Starring 65

9.7K 178 57
                                    

A/N:

30 VOTES & 20 COMMENTS = UPDATE. Magvote na agad kayo sa simula pa lang para hindi ninyo makalimutan.. Thanks po!

_________________________________________

STARRING 65

MALILIMUTAN NG PUSO

Naalimpungatan ako na parang may naguusap sa tabi ko. Hindi ako nagmulat kasi pinakinggan ko muna ang mahina nilang pag-uusap. Ganito ang napapanood ko sa mga teleserye eh. Minsan inililihim nila ang tunay na kondisyon ng pasyente. Sa huli ay malalaman na lang na may malala na palang sakit. May cancer o mamatay na kaya ako?

"Selective amnesia nga daw." Narinig kong boses ni Dale.

"Talaga? Pero parang naaalala niya naman lahat?" Kilala kong boses iyon ni Vanity. Nagiging interesado ako sa naririnig ko kaya mas pagbubutihin ko ang pagpapanggap ko.

"Hindi nga rin maintindihan ni Doc kung bakit eh. Tingnan mo naman, hindi niya maalala si Kuya Franz." Sabi ni Dale.

Hindi ko maalala daw si Franz? Eh naalala ko naman kung sino niya eh. Paanong nasabi ng kapatid ko na hindi ko naalala si Franz?

"Kahit ang pagiging magboyfriend nila ni Kuya Von ay hindi niya maalala." Sabi ni Vanity.

WHAT?? Magboyfriend kami ni Von? Kailan? Paano? Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa kanya. Pero ang alam ko, kaibigan ko lang siyang maasahan ah? Eh di ibig sabihin nga, something is wrong with me.

Hindi ko na inintindi ang iba nilang pinaguusapan kasi iniisip ko ang sinabi ni Vanity. Bakit hindi man lang sinabi ni Von na girlfriend niya ako, kung ang sabi ni Vanity ay 'pagiging magboyfriend nila ni Kuya Von'? Kaya pala ganoon ang mga titig niya sa akin kanina. Siguro ay nasasaktan siya na hindi ko siya matandaan.

Isip ako ng isip habang patuloy ang pagpapanggap na tulog ng may marinig pa akong nakuha ng attention ko.

"Kailan ang uwi niya ng Pilipinas?" Boses ni Vanity.

Wow! Wala pala ako sa Pilipinas? Nasaan ako? Sinong kasama ko? Magulang ko ba? Siguro pamilya ko nga kaya sila kumpleto. Pero baka kasama ko din ang boyfriend ko daw na si Von. Marahil isinama niya rin si Vanity. Siguro ganoon nga.

Pero ang tanong, 'bakit naandito rin si Franz sa bansang hindi ko maalalang pinuntahan ko?' Maaring kasama ako ng bf ko at pamilya ko. Isinama niya si Vanity na kapatid niya. Pero anong papel ni Franz para isama namin? Bakit ba kasi hindi ko maalala?

"After two days more habang inuulit ang mga test. Gusto talaga nilang malaman kung ano ang extent ng pagkakaputok ng 10 stitches niyang ulo. Saka bakit may maliliit na detalye siyang nalilimutan." Boses ng kapatid ko.

OMG! Kaya pala may bandage ako sa ulo? May tahi ang ulo ko dahil sa aksidente? Bakit ba kasi ako nasagasaan? Sino ba ang kasama ko ng nasagasaan ako? Ahhh! Nakakainis! Hindi ko maalala!

"Sana lang maging ok na si Ate Steph. Kawawa naman si Kuya." Dinig ko pang sabi ni Vanity habang palayo na iyong boses. Hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto ng hospital.

Unti-unti akong nagmulat. 'Kawawa si Kuya? Si Kuya Von ba?' Tanong ko sa sarili ko. Halos matawa ako. Malamang Kuya Von, alangan namang Kuya Franz, di ba?

Ano ba talaga kasing problema ng utak ko? Bakit hindi ko maalala na gf pala ako ni Von? Siguro ay ipagpapatuloy ko na lang muna ito na parang wala akong nalaman. Iyon kasing presensya ni Von kanina, iba talaga ang kabog ng dibdib ko kumpara sa presensya noong naandito din si Franz. Marahil ay totoo nga sigurong kasinatahan ko siya. Pero gusto kong manahimik na lang muna habang hindi ko pa talaga maalala.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon