Starring 13

11.3K 186 13
                                    



A/N:




@mjvelasc0, thank you so much! Sa lahat ata ng stories ko, kasama kita. Maraming salamat sa suporta! Thank you din kay @QuelaiDublas na mula LUSTFUL DESIRES ay reader ko na at taga-comment! Salamat ng marami. Iyong ibang loyalist ko po, magparamdam po kayo sa akin. Para naman po mapasalamatan ko kayo ng ayos.



VOTE & COMMENT! Thank you!



_____________________________________________


STARRING 13

TIME MANAGEMENT



Naging maayos naman ang fashion show nina Franz at co-models niya kagabi. Madaming offers sa kanya na lumapit noong gabing iyon, pero hindi siya makapag-decide. Ang sabi niya, si Sir Lance ang kontakin nila.


Hinatid ako sa bahay ni Franz matapos ang event. Hindi naman masyadong effort dahil katapat lang naman nila ang bahay namin.


Mag-isa lang sa bahay nila si Franz ngayon. Kasi umalis na papuntang Singapore si Tita Fanny para alagaan si Tito doon. Medyo uneasy pa rin si Franz kagabi kasi wala pang balita kung ok na si ang Papa niya. Pero hopefully, everything will be okay.


Maaga ako gumising kahit na halos pasado alas-dose ng madaling araw na kami nakauwi ni Franz. Nakita ko kasi sa calendar niya kagabi na Photo shoot siya sa Batangas ng alas-onse ng umaga. Kaya bilang isang mabuting tagahanga, gigisingin ko siya para masamahan doon.




"Good Morning, Anak!" Bati sa akin ng Mama ko. Nasa harap na sila ng lamesa at nag-aagahan.



"Good Morning po!" Bati ko naman. Hinalikan ko sila ni Papa sa pisngi at naupo na sa tabi ng kapatid kong si Dale.



"Inumaga ata kayo ng uwi?" Sabi sa akin ni Papa.



"Opo, Pa. Ang dami pa po kasing kumausap kay Franz pagkatapos ng event." Sagot ko naman habang nagpapalaman ng tinapay.


Iniabot sa akin ni Mama ang tinimpla niyang gatas ko. "Gumawa ka na ba ng assignment mo?" Tanong niya sa akin. Basta naman huwag ko lang pababayaan ang pag-aaral ko, hindi nila ako tinatanong sa mga lakad ko. Lalo na at si Franz o si Von ang kasama ko.




"Wala kaming assignment o quiz, Mama. Katatapos lang po kasi ng exams namin noong Wednesday."




"Ah ganoon ba? Kumusta naman ang fashion show?" Tanong ni Mama.




Hindi ako nakasagot kasi si Dale ang sumingit sa usapan. "Nasa internet si Ate, Ma. Nakunan siya ng mga photographer kagabi. Ang akala pa nga sa mga comments ay girlfriend daw siya ni Kuya Franz." Sabi niya habang kumakain ng rice at tocino na favorite ng kapatid ko.



"Talaga? Nasa internet ako?" Nagulat na tanong ko.



"Oo, Ate. Hindi masyadong malinaw ang kuha mo dahil nakatago ka sa dibdib ni Kuya, pero kilala kong ikaw iyon." Sagot naman niya.



"Naku! Pagkakaguluhan ka na niyan." Biro sa akin ni Mama.



May naalala tuloy akong ikwento sa kanila. "Ma, nakilala na ako ni Sir Lance. Kinukuha nila ako ni Maam Hera bilang model." Balita ko sa kanila.



"Tinanggap mo, Anak?" Tanong ni Papa.



Umiling ako kay Papa. "Hindi po. Ayoko. Saka ayaw din po ni Franz." Sagot ko na napapangiti. Kapag naalala ko ang concern niya sa akin kahapon, parang may kumikiliti sa tiyan ko sa kilig.




"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Papa.




"Hindi daw po ako bagay sa mundo nila ni Von. Magulo daw po kasi. Ang sabi pa nga po niya, kapag daw po kinapos tayo sa hinaharap, handa siyang pag-aralin ako. Basta huwag lang daw po akong magmomodelo."




"Sabagay may point siya." Comment ni Papa.



Napangisi naman ang Mama ko. "Wow, Anak! Improving ka na ah. Concern na si Franz ngayon sa iyo? Samantalang dati, hindi ka niya pinapansin na parang hindi ka nageexist." Tukso sa akin ni Mama.




