Starring 34

10.1K 149 14
                                    

STARRING 34

HANDS OFF

Nagising ako na nakahiga na ako sa kama. Pagmulat ng mata ko ay si Von agad ang nabungaran ko. Tumingin ako sa paligid at napansin ko ang pagpasok ng sinag ng araw sa kwarto. Kanino kayang kwarto ito? Hindi naman ito ang kwarto ng mansion nila?

"Ayos ka na?" Tanong sa akin ni Von. I just can't believe it. Si Von ang nasa harapan ko ngayon. Am I dreaming or I'm just hallucinating? 

Pinilit kong umupo pero hindi ko kaya. Hinawakan ni Von ang noo ko para damahin iyon.

Dug..

Dug..

Shemay siomai! Dampi pa lang ng palad niya parang kinukuryente na ako!

"Nilalagnat ka pa." Sabi niya at iniayos ang kumot ko.

"S-salamat." Sa wakas ay nakuha ko ding magsalita.

Hinawi ni Von ang ilang hibla ng buhok ko at tinitigan ako. Gad! Matutunaw ako! Take me now! Pwede na akong kunin ni San Pedro ngayon. I'm so happy!

"Bakit ka ba kasi nagpaulan doon? Sino bang hinihintay mo? Si Franz ba?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Oo. Siguro ay may emergency sa work kaya hindi nakasipot." Nahihiyang sagot ko. Hindi ako makatingin. Naiilang ako sa bigat ng titig niya sa akin. Hindi naman na siya nagcomment. Marahil ay ayaw niyang makialam sa buhay may-asawa ko.

Napaayos siya ng upo ng biglang may pumasok sa pintuan. "Ok na ba si Steph?" Tanong ni Syd habang papalapit sa amin.

"Nilalagnat." Maikling sagot ni Von. Von will always be Von. Manang-mana kay Tito Zeon na maikling sumagot. (A/N: Zeon Lee bida po ng INNOCENT LOVE <3 nasa external link ----->>>)

Tumingin ako sa gawi ni Syd na mukhang bago ring paligo. "K-kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo siya sa likod ni Von.

"Condo ko at ni Von. Naghati kami. Dito kami tumatambay ngayon kapag we want to breathe. Para hindi masundan ng fans & reporters kung saan talaga kami nakatira. Ayaw naming mawala ang privacy ng family namin." Paliwanag ni Syd. So, this is their haws pala.

"Tinawagan mo na ba si Franz?" Tanong ni Von habang nakalingon kay Syd. Somehow, nalungkot ako bigla. Realization hit me na sandali lang itong happiness ko ngayon. Kumbaga, hiram na sandali lang. Sa huli ay kay Franz pa rin ako dapat umuwi.

"Hindi." Nakangising sagot ni Syd.

"Bakit?" Tanong ni Von sa kanya. Ako din nagtataka, bakit hindi niya tinawagan?

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon