" Sa Barcelona?! Spain?!"
" Baliw! Sa Sorsogon yun sa Bicol!"
" Wow! Frend gusto ko yan! Di ba diyan yung mga butanding!"
" Narinig ko lang. Pero hindi pa ako nakakapunta doon. Kaya kailangan nating magplano. Alam ko may katiwala na nag-aalaga nung bahay na yun may address naman sa akin kaya kahit medyo mahirapan tayo maghanap ay siguro makikita naman natin yun."
" Frend bet na bet ko yan! Adventure itey!"
Napangiti na lang si Almira at nagpasya na ang dalawang umuwi.
.
.
.
.
Kinagabihan dahil walang magawa ay nag search sa net si Almira. Barcelona, Sorsogon. Isang bayan na nakaharap sa pacific ocean. Napangiti si Almira dahil tila nakikiayon sa plano nilang bakasyon ang lugar. Nagpatuloy siya pagtuklas tungkol sa bayan ng Barcelona at nakita niya ang ibat-ibang larawan. Hanggang isang larawan ng simbahan na lumang-luma na ang kanyang nakita. Binasa niya ang nasa baba at nalaman niyang isang simbahan ito sa isang baryo sa bayan ng Barcelona. Dahil sa walang contact number sa nagsisilbing caretaker na bahay na kanyang minana ay tinignan na lang niya ito sa mapa. Isa itong bayan na malapit na sa dagat.Nang matapos ay tinawagan niya ang kaibigang si Theo at nagpasyang gamitin na pitong araw na vacation leave nila sa susunod na linggo. Kaya ang pagpapaalam na lang sa mga superior ang kailangan.
Hindi naman nahirapan sa pag-paalam ang dalawa dahil marami naman silang nurses at may reliever nurses din ang hospital. Kaya bago matapos ang linggo ay nagpabook na sila ng eroplano papuntang Legazpi City dahil doon muna sila tutuloy sa sa isang pinsan ng ama ni theo. Mula legazpi city ay bibiyahe ng halos isat kalahating oras by land patungong Sorsogon City, doon ay muling sasakay patungong bayan ng Barcelona.
Nang makapagpabook ng flight
isang araw bago lumipad ay namili sila ng kakailanganin nilang mga personal na gamit. At nagkasundong sa airport na magkita kinabukasan.Kinabukasan alas sais pa lang ay nasa NAIA T3 na sila dahil alas nuwebe ang lipad ng eroplano patungong Legazpi City.
" Lapit lang pala frend 45 mins."
" Oo pero by land it takes 10 hrs din. Sigurado ka ba may susundo sa atin sa airport?"
" Oo tinawagan ko na si Tito may pamasada siyang dyip susunduin tayo. Kaya namili din ako pasalubong sa mga pinsan ko dun mga bata pa."
" Bakit di mo sinabi! Nagdagdag sana ako!"
" Puwede naman frnd noh! Mamaya pagdating natin punta tayo sa mall doon. Malapit lang kasi daw bahay nina tito. Saka baka kelangan nating magdagdag ng dadalhin doon sa pupuntahan nating lugar. Remember sabi mo isang baryo na malapit sa dagat. Baka walang groceries or convenient store doon kung baryo nga. Mabuti ng sigurado eh 7 days tayong rarampa doon. May 7 swumsuits din ako para araw-araw iba-iba."
" Baliw ka talaga!"
" Naniwala ka naman agad! Sa tingin mo kaya kong magsuot nun?!"
" Hmmm....medyo." Nakangiting sagot ni Almira.
" Buang! Conservative kaya ako, pure,innocent and virgin! Tulad mo!"
" Dami mong alam! Tumayo ka na diyan at flight na natin pipila pa tayo."
.
.
.
.
Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay nasa himpapawid na sila ng probinsiya ng Albay. Dahil first time ng dalawa sa bicol ay sobrang namangha sila sa nakikitang bulkan na nadungawan nila sa bintana. Pati ang Quitinday Hills na parang chocolate hills ay kanila ding ikinamangha dahil sa ganda.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...