STARRING 92
AFTER ALL
Another year has passed. Matuling lumipas ang mga araw. Hindi ko nga namalayan na may tatlong taon na akong anak. Naging mabuti naman ang lahat para sa aming mag-ina. Nakasurvive naman kami kahit kaming dalawa lang. Pero aaminin kong may konti rin namang tulong nina Von at Cedric kahit paano.
Si Von ay graduate na ng dentistry. Nakapasa na siya ng board exams at ngayon ay isa na siyang sikat na dentista. Madalas manggulo ang anak ko sa kanya kapag off ako sa hospital. Aliw na aliw kasi siya sa clinic ni Von. Ang mga pasyente ay aliw na aliw din sa anak ko. Ang sabi nga nila, napakabibo daw ni ZL.
"Panahon na ata, Von para humanap ka na ng babae na makakasama mong gumawa ng pamilya." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kahit papaano, may konting kuryente akong naramdaman sa buong katawan ko.
"Hindi ko pa nakikita ang babaeng papalit sa iyo sa puso ko." Seryosong sabi niya na ikinapula ng aking buong mukha. Hindi ako makasagot dahil medyo kinakabahan ako. Umiwas na lang ako ng tingin at naglanding sa aking anak na hinihila ang pantalon ni Von.
"Let's go, Ninong!" Excited na sabi niya habang hila ng hila sa pantalon ni Von. Nakakatuwang palagay na ang loob niya dito.
Nag-squat ako para magkapantay kami ni ZL. "Hindi mo ba mamimiss si Mama?" Naglalambing na tanong ko habang nakalabi ng pacute sa kanya.
Kiniss ako ni ZL sa lips. "I'll be back. Huwag ka na pong ma-sad, Mama." Sabi niya sa akin kasama ang isang magandang ngiti. How can I resist her kung ganyan siya kasaya?
"Call me if you need me." Bilin ni Von at hinalikan na ako sa noo. Binuhat na niya si ZL at isinakay sa kanyang kotse.
Hiniram ni Von ang anak ko dahil isasama daw niya sa bahay nina Tita Zyrah. Pero bago sila pumunta doon ay ibinilin kong dalawin muna nila sina Mama at Papa ko sa katabing bahay nila. Excited pa nga ang anak ko. Ang dami niyang piniling damit para sa overnight stay niya sa mansyon ng mga Lee.
**
Kasalukuyang inaayos ko ang salas namin. Dito kasi naglaro ang mag-Ninong kanina ng Wii namin. Kahit na tatlong taon palang si ZL ay napaka galing na niyang magoperate ng mga gadgets. Sadyang ganyan ata ang mga bata ngayon. Mas advance na sila kumpara sa amin noon.
Nagpahinga na ako dahil sa wakas ay naibalik ko na ang kaayusan sa aking bahay. Manunuod lang ako sandali ng tv at pagkatapos ay saka ako magshoshower ulit. Binuksan ko ang tv at kinuha ang remote control nito nang mapansin ko ang laptop kong hiniram kanina ni Von. Nag-online nga pala siya kanina sa facebook gamit ang lappy ko para macheck ang updates tungkol sa aming highschool reunion. Sa isang linggo kasi ay highschool reunion na namin.
Natigilan ako at naengganyong magbasa ng news feed niya. Alam kong masama itong ginagawa ko. Dapat ay i-logout ko na ito dahil hindi ko naman account ang nakalagay dito. Pero binasa ko na rin. Gusto ko kasing makisali sana sa group chat ng highschool friends namin. Sa hindi ko kasi malamang kadahilanan, ayaw mabuksan ng facebook ko. Mukhang naka-deactivate siya. Noon ko pa iyon sinusubukang buksan, pero hindi ko talaga mabuksan. I don't know why.
BINABASA MO ANG
The Star
Fiksi RemajaAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...