"Hindi niya naman kasi mapapawalang bahala ang ganda ng Ate ko, Ma. Ang dami kayang nangliligaw diyan sa school." Pangbubuking ng kapatid ko. Okay na sana na pinuri niya ako eh. Pero idinaldal pa ang tungkol sa suitors ko. Nahihiya tuloy ako sa parents ko.



"Madaming nangliligaw sa iyo?" Tanong ni Papa.


Ang awkward ng pakiramdam. Hindi ko kasi alam kung ok lang sa magulang ko ang ligaw-ligaw na iyan.



"Opo." Pero sa huli, pinili ko pa din maging honest sa magulang ko.



"Anak, gusto ko kapag nag-18 ka na magboyfriend. Gusto ko, kilala namin ang magiging nobyo mo. Dapat papupuntahin mo sila dito sa bahay. May napili ka na ba sa kanila?" Usisa pa sa akin ni Papa.




"Wala po. Saka po, Pa, alam ninyo naman kung sino ang gusto ko mula pagkabata, hindi ba?" Open kasi ako sa family ko na talagang super gusto ko si Franz. Hindi naman sila kumontra dahil kilala naman nilang mabuti ang pamilya nila.



"We trust you, Anak. At ingatan mong masira ang tiwala namin sa iyo. Pero may pag-asa ba talaga iyang one-sided crush mo kay Franz?" Pang-aasar pa ni Papa sa akin.



Ngumiti ako ng maluwang. Naisip ko kasi ang nagiimprove na trato sa akin ni Franz. Para tuloy nakakakita ako ng rainbow pagkatapos ng rain.



"Papa, hindi ako nawawalan ng pag-asa." Sagot ko naman.



"Pero ako anak, mas gusto ko si Von para sa iyo. Kasi simula't-sapul, mabait na siya sa iyo. Pinakita na niya ang importansya mo." Sabi ni Mama.




"Ako, kay Franz ako." Singit ng kapatid ko. Gusto ko sanang sabihin na parehas tayo, bro.



"Ako, kahit sinong piliin mo, Steph. Kasi malaki ang tiwala ko sa iyo. Basta after na ng debut mo sagutin ah." Bilin pa ni Papa.



"Opo. Ma, Pa, sasama nga pala ako kay Franz papuntang Batangas. May photo shoot siya doon eh. Ok lang po ba?" Tanong ko sa kanila nang matapos akong kumain.



"Sige." Halos sabay naman nilang pagpayag.




"Puntahan ko po muna sa kanila. Baka tulog pa iyon at hindi pa nakain." Sabi ko sabay tayo na sa harap ng mesa.



"Tiyak namang gigisingin iyon ni Mareng Fanny." Sabi ni Papa.



Opps! May nalimutan nga pala akong very importanteng bagay. "Pa, nalimutan kong sabihin sa inyo. Inatake nga pala si Tito. Kaya solo si Franz ngayon. Mga katulong lang ang kasama niya at driver nila."



Nagulat ang parents ko sa balita ko. "Inatake? Kumusta na?" Nag-aalalang tanong ni Mama.



"Wala pa pong balita. Kaya medyo inaalalayan ko din si Franz ngayon kasi nga malungkot siya."




Tumango si Papa sa akin. "Tama iyan, Steph. Damayan mo siya ngayong kailangan niya ng kaibigan. Oh sige na, puntahan mo na." Nakauunawang sabi ni Papa.


I'm so lucky na maluwag ang parents ko sa akin. Kaya ipinapangako ko sa kanila na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang iyan.




**



"Ipagimpake mo ako, Steph." Utos sa akin ni Franz. Bihis na siya at nakapag-agahan na. Tumawag na din si Tita na medyo ok na si Tito. Kailangan na lang magpalakas. Kaya ang lolo ninyo, nasa magandang mood na.




"Balikan ba tayo?" Tanong ko habang namimili ng damit na nakasabog sa ibabaw ng kama niya. Namula pa ako ng mahagip ng kamay ko itong boxer niya. Ang laki naman ata nito? Siguro malaki din ang tinatakpan nito?



Ipinikig ko ang ulo ko kasi nagiging pervert na ata ako ah?! Pero hindi naman natagalan ang pagkakahawak ko sa bagong labang boxer kasi hinablot niya.



"Huwag mo nang pakialaman ang boxer. Ako na pipili." At itinapon niya sa loob ng maleta ang 4 na boxer brief. Pati tuloy siya namumula.



"Doon tayo matutulog." Dagdag niya ng makabawi sa kahihiyan sa akin. Bakit naman kasi nakakalat ang boxer eh.



"Naku! Kailangan ko palang magpaalam na overnight tayo."




