa si Troy na tinanggap naman ni William.
Tumayo si Dianne at itinaas ang mga kamay. "Teka! Ang tanong, ok lang ba Steph na mangligaw sila?" Nakangiting tanong niya sa akin. Lahat tuloy sila ay nakabaling sa akin. Mga nakangiti maliban kay Franz na salubong na salubong ang kilay. Well, paki ko sa kanya!
Napansin ata nila na nagkatinginan kami ni Franz. "Ok lang ba, Franz? Alam nyo kasi over protective iyang si Franz kay Steph eh." Sabi naman ni William.
Napataas ang kilay ko sa kanya. Nasisiguro kong hindi iyan papayag dahil gusto niyang siya lang ang pagsisilbihan ko. Pero ayaw ko din naman makipagnobyo muna kasi mahal ko pa din si Von. Saka hello? Paano naman eh kasal na kami?
Tumikhim muna si Franz bago sumagot. "Bahala siya. Kung anong pasya niya. It's her life after all." Wow! If I know, ayaw niyan. Hindi dahil sa asawa niya ako, kundi dahil hindi na ako full time na magiging alila niya. Iyon naman talaga turing niya sa akin, hindi ba?
"Ano na, Steph? Ok lang ba?" Tanong ni Troy sa akin.
Gusto kong inisin si Franz. Gusto kong isipin niya na mawawalan na ako ng time sa kanya. "Oo naman!" At ngumiti ako hg ubod ng tamis sa kanila. Pero nang mapatingin ako kay Franz, na nakasimangot, ay inirapan ko lang siya.
"Wow! Ganda ni Steph! Cheers!" Parang lasing na toast ni Dianne.
"CHEERS!" At sabay-sabay kaming nagcheers ng mga baso namin kanina. Si Franz ay nakasimangot pa din, pero napilitang makipag cheers na rin.
"Ha! Ha! Ha!" At bumaha ng tawanan sa lamesa namin. Lahat ay nagtatawanan maliban kay Franz. Kj talaga ang lolo ninyo!
"Sayaw tayo!" Hinila nina Troy at Ayvee ang grupo para sumayaw sa gitna.
Gumawa kami ng isang malaking bilog. Bale ako, si Troy, Dianne, Franz, Ayvee, at William. Sa kanan ko si Troy at sa kaliwa ko si William. Tawanan kami ng tawanan habang sumasayaw. Enjoy na enjoy ako. Parang nalimutan ko kahit sandali ang problema ko. Ang saya!
Patalon-talon pa kami nina Troy at Ayvee. Feel na feel kong irelease lahat ng tensions ko. Parang napakahaba ng araw na ito at puro problema, kaya ngayon, nilulubos ko ang magenjoy.
Hanggang sa maisipan namin na isa-isang magsoshow down sa gitna. Ngayon palang ay excited na ako. Talent ko din kasi ang dancing. Nung highschool kami ay palaging kasali kami ni Franz sa mga dance groups. Madalas kaming magkagrupo, habang si Von ay supporter lang namin. Parehas kasi kaliwa ang paa noon.
Nauna si Dianne na gumiling sa unahan. "Go Dianne!" Ang sigaw namin.
Hinatak niya si William sa gitna at sinayawan niya. Natatawa kami kasi wala sa tono ang indak ni William habang nakakapit sa bewang ni Dianne. Lahat kami ay natatawa. Pati si Franz ay parang nakalimutan ng sumimangot.
"William! William!" Cheer namin kay William. Medyo nakakakuha na kami ng attention sa mga ibang nagsasayaw dito sa second floor. Saka mga magagandang modelo ba naman ang makita nilang nagsasayaw eh, mga sikat pa. Kaya iyong iba, tumigil na at nanood na lang samin habang pumapalakpak kasabay ng beat ng music.
Halos sumakit ang tiyan ko sa steps ni William na running man at rogger rabbit. Mabentang-mabenta sa crowd. Biruin mo nga naman isang ramp & commercial model sa tv ganito sumayaw? Naghihiyawan na! Iyong mga nasa baba nga ay pumatong na sa mga lamesa para makapanood sa amin. We rocked the bar!
Change of music at Booty Music naman ang tinugtog. Bumalik na sa pwesto niya si Dianne. Hinila ni Will si Ayvee sa gitna at sinayawan. Si Ayvee naman ay game na game na ikinawit pa ang isang binti sa binti ni Will at saka sumabay sa pagsayaw. May pa dipdip pa silang nalalaman.
"WOOOH!" Sigaw ng crowd.
"Ayvee! Ayvee!" Cheer namin.
Magaling sumayaw si Ayvee. Iniikutan pa niya si Will. Dalang-dala niya si Will kahit wala sa tono ang steps ni Will. Ang saya talaga!
Umalis si Will at hinatak ni Ayvee sina Franz at Troy. Nagsigawan ang tao ng makilala si Franz. Hindi lang kasi ramp model si Franz, print add din tulad ni Ayvee, at commercial model tulad ni William.
Isinabit ni Ayvee ang kamay niya sa magkabilang balikat ng dalawa at nagbooty shake na. Si Troy ay magaling din palang sumayaw. Habang si Franz naman ay umiindak-indak lang ng konti. Ayaw pang sumayaw ng ayos eh. Namimiss ko na din siyang makitang sumayaw ng todo. Ngayong college kasi kami ay hindi na siya nakakasali sa dance groups.
"Ohhh! Shake it!" Sigaw ng crowd. Parang tumigil ang oras sa loob ng bar. Nasa amin na ang lahat ng attention ng mga kabataan. Sa ibaba o sa itaas, ang lahat ay nanonood na.
"FRANZ!" Sigaw ng mga kabataang babae habang ginigilingan ni Ayvee si Franz. Nagtilian pa lalo ng nakapatong ang kamay ni babae sa chest ni Franz na bakat sa V-neck shirt niya. Ang ganda ng katawan talaga ni Franz. Halatang-halata na nagwoworkout siya.
Tapos ay umikot si Ayvee at si Troy naman ang sinayawan. Nakahawak sa balakang ni Ayvee si Troy habang si Ayvee ay nakasabit ang mga kamay sa batok.
"Go! Go!" Ang cheer naming tatlo sa kanilang tatlo.
Ako na lang ang hindi sumasayaw! Tinugtog na ang Zumba Songs na sikat ngayon. Nagsigawan pa ang mga tao dahil sikat ito sa mga kabataang aware sa paggygym.
"Halika." Hila sa akin ni Troy. Ngayon ay apat na kami na sumasayaw sa gitna.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...