Starring 67

8.7K 170 48
                                    

A/N:

Whew! Ngayon lang kami nagka-net ulit.. Grabe! 4 hours na wala! Napuyat ako para lang makapagpost para sa inyo. Salamat po sa lahat ng support. Salamat po kina: @annz29, @KhayEan, @miaka_love, @jhasmincute12, @oishiangela, @Paul_Samboa, @dhione, @RaRaDee, @SummerFlinn, @aiapots_ventulove, @rehyuma, @KyungBaeSuk, @QuelaiDublas, at @mjvelasc0.

30 VOTES & 20 COMMENTS = UPDATE! Vote at comment agad pagkatapos magbasa para next chappy ko po agad. Thanks!

__________________________________________

STARRING 67

SELOS?

Pain reliever agad ang itinusok sa akin pagdating ko sa emergency ng hospital. Pagdating namin doon ni Von ay nagkaroon na ako ng malay. Hawak ko pa din ang ulo ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.

Pagpasok ko ng private room na ipagpapa-confine-nan sa akin ay humahangos na Franz agad ang dumating. Medyo nawawala na ang sakit ng ulo ko noon. Pigil ang ngiti ko noon kasi ay may face paint pa siya sa mukha at halatang galing sa show.

"Anong nangyari?" Tanong niya agad sa akin. Lumapit siya at umupo agad sa tabi ng kama ko kaya nagbigay daan si Von at umupo na lamang sa may paanan ko.

Hindi ko ininda ang tanong niya. "Mukhang galing ka sa show ah." Puna ko sa kanya.

"O-Oo eh. Ano bang nangyari sa iyo?" Tanong niya muli na puno ng pag-aalala.

"Sumakit ang ulo ko kanina sa bahay. Mabuti na lang at naandoon si Von." Paliwanag ko.

Napapikit siya ng mariin. Parang naiinis siyang hindi ko maintindihan. "Ano ba kasing ginawa ninyo?" Baling niya kay Von ng imulat niya ang kanyang mga mata.

"Wala naman kaming..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi si Von ang sumagot.

"Nasa bahay lang. Nagkukwentuhan lang. Wala akong ginawa na kung ano sa kanya, Franz." Pagtatanggol ni Von sa sarili niya.

Mas naningkit ang dati ng singkit na mata ni Franz. "Eh bakit sumakit na naman ang ulo niya?!" Medyo na pataas ang boses ni Franz.

Hindi umimik si Von. Bagkus ay napatungo na lang siya at parang batang pinagalitan na nahimik na lang. Naaawa ako tuloy sa itsura ni Von.

Napakunot ang noo ko. Bakit kailangan niyang magpaliwanag ng ganyan kay Franz? Anong karapatan ni Franz para kuwestyunin siya? Maaring nagaalala lang siya, pero hindi niya kailangang usigin ni Von.

Hindi ako pwedeng manahimik na lang dahil tingin ko, wala na sa lugar si Franz. "Teka lang, Franz. Huwag mong pagalitan si Von. Wala siyang kasalanan dito." Pagtatanggol ko kay Von.

Nakuha ko ang attention ni Franz. "Bakit ba sumakit ang ulo mo, Steph?" Tanong niya sa mas malambing na tono.

Sandali akong natigilan ang nagisip kung bakit nga ba sumakit ito. "May mga naalala kasi ako. Mga broken memories na pilit kong pinagtutugma. Tapos ay kumirot na lang ang ulo ko. May malala ba akong sakit, Franz?" Tanong ko. Medyo nagaalala na tuloy ako sa sarili ko.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon