Starring 58

9.8K 151 15
                                    

STARRING 58

I NEED AIR 

"Talaga? Magmomodel ka na rin, Miss Steph?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Gi. Kababalik lang nila mula sa pagmemerienda sa labas. Kasalukuyan akong inaayusan habang sina Franz ay nasa stage na ngayon.

"Oo, Ate eh." Sagot ko at ipinaliwanag ko ang nangyari. Mula doon lang naman sa pagkakapatid ko ng ilaw. Hindi ko na binaggit ang tungkol doon sa selos-selos na yun.

Tumango-tango si Ate Gi. "Ganoon pala. Mabuti at pumayag si Franz?" Sabi pa niya.

"Oo nga po." Tipid na sagot ko kasi nilalagyan na ako ng lipstick ni Bakla.

"ARE YOU SURE YOUR A MODEL?" Sigaw ni Luther na umalingawngaw sa buong hall.

Napatigil tuloy si Bakla at lahat kami ay lumingon sa stage. Napalunok ako. Natatakot ako. Iyong pinapagalitan ni Luther eh professional model na, paano pa ako? Baka kapag ako ang sinigawan niya ay maiyak na lang ako doon.

"Sorry." Hingi ng paumanhin noong Singaporean model. Bumalik siya mula sa simula at muling lumakad.

"CHIN UP!" Sigaw muli ni Luther. Nakakatakot talaga ang sigaw niya. Ako pa nga lang eh halos manginig na dito samantalang nanonood lang ako, paano pa kaya kung ako ang nasa lugar noong model?

"Ate Gi, nakakatakot pala." Hindi ko mapigilang sabi. Bumalik na ulit si Bakla sa pag-aayos ng make-up sa akin kaya umayos na ako ng upo.

"Huwag kang matakot. Kaya mo iyan, Steph." Bigay ni Ate Gi ng encouragement sa akin.

Hindi na ako kumibo at lihim na nagdasal. Nagdadasal ako na sana makaya ko ito. Nanglalamig tuloy ang mga paa at kamay ko sa kaba.

"You're pretty, Stephanie." Puri sa akin ni Bakla ng matapos na.

"Thank you." Nahihiyang  pasasalamat ko pa.

Lumapit sa amin ang wardrobe coordinator. "If you're done, wear this." Sabay abot niya sa akin ng shorts at venus cut na blouse. Mukhang simple, pero elegante ang design ng tela. Saka hello? D&G kaya ang tatak?

Inalalayan ako ni Ate Gi. Tinulungan niya akong magbihis sa dressing room. Kaya kailangan namin na maging presentable kasi may mga still photos na kukunan. Ingat na ingat tuloy kami Ate Gi na mabura ang make-up ko at magulo ang buhok ko. Naka-pony lang naman siya, pero kinulot ng malalaki ang mga dulo.

"Wow! Ang ganda mo lalo, Miss Steph!" Palatak ni Ate Gi.

Umikot-ikot pa ako sa harap niya. "Talaga, Ate?" Natutuwang tanong ko. Nakita ko nga rin ang repleksyon ko kanina. Hindi ko halos nakilala ang sarili ko. Feeling ko, gumanda nga ako. Iba pala kapag may complete make-up na. Mas gumaganda.

"Oo nga. Halika na at ng makarampa ka na. Good luck ah." Nakangiting sabi ni Ate Gi.

Lumapit na ako kay Luther at Direk. Halos lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Nakasuot pa naman ako ng 5 inches na heels. Pakiramdam ko tuloy, madadapa ako sa sobrang ilang sa mga titig nila.

"Wow!" Palatak ni Direk.

"See? I told you, she's a bomb!" Sabi sa kanya ni Luther kaya pulang-pula ako.

"You really have an eye for models, Luther." Papuri sa kanya ni Direk.

"I know." Ngumisi pa si Luther sa kanya. "Guys!" Pumalakpak si Luther para lumapit sina Franz.

Ang tingin ni Franz, halos malaglag ang panga. Mukhang tange lang! Ang tagal na naming magkakilala, tapos parang hindi pa siya makapaniwala sa nakikita sa akin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon