STARRING 26GOODBYE
Simula nang mangyari iyon ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Hindi ako masyadong makatulog at makakain. Nag-aalala na ang family ko, pero naging makasarili akong hindi sila inintindi. Ang alam ko lang, masakit ang nararamdaman ko. Sobrang sakit!Halos maya't-maya ay tinetext at tinatawagan ko si Von. Gusto ko siyang makausap. Wala naman akong lakas ng loob na pumunta sa kanila. Sinubukan kong tumawag sa landline nila pero binagsakan lang ako ng telepono ni Vanity. Alam kong pati siya ay galit sa akin.
Napanood ko kahapon sa tv na nag-guest ang COLOURS at malungkot akong hindi ko nakita si Von. Ang tanging kumanta para sa kanila ay ang second vocalist, si Syd. Halos batuhin ko ang flat screen sa harap ko. Sa tv ko na nga lang siya makikita ay pinagkait pa niya sa akin?
Ang sabi ng mga kabanda niya sa interview, may sakit daw si Von. Pero sure daw na makakanta ito sa first major concert nila sa araw din ng kasal ko? Napahawak ako sa bibig ko. Naalala ko ang pangako kay Von na manonood ako ng concert nila kahit anong mangyari. Pero paano nga ba ito?
Nakiusap ako kay Dei na ibili ako ng ticket para sa concert, tanging siya lang ang hindi ko kapamilya na nakakaalam na ikakasal na ako. Ayaw pa nga niya sana kasi kasabay nga ng kasal namin ni Franz, pero nang umiyak na ako ng umiyak sa telepono ay pumayag din siya.
Bukas na ang kasal ko. Wala akong pakialam kahit mukhang bangkay ako. Si Franz ay hindi rin pumupunta dito sa bahay. Marahil ay busy sa preparations o sa mga events. Hindi ko na iniintindi. Hindi ko siya tinetext o tinatawagan, ganun din naman siya sa akin.
Napanood ko lang sa tv na parang napaaway siya sa isang reporter ng tanungin siya bakit naghiwalay sila ni Fatima. Wala na akong pakialam kahit napahamak siya. Ang alam ko lang may problema din akong dinadala. Kaya wala akong pakialam sa iba. I miss Von so much. Very much! Ang sakit talaga!
**
KASALAN:
Excited na ang buong family ko para sa kasal mamaya. Hindi naman ako nakagown dahil sa Huwes lang naman kami ikakasal. Simpleng bestida lang suot ko.Ang pangarap ng bawat babae na makasal sa simbahan ay naging imposible sa akin. Ayos lang sana kung si Von ang mapapangasawa ko. Kahit saan ay ikakasiya kong makipag-isang dibdib sa kanya. Pero ngayon, imposible na ang lahat.
"Ate, mukha kang may sakit." Puna sa akin ni Dale. Noong isang araw pa nag-aalala sa akin ang kapatid ko.
Tulala lang akong nakatingin ng lampasan sa salamin. Inaayusan ako ng make-up artist. "Napakabata ko pa sa edad na 17, pero ito ako, biktima ng pagkakataon. Ikakasal ako sa lalaking hindi ko na mahal." Tulalang nabigkas ko. Parang sasabog na ang dibdib ko sa dinadala kong sentimyento.
"Ate, kaya mo iyan. Mabuting tao naman si Franz. Saka gusto mo siya dati, di ba?" Sabi ni Dale habang hinahaplos pa ang buhok ko.
Tinabig ko ang mga make-up sa ibabaw ng tukador ko. Napatili ang make-up artist. Basag kasi ang kanyang mga gamit. "Ayoko ng iba!!" Sigaw ko.
Nagulat ang kapatid ko sa ginawa ko. Bakas sa mata niya ang kabiglaan at pag-aalala sa akin. Hindi na siya umimik. Tinulungan na lang niya ang make-up artist na pulutin ang mga pangkoloreteng nabasag.
"Hindi ko na kaya!" Humagulhol na ako ng iyak.
"STEPHANIE! ANO ITO?" Sigaw ni Mama nang marinig niya ang ingay na ginawa ko. Lumapit siya sa akin at galit na hinawakan ako sa siko. Walang reaction lang ang mukha ko. Pero ang luha ko ay patuloy na bumubuhos.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...