Dinukot niya ang cp niya sa bulsa. "Ako na. Tatawag ako sa inyo." At lumabas siya ng kwarto para siguro kausapin si Papa.



Habang nasa labas siya ay hindi maiwasang nasulyapan ko na naman ang boxer sa ibabaw ng maleta. Parang may kumikiliti sa akin kapag naiisip ko kung anong tinatakpan noon. Kukunin ko sana para tingnan ulit ng malapitan ng biglang tumikhim si Franz sa likod ko.




AWKWARD!




"P-pinayagan ka na." Sabi niya habang tinitiklop iyong boxer at isinisiksik sa bulsa sa loob ng maleta.




"Ah.. Ok.." Nahihiyang sagot ko. Kasi naman, nahuli niya ako.



Nanunuod lang siya sa akin habang ako ay patuloy sa pagtiklop. Nang matapos kami ay binuhat na niya iyong maleta niya at ipinasakay kay Yaya sa likod ng CRV na sasakyan namin.




"Ready?" Tanong niya sa akin.




"Daanan natin ang bags ko sa bahay." Sabi ko.



Masunuring tumawid naman siya kasama ko papuntang bahay namin. Iyong driver niya ang naglabas ng sasakyan sa garahe.



Nagpaalam na ako sa family ko at lumabas na kami ni Franz. May pabaon pa sa amin si Mama na sandwich para kainin daw namin kapag nagutom kami sa daan.



Pasakay na ako ng CRV nila nang makita ni Franz si Von na pauwi at mukhang galing sa basketball practice. Pawis na pawis ito at nakasampay sa isang balikat ang towel niya.


Lumapit din ako sa kanila. "Hi, Von!" Bati ko pa.




"Kasama ka?" Tanong ni Von sa akin.



"Oo. Pinilit ko siyang isama ako. " Sagot ko naman.




Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Von. "Sayang. Magpapasama sana ako sa iyo mamayang gabi sa Awit Awards. Nominated kasi ang Colours." Sabi niya na halatang disappointed.



Wow! Paano na ako nito? Kagabi ko pa kasama si Franz. Dapat ay hati ang oras ko sa kanilang dalawa.



Napatingin ako kay Franz. Hindi ako makapag-isip. Paano na si Von? Importante sa kanya ang awards na iyon. Kaya ko ba siyang tanggihan? Pero kasi nakaplano na ang pagsama ko sa Batangas eh.




"Sige. Next time na lang, Steph. Ingat kayo." Paalam niya sa pinaka-malungkot na mukha.



Para namang makonsensya ako sa nakitang kalungkutan ni Von. Parang it breaks my heart!



"Franz, next time na lang ako sasama sa iyo." Napalunok pa ako ng sinabi ko iyan. Hindi ko din kasi alam kung maganda bang decision iyon.



"Hindi pwede, Steph. Ang mabuti pa, huwag na tayong matulog doon sa Batangas at sumunod tayo kay Von para manuod ng awards night." Seryosong sabi niya sa akin.



"Talaga?? Thank you!" At sa sobrang tuwa ko, nayakap ko si Franz ng wala sa sarili.



Ramdam ko naman na nanigas siya ng dumikit ako sa kanya at niyakap siya. Medyo bitin pa nga ako sa yakap ng itulak niya ako ng mahina.



"Ok na iyon kesa hindi ka sumama."




Dug..





Dug..





Kinikilig ako!






"Kasi wala akong alalay kapag wala ka. Kahit naandoon na daw si Miss Mye, iba pa rin kapag sa iyo ko ipagkakatiwala ang mga gamit ko." Dagdag pa niya na agad namang nakasira ng mood ko. Kinikilig na ako eh. Bumawi pa?? Kainis!



"VON!!" Sigaw ko sa hindi pa naman nakakapasok sa loob na si Von. Nasa gitna palang siya ng gate at daan papuntang front door nila.



Tumakbo ako sa loob ng bakuran nila. "Susunod kami pagkatapos ng shoot. Anong oras kaya kami dapat naandoon?" Tanong ko pa sa kanya.



Nagliwanag ang mukha ni Von sa akin. "Mga 10:00pm. Madami pa namang production numbers bago ang band of the year at singer of the year." Masaya na si Von ngayon.



"Ok. See you later." Paalam ko sa kanya.



"Ingat kayo!" At hinalikan niya ako sa noo.




Masaya na akong sumakay sa sasakyan ni Franz. Proper time management lang pala ang kailangan para walang masaktan. Kahit na alam kong medyo mahirap ang gagawin ko, dahil nakakapagod, at least parehas ko silang mapagbibigyan.



_______________________________________



A/N:



VOTE & COMMENT po.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon