Starring 94

8.2K 218 45
                                    

A/N: 

Salamat sa mga nakakaunawa nang aking feelings. Salamat sa mga nagvovote at nagcocomment. May teaser po ang next chapter sa facebook page na Angelmelay Wattpad. Paki basa na lang po at paki like iyong mismong page na AngelMelay Wattpad. Nasa external link po iyan. 

40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE!

_____________________________________

STARRING 94

WE NEED TO TALK

Tumayo si Franz at nakipagmanly hug kay Von. All these years ay hindi pa rin nagbabago ang closeness ng dalawa.

"Dude, kumusta?" Sabi niya habang umuupo sa tabi niya si Von.

"Mabuti. Kelan ka dumating?" Tanong ni Von sa kanya habang pinapanuod ko lang sila.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay nagdodobol vision na ako. Napadami nga ata ang nainom ko. Gusto kong magpasalamat kay Von dahil naitanong niya ang gusto kong malaman mula kay Franz.

"Kaninang umaga." Tipid na sagot niya.

'Dito na ba sila for good? Kasama niya ba si Fatima? Nagpakasal na ba sila?' Mga tanong sa isip ko na ipinapanalangin kong itanong ni Von sa kanya.

"Anong nangyari sa iyo, Steph?" Baling sa akin ni Von gamit ang mapanuri niyang mata. Hinubad niya ang kanyang coat at ibinalabal sa akin. Basa kasi ang dibdib ko ng shot na pinigilan ni Franz kanina. Alam kong tinitingnan niya akong mabuti kung ano ang reaction ko ngayong kaharap na namin si Franz.

"Nagsuka ako." Nahihiyang amin ko. Nanghihinayang ako dahil hindi nasagot ang mga tanong na doon sa mall ko pa naisip noong isang araw.

"Hindi mo siya dapat hinahayaang mag-isa, Dude." Sabi ni Franz sa kanya.

Bakit ganoon? Siguro ay concern lang sa akin si Franz bilang kababata. What is wrong with that? Pero ang letche kong puso, parang binibigyan ng kahulugan na baka may timbang pa rin ako sa puso niya bilang babae. Stupid right?

Hinaplos ni Von ang buhok ko. "Sabi ko naman sa iyo sasamahan kita eh." Malambing na sabi ni Von.

Hindi ako makasagot. Nasulyapan ko kasi si Franz na parang nagtiim bagang sa ginawa ni Von sa akin. Marahil ay dala lang ito ng sobra kong kalasingan. Walang malisya iyon. Wala!

Nakuha ni Kate ang attention namin. Siya iyong isa sa mga batchmates namin na nakita kami sa restroom kanina. Nasa ibabaw siya kasi ngayon ng stage.

"Let us acknowledge the presence of Von Lee and Franz Roff. Ang dalawang kabatch natin na sikat na sikat na ngayon." Announce niya sa mic kasabay noon ay ang pagtapat ng spotlight sa mesa namin at masigabong palakpakan.

Kumaway lang silang dalawa. Ang mga iba ko tuloy batchmates at classmate dati ay nagtilian. Ang iba ay naghiyawan.

"Salamat sa inyong dalawa sa pagdalo! Salamat at hindi pa rin kayo nagbago." Nakangiting dagdag pa ni Kate sa mic.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon